Nahaharap ngayon sa mga kasong "child abuse" at "oral defamation" sa Quezon City Prosecutor's Office ang talent manager na si Annabelle Rama.
Idinemanda si Annabelle ng dating aktres na si Nadia Montenegro, ina ng TV5 talents na sina Alyanna Asistio, 17, at Annika Asistio, 15.
Kapwa talents ni Annabelle ang dalawang anak na ito ni Nadia sa ilalim ng Royale Artist Management.
PAGLABAG SA MANAGEMENT CONTRACT? Sa isinumiteng four-page affidavit ni Nadia, kasama ang dalawang anak, noong Biyernes, September 30, inakusahan nito si Annabelle ng paglabag diumano sa kasunduan sa kanilang management contract.
Sa halip na tatlong taon lamang ay pinalawig daw ni Annabelle ang kontrata to five years, forcing her daughters to work under the talent manager's supervision.
PINAGTRATRABAHO NG SOBRA SA ORAS? Ayon pa sa isinumiteng affidavit, pinilit diumano ni Annabelle na magtrabaho ng apatnapung oras kada linggo ang dalawang menor de edad at kinumbinsing maging prayoridad ang showbiz kesa sa pag-aaral.
INUUNA ANG PAGTRABAHO KAYSA SA PAG-AARAL? Sabi ni Nadia, "As my children's manager, Rama failed to protect the interests of my children by making them work even during school hours to the detriment of their grades, giving them the impression that the same was required by the network and that they either 'take it or leave it.'
"I even learned that when she was alone with my children, Rama would convince my children to choose work over their education, giving them the impression that they need to give up their education to be able to be successful in their career."
PINAGSUSUOT NG "SEXUALLY SUGGESTIVE" CLOTHES? Maliban rito, isa pang alegasyon ni Nadia laban kay Annabelle ay ang pagpapasuot daw nito ng "mature and sexually suggestive" na mga damit. Binanggit rin ng dating aktres ang diumano'y pag-attend ng mga anak niya sa mga social events kung saan nae-expose raw ang mga ito sa "circumstances that were prejudicial to their morals."
Pinagalitan din diumano ng talent manager ang dalawang dalagita nang tumanggi silang magsuot ng seksing damit at mag-entertain ng ilang "influential" at "powerful" na kalalakihan.
CHILD ABUSE? Ayon kay Nadia, nilabag daw ni Annabelle ang Section 2 ng Republic Act 7610, o Anti-Child Abuse Act, na nagsasabing ang mga batang may edad disiotso pababa ay hindi dapat pagtrabahuhin ng higit apatnapung oras kada linggo.
VERBAL ABUSE? Dagdag pa ni Nadia, maituturing namang "oral defamation" batay sa Article 358 of the Revised Penal Code of the Philippines ang "verbal abuse" na naranasan ng kanyang mga anak kay Annabelle.
SPREADING GOSSIP ABOUT THE CHILDREN? Ikinagalit din ni Nadia ang aniya'y pagpapakalat ni Annabelle ng tsismis tungkol sa kanyang mga anak.
Limang taon ang pirmadong kontrata ng mga anak ni Nadia sa ilalim ng management company ni Annabelle.
Ngunit dahil daw sa mga pangyayaring nakasaad sa kanyang pormal na reklamo, nais na raw nitong tapusin ang propesyunal na ugnayan nila.
ANNABELLE FIRES BACK. Ang unang buwelta ni Annabelle tungkol sa pagdedemanda sa kanya ni Nadia ay ang maiinit na pahayag niya sa kanyang sariling Twitter account noong Biyernes ng hapon, September 30:
"Nakakaloka ang news this morning. Denemanda daw ako. What???"
"Nag-file siya ng demanda? Hoy bago ka magfile ng demanda sa akin, u think 1 thousand times dahil sayang ang pera. Baka mangutang ka na naman ng pambayad ng lawyer."
Kahapon, Linggo, October 2, ay live namang nag-guest si Annabelle sa Showbiz Central upang sagutin ang mga paratang sa kanya ni Nadia.
Bagamat isa sa mga host ng programa ang anak ni Annabelle na si Raymond Gutierrez, si John "Sweet" Lapus ang nag-interview sa controversial talent manager. Dinipensahan ni Raymond ang ina sa ibang bahagi ng programa.
Source: Pep.ph
2 comments:
wAla NMAN kwenta toh..NXT issue PLSSSSS.
Breaking NEWS!!!
GMA PINOY TV! NAGSHUTDOWN NA SA CANADA!!! NXT COUNTRY TO SHUTDOWN IS MIDDLE EAST!!! BALITANG BALITA NA TATANGGALIN NA RIN NG ORBIT ANG PINOY TV DAHIL SA HINDI RIN PAGBABAYAD NG FEE. ANO BA YAN GMA MAGBAYAD NA KAU!!! KALA KO BA MAYAMAN KAYO!!!
Post a Comment