Nasaksihan ng publiko ang labis na pagtangis ng aktres na si KC
Concepcion dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahang si Piolo Pascual.
Ilang linggo ring naging usap-usapan ang umano'y pagtatapos ng
kanilang relasyon, subalit kinumpirma lamang ito ni KC sa eksklusibong
panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz na ipinalabas
kahapon, Nobyembre 27.
Pagtango lamang ang naisagot ng dalagang anak nina Sharon Cuneta at
Gabby Concepcion nang tanungin siya kung hiwalay na sila ng
singer-actor.
Hindi rin naging payak si KC sa kanyang sagot tungkol sa naging
dahilan ng paghihiwalay nila ni Piolo.
Sa halip, sinabi ng 26-year-old celebrity, "May mga hinahanap ako na
basic lang na hahanapin ng isang babae sa isang boyfriend, sa isang
lalaki.
"Ayoko na siguro pumunta sa details, Tito Boy, kasi ayokong siraan
siya.
"Pero let's just say na lahat talaga kaya ko, lahat!
"Lahat ng kung may anak siya, tinanggap ko yun. Tinanggap ko yung
anak niya.
"Kahit may mga times na hindi ko siya maintindihan, tinanggap ko kasi
sinasabi sa akin ng mga kaibigan namin na personality niya yun.
"Kapag may mga bagay na hindi ako sang-ayon na ginagawa sa isang
babae, tinatanggap ko kasi naniniwala akong mabait siyang tao.
"May mga bagay na hindi ko na kayang lunukin, hindi ko na kaya yun
tanggapin..."
Sa isang bahagi ng interview ay sinabi rin ni KC ang mga sumusunod:
"Tito Boy, naniniwala naman ako na pag sinasabi ni PJ [palayaw ni
Piolo] na minahal niya ako, naniniwala naman ako na meron namang
katotohanan iyon.
"Pero, masakit man sabihin, hindi ako yung...siguro nag-fail din ako
dahil hindi ako yung kailangan niya sa buhay niya.
"Or, hindi ako yung hinahanap niya sa buhay niya.
"And hindi...hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya."
Diin pa ni KC, "PJ knows exactly why we broke up. He knows exactly
why."
PIOLO PASCUAL'S BRIEF RESPONSE . Dahil sa mga
pahayag ni KC, marami ang nag-aabang ng reaksiyon naman ni Piolo.
Sinubukan ng TV Patrol na hingan ng pahayag ang aktor nang
salubungin siya ng kanilang crew sa airport.
Kadarating lamang ni Piolo kanina, Nobyembre 28, mula sa isang
concert sa Japan kasama ang ilang kapwa Star Magic talents.
Sa maiksing panayam, ito ang sinabi ni Piolo kaugnay ng mga pahayag
ni KC:
"I don't think I have anything else to say...
"You know, KC has said her piece so hayaan na lang natin.
"Hindi naman biro yung pinagdaanan naming dalawa.
"So hihingin ko lang siguro, pag-iintindi sa mga tao.
"Hindi madali yung proseso.
"Hindi rin madali yung maraming nakaabang, maraming naghihintay, at
maraming nakikialam.
"So, ang akin lang, hayaan na lang muna kami, especially Kristina, na
it's not easy."
SOURCE
GMA Telebabad, Mas Papalakasin!!!
-
Tila talagang desidido ang GMA ngayon na mas pagandahin pa lalo ang GMA
Telebabad. Sa Ngayon, unti unti na silang lumalakas sa pangunguna ng Niño
at My Des...
10 years ago
2 comments:
WALANG NAGKA INTEREST MAG COMMENT?
OK NEXT ARTICLE PLEASE!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
weh dinga
Post a Comment