.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, February 19, 2013

ABS-CBN IN DEFENSE TO GMA'S REVIVED LIBEL CASE!


Nagbayad ng piyansa si ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III at iba pang kasalukuyan at datihang empleyado ng news department ng Kapamilya Network ngayong araw, February 18.

Ito ay kaugnay sa libel case na isinampa ng rival network na GMA-7 na siyam na taon nang dinidinig sa korte.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inisyuhan ng warrants of arrest ng isang branch ng Quezon City Regional Trial Court sina Gabby Lopez, Erwin Tulfo, Lynda Jumilla, Beth Frondoso, Maria Progena Estonillo Reyes, Annie Eugenio, Dondi Garcia, Luis Alejandro, Jose Ramon Olives, Jesus Maderazo, Luchi Cruz-Valdes, Jose Magsaysay Jr., at Alfonso Marquez.

Sina Tulfo, Frondoso, Alejandro, Cruz-Valdes, Magsaysay Jr., at Marquez ay hindi na konektado sa ABS-CBN.


"NO BASIS." Ayon naman sa statement ni Bong R. Osorio, head of ABS-CBN Integrated Corporate Communications, "The respondents to the libel case have voluntarily surrendered to the court and posted bail in accordance with law. They nevertheless firmly maintain that the libel charge has no basis in fact and law."

Ang reklamong libel na ito ay isinampa ng GMA-7 noong 2004 laban sa ABS-CBN, matapos akusahan ng Kapamilya station ang Kapuso Network ng paggamit ng kanilang “exclusive videos” sa pagdating ng OFW na si Angelo dela Cruz nang mapalaya ito ng mga militanteng Iraqi.

Ayon pa sa ABS-CBN, ginamit diumano ng GMA-7 ang exclusive video nila ni Dela Cruz na nabili ng Kapamilya network sa international news agency na Reuters.

Binili diumano ng Reuters ang video sa ABS-CBN na may kasunduang hindi nila ito puwedeng ipagamit sa ibang media organizations sa bansa.

Ayon pa kay Osorio, "In truth, it was the complainant who used ABS-CBN footage without its authority and consent and was thus charged by ABS-CBN with copyright infringement.

"It is unfortunate that the respondents are being pilloried as criminals, when in fact, it was ABS-CBN whose rights were violated. They are confident that this libel suit will eventually be dismissed."

Ayon naman sa abogado ng ABS-CBN na si Atty. Regis Puno, may pending petition pa ang istasyon sa Court of Appeals na kumukuwestiyon sa resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na nagsabing may “probable cause” laban sa mga akusado.

Dagdag pa ni Puno, "Itong pangyayaring ito ay 2004 pa, magsa-sampung taon na.

“Imbes na hintayin muna ang katapusan ng mga proseso at mga pagdinig ng Court of Appeals at Supreme Court ay sinampahan na nila ng libel.

“Pero hindi naman sinampahan ng tinatawag nating copyright infringement."

Sabi pa ni Osorio, "The respondents will avail themselves of all legal remedies to question the findings of probable cause for the arrest warrants issued by the RTC of Quezon City."

7 comments:

dexter said...

"It is unfortunate that the respondents are being pilloried as criminals, when in fact, it was ABS-CBN whose rights were violated. They are confident that this libel suit will eventually be dismissed."

WHY kc nman magsasampung taon n..ngyn nnman ulit..

GMA magsaya k u heheheh...k u din m uubos pera nyo imbes n igagasta nyo pera nyo s wlng kwentang SHOW nyo.

Anonymous said...

ang court ang ngsabi na ang abs ang nandaya at obvious namn na 2 ang manloloks.

remember ang 7 ay mabait di gumgawa ng bias sa kapwa companya~

Anonymous said...

sana matauhan na ang mga sangkot sa libel,at wg na nilng ulitin
gumawa ng masama

Anonymous said...

ang masasabi ko:

1. Binibili ng gme ang korte sa lahat ng kaso nila with abs

or

2. Mga bobo ang mga abogado ng abs dahil lagi silang natatalo kahit na maliwanag pa sa sikat ng araw na sila ang nasa katwiran.

Anonymous said...

Walang sinabi ang korte na nangdaya ang ABS, obviously ang nangdaya dito yung GMA, pinalabas nila yung clips na hindi naman sa kanila.

Talo ang ABS in form, panalo sila in substance dahil kitangkita naman kung sino ang "nagnakaw"...

Anonymous said...

Comment #2 is DOUBTFUL... Kagabi sa 24 Oras THERE WAS NO MENTION OF THE WORD "PIYANSA" in the report regarding the libel case discussed in this post. Kahit GME News may bahid ng bias...

Anonymous said...

karma sa dos.'hahaha.' pahiya na naman ang Ebak fans at lhat ng news depatment,'hahaha.'

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails