.....

nufnang

nuffnang

Friday, March 22, 2013

COCO MARTIN ASKS FOR P35 M TALENT FEE, JACK ENRILE


Hindi sinasadyang mabanggit ni Cagayan Representative at senatorial candidate Jack Enrile na 35 million pesos daw ang presyo ni Coco Martin kapag kinuha bilang celebrity endorser ng isang pulitiko.

At dahil wala raw siyang ganung kalaking budget, hindi raw ito nag-attempt na kunin ang Kapamilya actor.

Ang bulalas niya sa ilang piling press na kasama niyang nag-lunch sa Passion restaurant ng Resorts World.

Pakiusap ni Jack, sana raw ay huwag masyadong mahalan ng mga artista ang kanilang presyo kapag kinukuhang endorser ng pulitiko.

“Something needs to be done as far as the cause of running for office. Masyadong mahal! Hindi abot-kaya ng mga taong naghahangad magsilbi. Mahirap po,” ang deklara niya.

Pero aminado siyang malaki ang naitutulong ng mga artista sa kampanya kaya nga kino-consider naman daw talaga niyang kumuha.

“Kami talaga, gusto talaga namin kasi we believe, importante para sa aming mga kandidato na mapalapit kami sa mga tao.

“Kaya nga parati kaming sumasayaw, parating kumakanta si Presidente Erap [Joseph Estrada], pati si Vice-President [Jejomar] Binay, nagcha-chacha.

“Para sa amin, that is a way to show to the public na tao kami.”

Aniya, likas daw ang pagkahilig ng mga Pinoy sa entertainment.

“Masayahin tayong kultura, e. Mahilig tayo sa mga nagpapasaya, so kami naman, we have to reach out to our base.

“And our base really is the people who like these kind of stuff.

“So, kami, pag pinapasayaw kami ng ‘Gangnam,’ sumasayaw.

“Yung bago ngayon na ‘Harlem Shake’? Hindi ko pa alam yun," natatawa niyang sabi.

COCO’S SIDE. Samantala,isang malapit sa actor ang nagsabi na libre talaga ang pag-i-endorso nito sa napiling kandidato.

Aniya, "Hindi naging isyu ang pera para i-endorso ni Coco si Sonny Angara."Coco is one person na hindi mo puwedeng diktahan. May sarili siyang prinsipyo at paniniwala.

“Kaya kung malaki ang ibinibigay niyang suporta ngayon kay Sonny Angara, ibig sabihin, naniniwala siya sa kakayahan ni Sonny na maging isang mabuting Senador.”

Bukod kay Angara, may ilan pang kandidato na susuportahan si Coco. Nariyan sina Grace Poe, na tumatakbo ring senador; Richard Gomez, na tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City; at Anton Lagdameo, asawa ni Dawn Zulueta at tumatakbo bilang congressman sa second dikstrict ng Davao del Norte.

May statement din ang head ng ABS-CBN corporate communications na si Bong Osorio, na pinabulaanan ang balitang may talent fee si Coco for endorsing Angara.

“In fact, Coco was asked in August last year [by Angara] and he said no. Then in December, after getting to know Sonny, he agreed to endorse for free.”

7 comments:

Anonymous said...

Presyo ng ayaw mag-endorse sa taong hindi nya kilala. Libre sa taong kilala at pinaniniwalaan. Ganon lang yun...

Hindi mo kailangan mag-gamit ng artista para manalo kung karapatdapat ka...

Jennifer Padhan said...

UNA's tactics are nothing short of pathetic. They've now done nothing but berate the opposing candidates with outrageous accusations that are baseless and that have no proof.

Are these the kinds of leaders we want to vote in at the senate? People who fabricate lies in order to promote their own interests?

I was going to vote for Jack Enrile, but he just went down a huge notch on my list. Crossing him out now.

Anonymous said...

Talent fee? Diba si Coco Martin ang mismo lumapit kay Sonny Angara? San nanaman galing tong mga kasinungalingan na eto? Basta UNA talaga, basura. I'm voting straight Team PNOY now.

Koko Jickain said...

Basura talaga tong UNA forever. Jack Enrile you have no chance of winning. I guess that's why your taking everyone with you now. I'd choose Sonny Angara over you any day, WANNABE.

JACKOL ENRILE said...

Jackol ka nalang Enrile. Puta ka. Wala ka namang kwenta, kapal pa ng mukha mo manira ng ibang tao. DIBA NAKAPATAY KA NG TAO? BAT KA NANJAN TUMATAKBO?

KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL KAPAL

Anonymous said...

Enrile ang dami mong alam, mag gangnam style ka nalang. Pareparehas lang kayong mga gago sa UNA. ERAP, BINAY JPE? REALLY?! The 3 most corrupt leaders in the Philippines form a faction and they expect to win? I swear if most of the UNA members win I'll effing migrate.

Anonymous said...

Eh si coco martin naman ang lumapit kay sonny angara eh, dahil gusto niya ang advocacy ni angara sa edukasyon at sa mga senior citizens.

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails