Kinumpirma ng Pinay international singing sensation na si Charice sa kanyang Twitter account na kasali na siya sa susunod na season ng Glee, pero pinanindigan niya na tsismis lamang ang naunang balita na kumalat noong nakaraang buwan.
Ang website ng Entertainment Weekly ang unang naglabas kaninang madaling-araw (June 21, 1:44 pm sa Amerika) ng balita tungkol sa pagsali ni Charice sa cast ng sikat na musical-comedy show sa buong mundo.
Sa report ni Michael Ausiello ng Entertainment Weekly, isang foreign exchange student mula sa Pilipinas na may "killer voice" ang gagampanan ni Charice sa second season ng Glee. Siya ang magiging mahigpit na karibal ni Rachel, ang role na ginagampanan ni Lea Michele.
Ayon kay Ausiello, "When that rumor began to spread earlier this month via her loose-lipped manager, Charice herself shot it down via Twitter. 'I just want to let you all know, that it's not true that I'm going to be on Glee,'" she said.
"Well, it's true now! Sources confirm to me exclusively that the international pop star is signed, sealed, and delivered to recur next season as a foreign exchange student whose killer vocals get Rachel (Lea Michele) contemplating murder."
Last month, nalagay sa alanganing sitwasyon ang manager ni Charice sa Pilipinas na si Grace Mendoza dahil naglabas ito ng kumpirmasyon na magiging bahagi ng Glee ang kanyang alaga.
Sinabi ni Mendoza sa isang newspaper interview na, "Yes, it's true, Charice will soon join Glee. And not just as a guest, but as part of the cast in a new season."
Ang pahayag ni Mendoza ang muntik nang maging dahilan ng pagkakasira nila ng ina ni Charice.
Lumalabas na totoo ang sinabi ni Mendoza, pero hindi nagustuhan ni Marc Johnston, U.S. handler ni Charice, ang kanyang ginawa dahil na-preempt niya ang official announcement ng mga producer ng Glee, ang 2010 Golden Globe Award for Best Television Series Musical or Comedy.
SOURCE: PEP.PH
5 comments:
at least this is one news we can be proud of. cant wait kung ano ang role nya this season :)
Another Honor from an ASAP XV's artist.
She will be on the Oath-taking ceremony of Noynoy.
hahaha...funny how inangkin na cya ng ASAP, coz as far as i can remember, binasura cya ng ASAP at ng mga viewers ng contest where hindi cya nanalo. Coz you preferred Sam right. Tapos biglang out of the blue sumikat cya sa ibang bansa, which has nothing to do with ABS. then what? pina guest ng pina guest sa ASAP pati si Arnel. Tapos nag ka label na nga na taga ABS? wooowww free ride, anyone?
gagah...bitter ka lang! e ano naman kung natalo sya nuon ha? e sa choice nya maging kapamilya e, sila ni arnel.... kaya nagiging very bitter ka. anubang binasura pinagsasabi mo, e sa gma lang naman nangangalingasaw yon. network ng mga basura.
hahaha...why would i be bitter? sino why dont you reflect on the terms coming out from people like you. you'll know what thrash really means.
I enjoy watching both though and i don't think thats how a bitter person would feel.
I suggest you read dictionaries than consuming more time on this things. bumalik ka dito pag alam mu na ang meaning nung mga terms your using and will be using :D
Post a Comment