Sa launching ng coffee table book ng Eat Bulaga! Ang
Unang Tatlong Dekada noong Huwebes, October 6, ay sinubukan ng
PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin kay Pia Guanio
ang balitang ikinasal na siya.
Lumabas kasi ang usap-usapan noong nakaraang linggo na ikinasal na si
Pia kaya wala siya sa mga programa niya sa GMA-7, partikular na ang Eat
Bulaga! at Showbiz Central.
Dalawang beses nilapitan ng PEP staff writer na si Jocelyn Jimenez si
Pia sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City para
tanungin kung maaari siyang makapanayam.







