.....

nufnang

nuffnang

Thursday, March 31, 2011

CLAUDINE NAGSISI NGA BANG LUMIPAT SA GMA-7?

Hindi kaya nagsisi­si si Claudine Barretto sa kan­yang ginawang pag­­lipat ng home studio – from ABS-CBN to GMA7?

Isa si Claudine sa mga homegrown talents ng ABS-CBN noon at nasubaybayan ng publiko ang kanyang pag-grow bilang isang aktres. Halos hindi rin siya nawawalan ng pro­ject nung siya’y Kapamilya pa. Pero nang magdesisyon si Claudine na maging Kapuso, kahit maganda ang naging welcome sa kanya at agad siyang nagkaroon ng weekly drama anthology, hindi gaanong naka-take off ang nasabing programa in terms of rating kaya hindi rin ito tumagal sa ere.

Waiting pa rin hanggang ngayon ang mga tagahanga ni Claudine kung kelan nila muling masisila­yan sa ere ang kanilang hinahangaang aktres. Wala rin itong pinagkakaabalahang pelikula ngayon.


Ang ipinagtataka ng iba, ngayong kapwa Kapuso na ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine, bakit kaya hindi pagsamahin ang dalawa sa isang programa, isang TV series kaya?

Hiwalayan biglang nauso!

Alam mo, Salve A., mukhang nauuso ang break-up sa showbiz lately. Kumpirmado na ang paghihiwalay nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Break na rin ang magkasintahang Michelle Madrigal at ang model-turned actor na si Jon Hall. Dalawang taon ding tumagal ang relasyon nina Michelle at Jon.

Inamin pareho nina Michelle at Jon na mahal pa rin nila ang isa’t isa at never naman silang nakiki­pag-date sa iba.

Kung ganoon, may pag-asa pang magkabalikang muli ang dalawa? Ayaw mag-comment ng dalawa. Sa ngayon, pareho nilang ipinakikita ang kanilang professionalism sa kanilang trabaho sa Captain Barbell.

Source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=671494&publicationSubCategoryId=96

14 comments:

Anonymous said...

mas lumakas pa tuloy ngayon ang sis nyang si gretchen.

Anonymous said...

ganyan din naman ang ngyari sa career ni jolina magdangal, cesar montano, edu manzano, patrick garcia......nanamlay ang careers nila...

pero ang mga galing sa gma ...nabuhay at masiglang masigla ang career sa ABS-CBN 2...

LIKE

SARAH G.
TONI G.
MARIEL
JAKE CUENCA
ANGEL LOCSIN
ANNE CURTIS
CHRISTINE REYES...

MAS SUMIKAT SILA NG MAPUNTA SA ABS-CBN 2....

Anonymous said...

SI RACHELL ANN GO BA MAY BAGONG ALBUM?

KAMUSTA NAMAN SI MARK BAUTISTA?

sayang....sayang lang....umalis pa kasi sa asap...

Anonymous said...

Tama si Anonymous March 31, 2011 4:15 PM

Akala ko pa naman nagsisi siya. Eh wala naman siyang sinabi.

Pero sa tingin ko, nagsisi nga siya, eh kung di sana siya lumipat edi sana siya yung kasama ni Gretchen sa Magkaribal. Siya naman talaga dapat dun but since lumipat siya ng network kay Bea binigay.

Inabangan ng mga tao yung pagbabalik ni Gretchen pero sa tingin ko mas inabangan kapag magkasama ang tunay na magkapatid.

Oh well, successful pa rin naman ang Magkaribal kahi wala siya kaya nvm.

Anonymous said...

bakit naman magsisisi,,eh kahit walang work may sweldo naman na malaki..san ka pa...

Anonymous said...

ANG LAKI NG KONTRATA NIYA SA GMA BAKIT PA SIYA MAGSISISI. KAHIT HINDI CYA NAGTATRAABAHO MAY PERA PARIN CYA.

Anonymous said...

hindi naman kasi hands-on ang pag handle ng GMA7 sa kanyang mga artista kaya halos lahat ng mga negatives issue nasa kanila. yup kht malaki sweldo nabawasan ang kanyang exposure. parang ka level nalang nya sina kris bernal o iwa moto haha

Anonymous said...

im sure walang comment si utot dito
kasi hindi to ratings related

wahahahahahahahaha

Anonymous said...

natawa lang ako dito

Kim Chiu, Gerald Anderson, Erich Gonzales, and Coco Martin all make it to the Kapamilya station's list of "Sure Bets," while some "New Names" in the same network are Mara Clara stars Kathryn Bernardo and Julia Montes, and reality show graduates Ejay Falcon and Jewel Mische.



For GMA-7, network executives have placed their bets on Aljur Abrenica, Kris Bernal, Barbie Forteza, and Jackie Rice; and identified Paulo Avelino, Rocco Nacino, Bea Binene, and Bela Padilla among their stars to look forward to.



KAYO NA MAGCOMPARE NG 'NEXT BIG THING' NG TWO GIANT NETWORKS AH

well sige, let's drop Ejay Falcon na basura naman talaga pero gawd...kalevel na na ni Ejay yung mga nakalista sa kabila

wahahahahahahaha


asan na pala yung winner ng Next Big Star???
WAHAHAHAHAHAHAHAHA

Queen Claudine. Not. said...

Nagsisi. Nairita. Nanghinayang. Para kasing nanadya ang ABS. After umalis ni Klaw, proclaim kaagad na si Juday ang Queen of Soap Opera. Haha. Tapos critically acclaimed pa ang Magkaribal. Tapos mas sumikat si Greta kesa sa kanya. Irita ako kay Greta noon at mas gusto ko si Klaw. Pero nag-iba ang ihip ng hangin. Ewan ko ba.

Anonymous said...

Ang laki ng hinayang ko sa talent ni Claudine. GMA obviously isn't able to give her a project that's deserving of her well honed craft as a seasoned actress. Sayang talaga ang kalibre niya. Kung nagtiyaga muna siya sa ABS-CBN sana e di nagniningning pa rin siya ngayon tulad ni Juday na reyna pa rin ng teleserye until now.

Claudine, it's not too late to come back home to ABS-CBN. Kesa malaos ka nang todo, balik ka na.

Anonymous said...

napaglipasan na siya ng panahon..at dahil na rin nalaman ng tao ang totoong ugali niya tuluyan na siyang naLAOS!
ayon nga kay Greta, "out with the old, and in with the new"
hahahhahaha

Anonymous said...

..the right thing for her to do is to jump ship to TV5 where "drama" series seems to be the trend... we had enough of Claudine's fantaserye via "Marina"...

Anonymous said...

dapat gumawa ng teleserye ang GMA na pinamagatan CASINO QUEEN . sino ang bida ? sino pa kundi si claudine at si .....atong ang !
papatok ito cgurado ko . pustahan tayo o !!!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails