Nabalita kahapon na sinususpinde ng Jollibee Foods Corporation ang ad placement nito sa programang Willing Willie kasunod ng kontrobersiya sa umano’y pang-aabuso nito sa isang bata.
“Inihihinto ng Mang Inasal ang ad placement nito sa Willing Willie sa linggong ito,” sabi ng JFC Corporate Media sa pahayag nito sa Facebook page nito kahapon.
Lumitaw ang pahayag ng JFC sa kainitan ng isang kampanya na iboykot ang mga produkto ng mga advertiser ng naturang show na inilulunsad sa iba’t ibang social media site sa internet.
Sa isang liham kay Froilan Grate ng Facebook group na Para kay Jan-Jan (alyas ng anim na taong gulang na batang lalaking pinasayaw na tulad ng macho dancer sa show habang umiiyak sa episode nito noong Marso 12), sinabi ni JFC representative Pauline Lao, nabatid ng kanilang kumpanya ang isyu at ang mga sentimyento rito.
Ipinahiwatig ni Lao na sinusubaybayan din ng JFC na isang family friendly na kumpanya ang imbestigasyon ng TV5 sa insidente.
Idiniin ng kumpanya na nananatili itong naninindigan sa pagtataguyod sa kapakanan ng mga bata.
Ang batang lalaki na isang contestant sa game show ay napanood na umiiyak habang sumasayaw ng malaswa na ikinatuwa ng program host na si Willie Revillame at ng studio audience. Binatikos ito ng maraming tao sa internet.
Naunang inihayag ng MTRCB na rerepasohin nila ang episode habang pinag-aaralan naman ng Commission on Human Rights ang pagsasampa ng kasong child abuse sa mga responsable sa insidente. Binatikos na rin ito ng Department of Social Welfare and Development.
Isa pang advertiser ng Williing Willie, ang Oishi, ang nagpahayag na pag-aaran din nila ang posibleng hakbang sa naturang usapin.
Source: PSN
12 comments:
Nakakaawa naman willing willie hahaha
thAt's what you call karma.. Mga kapamilya ang dumusuporta sau ngyon..pero babagsak at babagsak ka din samin... Gnagamit mo ang pera para mkatulong at makapanira ng buhay...
tsk tsk... pobreng bata..
Loaded parin ang ad nito. Kahit nga P&G NA EXCLUSIVE lang sa ABS at GMA nagpapalabas ng commercial sa WILING WILLIE.
Mind conditioning at DEMOLITION JOB dyan magaling ang ABS CBN.
Loaded parin ang ad nito. Kahit nga P&G NA EXCLUSIVE lang sa ABS at GMA nagpapalabas ng commercial sa WILING WILLIE.
Mind conditioning at DEMOLITION JOB dyan magaling ang ABS CBN.
---------------------------
naku wag mo isisi sa ABS ang kagaguhan nio....MATAKOT KA SA K-A-R-M-A....di lhat ng panahon umaayon sau bugok na willie...ang mga inggratong katulad mo makakalasap din ng lupit ng ITAAS....tandaan m yan... ANG DI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY DI MAKARARATING SA PAROROONAN! un lng un...gnun kasimple!!!! BOBO!!!
^
^
^ eng-eng ka ba? bakit naman nasama ang dos dito?
++++++++++++++++++++++++++
eh ang abs naman may pakana ng lahat ng to eh! pinapalaki nila ang isyu kasi hinid nila kayang pataubin sa korte ang tv5 ahahaha
desperado!
desperado na talaga si utot....yan lang ang masasabi ko!
Kawawa naman si janjan pinasayaw ng pinasayaw....ginawang gago ang bata at pinag laruan ni Willie tapos sa mga RETARDED na gaya ni UTOT ang ABS ang may kasalanan?
DESPERADO na nga si UTOT at si Willie
Excuse me. Di na kelangan siraan ng ABS si Willie. Si Willie mismo ang sumisira sa career nya.
To Kapamilyas & Kapuso & Kapatid & Kabarkada, Lets Stick 2d issue, Wud u think humiliating an innocent child jzt 2 gain 10k is worth it, okay lets believe blindly he was scared by balingit, that he volunteered to dance macho, If U were the Host, If Ur d Parent, wid u allow ur son on national TV do that his initiative. The point is not about ratings, paninira or TV5 ads, its d welfare of d child & d message & culture that it conveys to the public watching
JM
and for those people who says that ABSCBN is making a lot of paninira to Willie, let's scrutinize ur thoughts, so its a maliit na issue to degrade the Child's integrity, yes he was not physically harm But he was psychologically traumatized, Conrado De Quiros cited Willie's stammering ways, personally, I think wiling wili can help the masses but in high dignified manner, tulad ng Ellen De GEneres show, Ellen gives big prizes & even cold cash to deserving people in very high integrating manner na di nagmumukhang pulubi ang recipient
naku willie willie willie mgbago kn ! un lang!
Post a Comment