
Next week na pipirma ng kontrata sa
TV5 si Megastar
Sharon
Cuneta. Kahapon ay inaayos
na ang lahat ng details sa kontrata at kagabi ay ni-review na raw ni
Mega ayon sa super reliable source.
“Ang laki-laki ng deal,” kuwento ng source.
Kaya malamang mapanood na si Sharon sa TV5 before the end of the
year.
Isa na raw ang kontrata ng megastar sa pinaka-malaking deal sa
network
na pag-aari ni Mr.
Manny Pangilinan.
Mala-Oprah ang unang sasabakang programa ni Sharon sa
lilipatang network. Monday to Friday daw eere, tuwing hapon. “Primetime.
Parang Oprah and Ellen Degeneres,” dagdag ng source.
Pero hindi lang naman daw lahat talk show, meron din itong iho-host
na
reality show, ang bagong manager daw ng Megastar ang nag-isip ng concept at sila
mismo ang producer ng programa under
Mega Productions.