Nilinaw ng beteranong TV host na si Boy Abunda ang naiulat na sumama
raw ang loob niya sa dating talent na si Erik Santos dahil umalis na ito
sa Backroom, ang dating talent management na pinamamahalaan ni Boy.
Ayon kay Boy, ang totoo raw ay sila ang kusang nag-release kay Erik
dahil sa mga paninirang ginagawa nito sa kanya at sa Backroom.
Pero masama nga raw ang kanyang loob kay Eric.
Ito ang sinabi ni Boy nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine
Entertainment Portal) pagkatapos ng live airing ng The Buzz
kahapon, September 25.
Kuwento ni Boy, "Si Erik ay ni-release namin dahil sa aming palagay
ay kaya niya nang mag-produce ng sarili niyang concert, kaya niya nang
pangalagaan ang kanyang sarili kaya okey na sa amin.
"Pero more than that, may sama ako ng loob sa kanya. At ito'y sinabi
ko sa kanya.
"Pero nung sinabi ko sa kanya... Ito ang pag-uusap namin. Sabi ko,
'Erik, oo, may sama ako ng loob. Galit ako sa 'yo.'
"'Sanay akong tumawag sa telepono at nakikipagharap ako.
"Sinabi ko, a.... 'Pero huwag na nating idetalye at that point I was
angry.
"'Huwag na nating idetalye dahil mag-aaway tayo at dahil lalalim
itong away natin at mahihirapan tayo maghilom.
"'Huwag tayong magdetalye, pero sinasabi ko sa 'yo na masama ang
aking loob, etcetera, etcetera.'
"'Patawarin mo ako Tito Boy sa aking nagawa. Patawarin mo ako, blah,
blah, blah.'
"Sabi ko, 'Oo, Erik, sobra kitang mahal, hindi lang bilang isang
artista kundi bilang isang kaibigan.'
"Because Erik is really a friend of mine.
"Sabi ko, 'Tapusin natin ito. Ang request ko lang 'yo after this
conversation, shut up.'"
Dagdag pa niya, "Kaya ako, nung hinaharap ninyo, wala kaming problema
ni Erik.
"Dahil ang problema namin ni Erik ay diniretso ko sa kanya.
"Now, right after ng conversation namin sa telepono, akala ko okey
na.
"He spoke to some friends namin, na common friends... meron pa rin
siyang sinasabi.
No comments:
Post a Comment