.....

nufnang

nuffnang

Friday, September 23, 2011

CRISTINE REYES AYAW LUMIPAT SA TV5!

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang balita tungkol sa paglipat ng mga artista ng ABS-CBN at GMA-7 sa TV5.

Pinakabagong mga pangalan nga na sangkot sa isyu ng lipatan ay sina Mariel Rodriguez at Sharon Cuneta.

Si Mariel daw ay nag-resign na sa ABS-CBN at iniwan na nito ang noontime show na Happy Yipee Yehey.

Si Sharon naman ay sinasabing lilipat umano sa TV5 sa Enero 2012 at magse-celebrate daw ng birthday nito sa Enero 6 bilang Kapatid na.

Kapansin-pansin din na maraming celebrities na naiisyu na lilipat sa TV5 ay mga talent ng Viva. Sinasabing dahil umano ito sa magandang relasyon ng Viva big boss na si Vic del Rosario sa Kapatid network.

Bukod kay Sharon, ilan pa sa Viva artists na iniuugnay sa lipatan issue ay sina Sarah Geronimo, Anne Curtis, at Cristine Reyes.


Kaninang tanghali, September 21, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine sa presscon ng pinagbibidahan niyang pelikula along with Anne Curtis and Derek Ramsay, ang No Other Woman, mula sa Star Cinema at Viva Films.

Kaagad ngang tinanong ng PEP kay Cristine kung totoo ba ang balitang lilipat siya sa TV5?

"Hindi, a!" agad na pagtutol ni Cristine.

Pero aware ba siya na may ganitong issue?

"Naririnig ko, pero hindi ko alam kung merong ganung negotiation."

Kinausap na ba niya ang Viva tungkol dito?

"Nakarating kasi siya sa akin hindi through Viva kundi through tweets."

Hanggang kailan pa ba ang kontrata niya sa ABS-CBN?

"Hanggang December po. At saka happy po ako sa ABS e."

Paano kung ilipat siya ng manager niyang si Boss Vic?

"Siguro, magkakaroon muna ng discussion. Pero so far naman, I'm happy sa ABS-CBN.

"Kung meron man pong ganung offer [from TV5], hindi ko po alam.

"If ever, mabait naman po ang Viva, e, kung saan mas masaya yung alaga nila, doon sila.

"Siyempre, mahirap namang magtrabaho kung alam mong ayaw mong magtrabaho kung saan ka lilipat."


5 comments:

yes said...

I wish..n plage pahalagaan ng mga artesta un pangalan nila..

LIKE cristine...s ABS sya nag karoon ng mgandang pangalan kay s GMA sya dati n nkilala sya s pag ppsexy' un pla mgaling mag drama or umarte..

AT un ibang artesta n lilipat s TV5 saka n k u lilipat kung MTAas n un rating un mga show ng TV5....eh lage lng kc SINGle DIGIT eh..

kung darating un panahon n malaki n ang network ng TV5..pero ilang dekada P UN MANGYARI...

abs and gma nga..taas baba un dalawang network n toh kc hnde ganon kdali un gumawa ng show at mag plano...

KYA TV5 lumaban ng tama..gumawa muna k u ng mgandang show kay s kuha k u ng mdaming artesta tapos bandang huli eh lalayasan din k u kc walng SHOW!!!!!!!!!

Anonymous said...

ARTESTA talaga??! =)))

Anonymous said...

Okay sa akin na umalis sina Mega at Mariel (SANA NGA UMALIS NA SI MARIEL) pero wag na si Cristine. Malaki pa naman ang crush ko sa kanya. LOL

LONG said...

MAS SUMISIKAT PA NGAYON ANG MGA EX-GMA TALENTS KESA SA MGA HOMEGROWN ARTISTS NI MR. MANAHAN.



BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Anonymous said...

hahaha, c long ntuluyan ng nabaliw, kng ano2 na pnagssbi. cguro nkkain 2 ng pagpag. heheheh

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails