.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, May 22, 2012

ABS-CBN REPLACES AI AI FOR STAR CINEMA'S 2012 MMFF ENTRY!

Pagkatapos ng Wako Wako, magpo-focus muna si Ai-Ai sa susunod niyang project sa ABS-CBN, ang Pilipinas Got Talent Season 4.  Kung gagawa man daw siya ng teleserye, posibleng sa susunod pang taon.
 Sabi ni Ai-Ai, “Usually, once a year lang ang teleserye ng artista.  Unless, kasama sa kontrata mo yung dalawa o tatlo.”
 Binigyang-linaw din ni Ai-Ai na hindi na siya matutuloy na makasama sa gagawing pelikula nina Vic Sotto at Bong Revilla. 
Silang tatlo sana ang magkakasama sa pang-Metro Manila Film Festival entry nila ngayong December 2012.
 
Ayon kay Ai-Ai, “Yung sa akin, hindi na matutuloy.”
 Nang tanungin namin kung ano ang dahilan at hindi na ito matutuloy, natawa nitong sinagot, “Private matters.” 
 Si Judy Ann Santos na raw ang papalit sa kanya.
 Dagdag pa niya: “Sa movie, next year na ko magma-Manila Filmfest.”

6 comments:

dexter said...

bkit kya hnde sya kasama/ syang nman nun MMF un eh....oh mas mlki ang KIKITAIN nya s project n pipiliin nya....

Anonymous said...

di pa umeere ang x-factor PGT na agad ano bayan...

Anonymous said...

di pinayagan si ai ai ng star cinema gumawa ng movie kasi exclusive sya sa star cinema.

Anonymous said...

tapos na kaya contract nya sa star cinema..

Anonymous said...

@2 Eh pagkatapos nalang ng X Factor eere ang PGT 4!

dexter said...

Mas marami pang lalayas sa GMA-7

May mga talent daw sa GMA-7 ang nagtatanong kung ano ang magiging kalagayan nila sa hinaharap dahil sa mga sinasabi ng mga may-ari ng network kaugnay sa plano nilang ibenta ito. Bagama’t sinasabi ni Mr. Gilberto Duavit, Jr. na not for sale ang istasyon, ang isa namang may-ari na si Mr. Felipe Gozon ay nagsasabi na sa tamang presyo ay handa nilang ibigay sa iba ang pagma-may-ari ng television network.

“If we receive an acceptable offer, then we will sell our entire stake in the company,” ito ang muling sinabi ni Mr. Gozon kamakailan lamang. Kapag sinabing entire stake yata ang ibig sabihin ang 77 porsyento pagma-may-ari ng mga Gozon, the Duavits and the Jimenezes ay mapupunta sa bibili nito plus ang 23 percent held by the public.

Eh, hanggang 45 billion lang daw ang offer ni Mr. Manny Pangilinan ng TV5 kaya hindi sila nagkasundo. Ang sabi ni Gozon ay 100 billion. Pa’no kung tapatan ito ni MVP? Tapos ang laban.

Kaya naman isa-isa nang nagaalisan ang mga talent ng Siyete. At kaylan lang si Rufa Mae Quinto hayun at umigpaw na parang pusa sa Kapatid network.

http://newsonph.blogspot.com/2012/05/mas-marami-pang-lalayas-sa-gma-7.html

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails