.....

nufnang

nuffnang

Friday, November 18, 2011

TEXT MESSAGES NI RAMGEN PANIBAGONG EBIDENSYA NG PULISYA!

Problema sa pera at alitan sa pamilya.

Ito ang dalawa sa dahilang lumulutang kaugnay ng pagpatay sa aktor na si Ramgen Revilla noong Oktubre 28.

Mas lalo tuloy natuon ang atensyon ng pulisya sa anggulong ito dahil sa mga na-recover na text messages sa mismong cell phone ni Ramgen na tumutugma sa imbestigasyon ng kaso na away sa pamilya ang posibleng naging ugat ng krimen.

Sa report ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, kagabi, November 17, na-recover ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) ang huling text messages sa cell phone ni Ramgen bago siya napatay.


Gumamit ang PNP ng cellphone forensic machine para makuha ang mga text sa cell phone ni Ramgen.

Tila may pahiwatig sa text messages na ito na mayroong ngang alitan sa pera ang pamilya nila.

Gaya na lang ng mensahe ni Ramgen sa kapatid na si Gail dalawang araw (Oktubre 26) bago siya mabaril.

Sa text, nagmamakaawa si Ramgen na ibigay na ang kanyang allowance.

Sobra na rin daw ang paninira sa kanya sa kanilang amang si dating Senador Ramon Revilla, Sr.

Text ni Ramgen: "BIGAY NYO NAMAN ANG ALLOWANCE KO SOBRA NAMAN KAYO... SINIRA NIYO NA NGA AKO KAY DADDY TAS GANYAN PA... SOBRA NAMAN YAN GA."

Sagot naman ni Gail, kaya raw binawasan ng ama nila ang kanilang allowance dahil galit daw ito sa kanilang ina na si Genelyn Magsaysay.

Dapat daw ay P200,000 ang allowance, pero ginawa na lang itong P150,000.

Text ni Gail: "KAYA NAMAN NIBAWASAN NI DADDY YUNG ALLOWANCE KASI GALIT NA GALIT KAY MOMMY. DAPAT SAKTO TALAGA YUNG ALLOWANCE. 200K DAPAT ALLOWANCE NYO PA RIN PERO DAHIL SA GALIT NI DADDY KAY MOMMY, NIGAWA NIYA 150K."

Matatandaang sa interview kay Genelyn ng State of the Nation with Jessica Soho sa GMA News TV, sinabi nito na nagtataka siya kung bakit pabawas nang pabawas ang ibinibigay na sustento sa kanila. (CLICK HERE to read related story.)

Sa isa pang text ni Ramgen, tinext niya raw si Mara na dapat ay magkabati na silang lahat.

Text ni Ramgen: "MALAKI NA TAYO MAGKAAYOS NA DAPAT. HINDI MAGANDA PURO AWAY... NAGTEXT AKO KAY MARA KANINA NA SANA MAAYOS NA LAHAT AT MAGKABATI-BATI NA TAYO."

Si Mara, o Maria Ramona Bautista, ang kapatid ni Ramgen na isinasangkot din sa krimen.

Nauna nang nabalita ang paglipad nito papuntang Hong Kong at Turkey. Pero hindi na matukoy kung nasaan talaga ang kinaroroonan nito ngayon.

May text din si Gail na nagpapahiwatig na dahil sa problema sa pera, tila hindi na mabayaran ang kanilang bills tulad ng kuryente.

Text ni Gail: "NAGBIGAY AKO KAY MOMMY NUNG MONEY FOR MERALCO BEFORE, SIYA YUNG HINDI NAKABAYAD"
Pero sa text isang araw (Oktubre 27) bago mapatay si Ramgen, sinabi nito na nagsimula ang gulo dahil sa pagbenta nang mura sa sasakyan ni Ramon Joseph o RJ.

Text ni Ramgen: "ALAM KO SAN NAG UMPISA TOH SA STRADA NI JOSEPH... WAG NA KAYO MAG MAANG MAANGAN PA. SINABI KO KASI SOBRA MURA NG BENTA."

Si Joseph o Ramon Joseph ang isa pang kapatid ni Ramgen na itinuturong mastermind umano sa krimen.

Nakakulong ito ngayon sa Paranaque City Jail.

Sa kontrobersiyal na kaso ng pagpatay kay Ramgen, umaasa ang pulisya na magagamit ang naturang text messages para pagkunan ng ilang lead para sa agarang ikalulutas ng kaso.

Sigurado naman ang PNP sa authenticity ng text messages na ito bilang ebidensiya.

Ayon sa Chief ng Digital Forensic Section ng PNP na si Inspector Ledy Lozada, "May mga gadget kami na ginagamit in order na hindi na makapasok yung mga text messages.

"So, nape-preserve natin yung state niya at the time na ma-seize natin yung cellphone."

Sabi pa ng Paranaque PNP, isusumite rin nila sa korte ang nakuha nilang text messages.


PEP.PH

1 comment:

Anonymous said...

Only in ABS-CBN kung saan makikita nyo ang mga expose, exclusive at explosive na mga balitang napapanahon.

Anthony = (Mike + Arnold) x 2

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails