Matapos ang hindi inaasahang tagumpay sa Puerto Rico at Estados Unidos, at iba pang panig ng mundo, ang kontrobersyal na Chilenovela na “¿Dónde Está Elisa?” ay handa nang sakupin ang Perlas ng Silangan. Buong-pagmamalaking inihahandog ng ABS-CBN, ang pinakamalaking multimedia conglomerate, ang pinaka-aabangang Philippine TV adaptation ng “¿Dónde Está Elisa?,” ang “Nasaan Ka Elisa?” ngayong Setyembre 12, pagkatapos ng “My Binondo Girl”
Naging bantog ang “¿Dónde Está Elisa?” sa buong mundo matapos itong i-remake ng kilalang TV giant na Telemundo noong nakaraang taon. Magmula noon, iba’t ibang bansa ang nag-ere ng nasabing mystery drama. Ilan sa mga bansang ito ay ang Venezuela, Georgia, Spain, Croatia, Ecuador, Nicaragua, Peru, Mexico, Lithuania, Poland, Iran at Romania. Kinumpirma naman ng bansang Bulgaria, Serbia at Slovakia na i-eere din nila ang “¿Dónde Está Elisa?”
Ngayon 2011, buong-pusong ipinagmamalaki ng ABS-CBN ang purong Pinoy adaptation ng “¿Dónde Está Elisa?” na “Nasaan ka Elisa?” Ang pagiging “Desaparacidos” ay malaking break na din ni Melissa Ricks upang makapagbigay-excitement sa bawat Pilipino gabi-gabi. Tulad ni Melissa, ang kanyang mga kasamahang aktor ay ganadong-ganado din para sa kanilang bagong roles. Ang pinagpipitagang mga direktor na sina Richard Arellano at Jerome Pobocan ang magdi-direk ng ekstraordinaryong dramang ito.
Ang kwento ng “Nasaan Ka Elisa?” ay umiikot sa Pamilya Altamira, na biglang nagbago ang pamumuhay matapos mawala si Elisa (Melissa Ricks), ang panganay na anak nina Mariano Altamira (Albert Martinez) at Dana Altamira (Agot Isidro). Magmula nang mawala siya, unti-unting nabunyag ang sikreto ng bawat miyembro ng pamilya, kaibigan, at maging ang mga pangyayaring matagal nang ibinaon sa limot. Sa gitna ng masugid na paghahanap kay Elisa, maraming suspek na posibleng dahilan ng kanyang pagkawala ang lilitaw—ang magulang ni Elisa, mga tiyuhin, mga pinsan, mga kamag-aral, mga luma’t bagong empleyado ng Altamira business, at maging mga taong madalas pumunta sa mga lugar na pinupuntahan din ni Elisa. Sino ba talaga ang salarin?
Samahan ang buong bayan sa paghahanap sa “Desaparecidos.” Huwag palampasin ang “Nasaan Ka Elisa?” na mag-uumpisa ngayong Setyembre 12, pagkatapos ng “My Binondo Girl” sa ABS-CBN.
9 comments:
panonoorin ko to,
wow...the best to...suspense drama..
NATAGPUAN SYA SA KINAKAWALANG NA ESTERO NG MOTHER IGNACIA.
HINDI NA DAW KASI KAPAMILYA GOLD. KAPAMILYA TANSO NA.
MARIA DEL BARRIO REMAKE TAPOS ETONG NASAAN KA ELISA REMAKE DIN.
WALA BANG ORIGINAL? ANO BA YAN PURO REMAKE AT FRANCHISE ANG ALAM NG NAKAKASULASOK NA DOS.
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
nagjojoke ba tong nasa taas ko? ang corny kasi. pagbigyan na natin. nakakaawa. sobra!
antayin mo na lang ang BUDOY, A CHRISTMAS HOME at ALTA. yan, mga originals yan ha. para naman matahimik ka na.
hoy long bakit ang kanguso di nagreremake at franchise?? puro kc kau replay haha.. bkit ung rosalinda na flop franchise un ah... at ang protege??? failed franchise sa x factor dahil cant afford kau kya iniba nlng ang format... trying hard na pgt at talentadong pinoy na may mixture ng the voice.. dnagdagan lng ng judges at di lang puro kantahan... ang result... protege!!! bongga, copycat ewwwwwww... mgnda ng remake at franchise kesa cant afford at copycat... bwahaaha! ung marimar at darna ireplay niyo na din.. nahiya pa kau!
di bale nang franchise at magremake..
ang kapuso ksi bitter kasi walang kapasidad magfranchise... nagremake sila kamakailan pero nalugi.. ung rosalinda!! ang ganda pa naman nun sumemplang lang sa kanila...
unh philippine idol ng GMA dba,flop dba,nsaan kya ang winner non,dpat hanapin mo LONGDREAMS, kng asan na un, sample din un, kng gno cla ka worse, mg handle ng reality or singing contest. bsta gma, flop, dba longdreams.hahahahahah
ang ganda ng NASAAN KA ELISA, \
nsaan kya nga c elisa?
subaybayan ko cia,
wala nman binatbat GMA sa ABS CBN ehhh.. mga big stars nio. extra lng pag lipat nila ng ABS samantalang ang mga pinag sawaan na ng ABS ineenjoy nio pa eww.. mga teleserye ng GMA. puro walang kwenta. mga child stars nila walang panlaban sa ABS. kakadiri and GMA.
Post a Comment