.....

nufnang

nuffnang

Monday, October 10, 2011

PIA GUANIO CONFIRMS SHE IS MARRIED!

Sa launching ng coffee table book ng Eat Bulaga! Ang Unang Tatlong Dekada noong Huwebes, October 6, ay sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmahin kay Pia Guanio ang balitang ikinasal na siya.

Lumabas kasi ang usap-usapan noong nakaraang linggo na ikinasal na si Pia kaya wala siya sa mga programa niya sa GMA-7, partikular na ang Eat Bulaga! at Showbiz Central.

Dalawang beses nilapitan ng PEP staff writer na si Jocelyn Jimenez si Pia sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City para tanungin kung maaari siyang makapanayam.


Sa unang pagkakataon ay sinabi ni Pia na hindi siya pwede dahil kasalukuyan siyang nagla-live coverage noon para sa "Chika Minute" ng 24 Oras.

Nang matapos ang programa ay muling nilapitan ng aming staff writer si Pia, at sinabi niyang magsi-CR lang muna raw siya. Pero hindi na siya bumalik pagkatapos nito.

Pero kaninang hapon, October 9, sa phone-patch interview niya sa Showbiz Central ay kinumpirma ni Pia na kasal na nga sila ng businessman na si Steve Mago.

Naganap ang kasalan noong Sabado ng hapon, October 1, sa Ayala, Alabang.

Pinangunahan ni Pastor Paolo Punzalan, anak ng yumaong TV personality na si Helen Vela, ang "intimate ceremony" na dinaluhan lamang ng hindi lalagpas sa 50 guests.

Gusto raw sana ni Pia na makasama ang mga co-host niya sa Showbiz Central na sina Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Jennylyn Mercado, at John "Sweet" Lapus para personal na ihatid ang magandang balita, pero nagkataon namang meron daw siyang "bad cold."

THE CONFIRMATION. "I will categorically answer that, and the answer is yes," pagkumpirma ni Pia sa pagpapakasal niya kay Steve.

Matatandaang naganap ang engagement nila noong May 7, 2011. (CLICK HERE to read related story.)

Ipinaliwanag din ni Pia ang dahilan kung bakit pinili nilang ilihim sa marami, kabilang na ang mga co-host niya sa Showbiz Central, ang naturang kasalan.

Ani Pia, "We just really wanted it private. And we wanted just a few people.

"Because we really wanted to concentrate on the ceremony, on the blessing, and the message from our pastor.

"So, ayaw talaga namin ng any kind of unnecessary distractions which... a big wedding entails.

"So, minabuti na lang namin to just have our families present because, honestly, sila lang naman talaga yung pinakaimportante.

"And, of course, yung pastor namin and his wife, with whom we have been having seminars for so many weeks just preparing for this event talaga."

Dagdag pa ng newlywed, "I mean, so many people think that a wedding is one day, but it's not. It's a long period of preparations.

"And I don't mean flowers, I don't mean themes, I don't mean motifs, I don't mean ten-gazillion guests.

"We're missing the forest for the trees, alam mo 'yon?

"Parang with all the preparations, sometimes nami-miss mo yung mensahe talaga, e, yung kahalagahan nung okasyon.


COURTESY: PEP.PH

4 comments:

Anonymous said...

ok, next

Anonymous said...

Breaking NEWS!!!

GMA PINOY TV! NAGSHUTDOWN NA SA CANADA!!! NXT COUNTRY TO SHUTDOWN IS MIDDLE EAST!!! BALITANG BALITA NA TATANGGALIN NA RIN NG ORBIT ANG PINOY TV DAHIL SA HINDI RIN PAGBABAYAD NG FEE. ANO BA YAN GMA MAGBAYAD NA KAU!!! KALA KO BA MAYAMAN KAYO!!!

Anonymous said...

who cares !!!!!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

^
^
^
K O R E K !

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails