Lumapit pala si Claudine Barretto sa Gabriela para humingi ng tulong
dahil nagkaroon daw ito ng emotional trauma sa nangyaring gulong
kinasangkutan nila ni Raymart Santiago kay Mon Tulfo.Ayon kay Lana Linaban na Secretary-General ng Gabriela, humingi raw ng tulong sa kanila si Claudine kaya tutulungan nila ito.
Hindi raw sila makikialam sa kaso para alamin pa kung sino sa
kanila ang nagsasabi ng totoo. Humingi lang daw ng tulong si Claudine
kaya tutulungan nila ito kung kinakailangan nito ng suporta ng naturang
samahan.
Kung talagang emotionally stressed daw ito, nandiyan daw ang
Gabriela para bigyan ito ng tamang psychological treatment para mabalik
sa normal na takbo ang buhay nito.
Si Jennylyn Mercado ang isa sa tinulungan ng Gabriela at gusto
ngang maging active member na ito ng naturang grupo ng mga kababaihan.
Napag-usapan nga raw ito sa Gabriela at kung kinakailangan daw itong tulungan, isa si Jennylyn sa tutulong kay Claudine.
Nu’ng kamakalawa ng hapon ay binigyan si Jennylyn ng Award of
Recognition ng Gabriela dahil sa nais nitong makatulong sa mga
kababaihang dumaan sa karahasan o pang-aabuso.
Dumaan din kasi si Jennylyn sa karanasan na kung saan nasaktan siya
na walang kalaban-laban kaya humingi ito ng tulong sa Gabriela.
Ngayon ay isa na siyang miyembro ng Gabriela at gusto ni Jennylyn
na makatulong sa mga kababaihan na nangangailangan ng tulong.
Pormal na in-announce ito ng Gabriela sa kanyang fans day na
ginanap sa bago at napakalaking Star Mall sa San Jose, Del Monte,
Bulacan.
2 comments:
heheheh nababaliw n ata toh..hehehe
wawa nman..tapos un GMA benibenta na...hay buhay..number1 DAW kc heheh.
Daming pera ni Claudine, bakit kailangan pa niyang humingi ng tulong. Pwede naman direct na siyang magpa-appointment. Tss. Masabi lang na kaawa-awa siya. Para maisalba ang image niya. Dami niyang chuchu.
Post a Comment