Hindi napigilan ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang emosyon nang magkaroon umano ng aberya habang nagwi-withdraw siya sa isang bangko.
Diumano'y nawala na lang bigla ang perang wini-withdraw niya na wala siyang nakukuha.
Sa report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras kanina, October 25, galit na galit daw si Claudine nang datnan niya sa isang bangko sa Quezon Avenue sa Quezon City.
Kasama ng aktres ang kanyang abugado na si Atty. Agnes Maranan.
Maririnig sa video ang mataas na boses ni Claudine at sinasabing, "Nasaan na yung pera... ngayon wala na!"
Kuwento nila, bandang alas-dose ng tanghali raw kanina nang dumating sila sa bangko para mag-withdraw.
Nakumpirma raw nila kung magkano ang laman ng account. Pero inabot na raw ng mahigit sa kalahating oras ay hindi pa rin nakukumpleto ang proseso ng pagwi-withdraw.
Hanggang sa sabihan na lang daw silang wala na raw ang inaasahan nilang balanse sa bank account.
Kinumpirma rin ng abugado ni Claudine na na-withdraw na raw ang pera sa pamamagitan ng inter-branch withdrawal.
Sinubukan ni Nelson na tanungin si Claudine kung ano ang nangyari, pero umiiyak nitong sinabi na, "Tanungin n'yo na lang yung lawyer ko, please."
Ganun nga ang ginawa ng GMA News reporter at ayon kay Atty. Maranan, "Draw your own conclusions, pero the timing 'no... It was withdrawn at the time we were here, asking to withdraw it.
"We were here for more than 30 minutes. I was able to confirm from the teller that the funds were still there.
"And then suddenly, about 40 minutes or 30 minutes later, wala na yung funds."
Napag-alaman ni Nelson na ang nawawalang pera ay galing pala sa joint account ng mag-asawang sina Claudine at Raymart Santiago.
And/or ang account. Ibig sabihin, kahit isa lang sa mag-asawa ay pwedeng i-withdraw ang kanilang pera.
Ayaw namang magkomento ng bank manager nang hingan ng panig ni Nelson tungkol sa nangyari.
"Hindi po ako makakapag-comment," sabi lang ng manager.
Sinubukan din ng GMA News na kunan ng pahayag si Raymart tungkol sa isyu pero hindi pa rin ito nagbibigay ng pahayag.
Samantala, nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Maranan kaninang hapon sa pamamagitan ng telepono.
Sinubukan ng managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan na kunan ng pahayag ang abugado ni Claudine, ngunit sinabi nitong humingi muna raw kami ng permiso mula sa tumatayong manager ng aktres na si Shirley Kuan.
Si Shirley raw ang magbibigay ng go-signal kung maaari siyang maglabas ng statement sa PEP.
Pero ayon kay Atty. Maranan, tungkol sa nangyari kay Claudine, "I was there. It happened. It was not right."
Bukas ang PEP sa panig ni Raymart tungkol sa isyung ito.
12 comments:
Ano ba yan.Asawa mo na, ninakawan mo pa.. hehe iba talaga si Raymart at Claudine
ANO b yan..mga kanguso...pati ASAWA ninanakawan n...??????
hiwalay na sila? ano ba yun, unahan lang?
May be may plan si raymart n hiwalayan n si CLAUDINE kya inunahan n nya heheheh....
(JOKE)
na ngangamoy gimick.com ang acting n lola hahahaha wala Bugok ang ang IGLOT hahahahha
i understand raymart withdraw the money, pano nmn c claudine ng casino at my ibang babae,cgrro in my side kung ngyari lang sakin lagot tlga ang asawa ko kung ganyan..yahay nko mgbago kana kc claudine..
Setting of DTV Pilipinas
Everything is almost set except GMA!!!
NBN Channels - NBN 1 NBN 2 NBN 3 and OneSeg (TEST Broadcast Since 2009)
GEMTV (NET25) Channels - GEMTV HD and OneSeg (Test Broadcast Since 2008)
ABS-CBN Channels - ABS-CBN2 , Studio23 , Cine MO! , YEY! , Knowledge Channel , DZMM Teleradyo , Myx2 and OneSeg ABS-CBN2 (Confirm Test Broadcast)
TV5 Channels - TV5HD , TV5SD , Test Broadcast 1 , Test Broadcast 2 , Test Broadcast 3 and OneSeg ("Offline" Standby Getting Ready for Migration)
GMA7 - Not Confirm there Digital Channels yet.
Solar Entertainment Ready to Test Broadcast This Year or Next Year.
Beam TV Globe Communication TV Not Confirm there Digital Channels yet.
ZOE Light TV Not Confirm there Digital Channels yet.
UNTV Ready to Test Broadcast This Year or Next Year.
(New TV Networks Will arise This Year and Next Year on Digital Format)
October 27, 2011 8:32 AM
very cheap ang balita nato.
kanoodles ang no. 3
very cheap ang balita nato.
kanoodles ang no. 3
mag wiwithdraw ng pera may kasama pang media at abugado.
gimik lang yan. kanoodles para pag usapan.
kanoodles ang no. 3
halata namang scripted, pupunta lang nang bangko with camera(?) pa... WTF!
CONDOLENCE pala sa iglot at sa time of my life, yan pala ang nagagawa nang number 1 sa agb-bulok ratings, di ba BOBONG LONG?!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
hindi nag comment ang mahbang bobo
Post a Comment