Mukhang hindi talaga nababahala ang TV-5 sa laki nang magagastos nila madikitan lang ang dalawang higanteng TV Networks ngayon na ABS-CBN at GMA-7. Opisyal na kasing binili ng TV-5 ang rights para sa Extreme Make Over Home Edition, na bukod sa mahal ang rights eh ang laki rin ng operating expenses. Biro mo magpapagawa ka ng mga bahay na elegante at kamahal mahal? Isang malaki at paluging pagtatangka ito ngunit handa rito ang Kapatid Network dahil may financial backing sila ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas na pinamumunuan ni Mr. MVP, ang PLDT Group. Si Paolo Bediones na Head din ng TV-5 News team ang siyang magiging host ng nasabing programa.
Samantala isa ring bagong Sitcom ang ipapalabas sa weekend line-up ng TV-5, ang Sugo mga Kapatid. Isa itong hakbang upang muling palakasin ang weekend prime time ng Kapatid Network na muling bumagsak mula nang lumakas ang Dos dahil sa Pilipinas Got Talent. Malapit nang magsimula ang Sugo mga Kapatid tuwing Sabado pagkatapos ng Talentadong Pinoy!
6 comments:
buti pa siguro ang mga shows nato, alisin nyo na kasi ang wiltime bigtime FLOP na ang pagbabalik ni mr. yabang! masyadong swapang sa exposure si willie halos natatapos ang show nya mga 10pm na, sino pang manonood sa mga shows nyo na kasunod?
FLOP naman ang gimik ni willie na LED floor at nakapanalong 1M lately pero lalong bumagsak ang ratings!
admin, di po sila gagawa ng bahay every week. The show go on a monthly basis. So every month silang gagawa ng bahay.
*the show will go on a monthly basis
Ano ba yan?! Daig pa ng TV5 yung GMA, di kayang ifranchise ang X Factor. POOR kasi.
lalong gumaganda ang Biggest Loser! dami pang ads. mababawi ng ABS yung gianstos nila sa Biggest Loser.
GMA-7 na lang ang natitirang PULUBENG STATION IN THE PHILS.
dahil...
1. wala silang sister company na GIANT.
TV5 = smart/ meralco
ABS = first phil. holdings and many more
2. wala silang sariling cable network
tv5= cignal
abs= sky cable
kaya gme= ang PINAKApulubeng network sa Pinas
TAMA!!!! GMEWWW IS A BEGGAR!!! HEHE!!!
Post a Comment