IS GAIL THE MASTERMIND? Ayon pa kay Glaiza, si Ryan
Pastera—alyas Bryan, na kasama niya sa fraternity—ang kumuha sa kanilang
mag-nobyo para sumama sa plano.
Mula sa pahayag ng mga testigo at suspek, sinasabing si alyas Bryan
ang contact ng mga mastermind at ng mga nagsagawa ng krimen.
Sabi rin ni Glaiza, nalaman niya na si Gail ang mastermind nang
makipagkita ito kay Ryan.
"Galit na galit na nga daw po sa kanya [Ryan]... yung sina Gail,
dahil nga raw ano na ang nangyayari, nauubos na yung pera.
"Tapos hindi naman daw namamatay si Ram.
"'O, bakit nandito pa 'to? Akala ko ba patay na 'to.' Ganyan. 'Ba't
nakauwi pa 'to?'"
Salaysay pa ni Glaiza, Oktubre 29 daw nang tawagan siya ni Ryan at
sabihing patay na si Ramgen.
Ang pumatay raw ay isang dating militar na inupahan nina Gail.
POSSIBLE STATE WITNESS. Sa Huwebes, Nobyembre 24, ay
nakatakdang sumipot sa piskalya sina Glaiza at Norwin para isumite ang
kanilang sinumpaang salaysay.
Ito ang hinihintay ng Parañaque police para matukoy kung dapat nga ba
nilang sampahan ng kaso si Gail.
Ayon naman sa abugado nina Glaiza at Norwin na si Atty. Claire
Castro, dapat maging state witness daw sa kaso ang kanyang mga kliyente.
"Wala silang participation. Parang nagkaroon lang sila ng information
tungkol sa plano because naikukuwento sa kanila," sabi ni Atty. Castro.
Tumanggi namang magsalita ang kampo ng mga Bautista/Revilla tungkol
sa mga ibinunyag ni Glaiza hangga't hindi pa naisusumite ang sinumpaang
salaysay nito at ng nobyong si Norwin.
Panawagan naman ng pulisya, sumuko na sana si Ryan, o alyas Bryan,
upang mas malinawan ang kaso at makumpirma ang mga inihayag ni Glaiza.
ALYAS BRYAN IS GAIL'S FRIEND. Sa report naman ng
primetime news ng GMA-7, ang 24 Oras, na napanood din kagabi,
maging ang social networking site na Facebook ay ginagamit na rin ng
pulisya sa pag-iimbestiga sa kaso.
Sa isang fanpage sa Facebook—na hindi kilala ang gumawa at
namamahala-naka-post ang video ni Gail nang ikasal kay Hero Furoyama
nitong June 23.
Ayon sa Task Force Ramgen, isa sa mga bisita sa naturang kasal ang
pinaghahanap pa ring suspek na si Ryan Pastera, o alyas Bryan.
Sinasabing malapit na kaibigan daw nina Hero at Gail si Ryan.
Kinumpirma naman ni Chief Inspector Ferjen Torred ng Task Force
Ramgen na si Ryan, o alyas Bryan, nga ang nasa video.
Aniya, "Si Ryan nandidiyan. Oo, nandidiyan sa video."
Dagdag naman ni Senior Superintendent Billy Beltran, malaking tulong
ang video sa pag-a-identify kay alyas Bryan.
Sabi ni Senior Superintendent Beltran, "Very helpful because mas
clear ang images ng mga taong maaaring... hindi ko masabing involved,
but can be helpful as a reference din talaga.
"And we will see kung gaano siya ka-material as we progress in the
imbestigation."
Ayon naman sa personal assistant ni Ramgen na si Ronaldo Ancajas,
hindi dumalo ang yumaong aktor sa kasal nina Gail at Hero dahil sa
alitan ng magkakapatid.
May ilan ding hawak na litrato ang Task Force Ramgen na isinumite sa
piskalya.
Dito ay kinilala ng testigong si Ruel Puzon si Ryan bilang si alyas
Bryan.
Sa litrato, kasama ng ilang magkakapatid na Bautista si alyas Bryan.
3 comments:
tsk tsk tsk
Mas maganda kung ang kunin mong source yung naka-exclusive ng balitang 'to, ang ABS hindi sa PEP...
PAMILYA NGA NAMAN ...TSK TSK TSK SANA LUMABAS ANG HUSTISYA
Post a Comment