MALAPIT na raw magkapirmahan ang GMA7 at ang representative sa Pilipinas ni Nora Aunor para maipalabas ang more than 20 movies ni Ate Guy na produced ng NV Productions ng Superstar.
Ayon sa isang reliable source na malapit kay Ate Guy, inaayos na lahat ang prints ng mga pelikula ni Nora.
Bukod dito, ayon pa sa source, may outstanding offer din ang ABS-CBN kay Ate Guy na gumawa ng one month anthology special sa naturang network, pero wala pang pirmahang nagaganap.
Hindi pa rin alam kung kailan babalik sa Pilipinas si Ate Guy, pero giit ng aming source, inaayos pa ng nag-iisang Superstar ang mga papeles na kakailanganin para maidemanda niya ang cosmetic surgeon na nagretoke sa kanya, na naging sanhi umano ng pagkawalang ng golden voice ni Ate Guy.
Malaking kalokohan daw na ipamalita, dagdag pa ng aming source, na pumapasok bilang caregiver si Ate Guy. Paano raw ito mang-yayari, eh, hindi naman marunong mag-caregiver si Nora.
Startriga.blogspot
Startriga.blogspot
5 comments:
Gagawa muna daw cya ng mga shows sa TV5 bago cya pumirma ng kontrata s ibang istasyon.
maging hit p kya yung proyektong ggwin nia, laos n cia
ndi n pwedeng iblik ang dti,history n lng cia ngayon, ewwwwwww
may manonod pa kaya sa kanya..cguro pwede pero hindi n bida..kc parang waley na eh...peace!!
sus..bakit naman pinag-aagawan eh laos na sya!!!!!!!!
Mga echoserang palaka lang nagsasabing laos si Nora. Apat na dekada na siyang sinasabing laos pero kahit retired na sa US pinag-uusapan pa rin. Di malalaos si Nora dahil sa kanyang legacy.
May lugar siya sa TV dahil ito ang tinatangkilik ng masa today. Kahit sino namang artista di na kumikita ang movies, maliban kay John Lloyd Cruz.
Post a Comment