.....

nufnang

nuffnang

Friday, December 28, 2012

STAR CINEMA'S ONE MORE TRY GRABS BEST PICTURE IN THE 38TH MMFF!


Pinaghati-hatian ng tatlong pelikula ang karamihan ng mga tropeyong ipinamahagi sa Gabi ng Parangal ng 38th Metro Manila Film Festival na ginanap ngayong gabi, December 27, sa Meralco Theater, Pasig City.

Ang Thy Womb, El Presidente, at One More Try ang nakakuha ng pinakamaraming awards.

Ang One More Try ng Star Cinema ay nagwagi ng limang tropeyo; kabilang na ang Best Picture, Best Screenplay, at Best Actor para kay Dingdong Dantes.


Pitong tropeyo naman ang nakamit ng Thy Womb ng Center Stage Productions; kabilang na ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award, Best Director para kay Brillante Mendoza, at Best Actress para sa Superstar na si Nora Aunor.

Ang historical film na El Presidente ng Scenema Concept International, CMB Films at Viva Films ay nagwagi ng anim na awards; kabilang na ang 2nd Best Picture at Best Suporting Actor para kay Cesar Montano.

Dalawang tropeyo naman ang napanalunan ng Sisterakas ng Star Cinema at Viva Films.

ACTING WINNERS. Napanalunan ni Nora Aunor ang kanyang ika-walong Best Actress trophy sa MMFF.

Tinalo ni Nora sa kategoryang ito sina Angel Locsin (One More Try), Angelica Panganiban (One More Try), Janice de Belen (Shake Rattle & Roll 14), at Judy Ann Santos (Si Agimat Si Enteng Kabisote at Si AKO).

Sa kanyang acceptance speech, sabi ng Superstar, “Kahit lima na lang manonood ng pelikula ko, patuloy pa rin akong gagawa ng makabuluhang pelikula.”

Balita kasing na-pullout na ang Thy Womb sa ilang sinehan dahil sa mahinang kita nito sa takilya.

Bago ang panalo niya ngayong gabi para sa Thy Womb, huling nanalo ang Superstar noong 1995 para sa kanyang pagganap sa Muling Umawit Ang Puso.

Napanalunan naman ni Dingdong Dantes ang kanyang ikalawang sunod na MMFF Best Actor trophy. Ang Kapuso actor din ang nanalong Best Actor noong isang taon para sa role niya sa horror-suspense film na Segunda Mano.

Ang mahigpit na kalaban ni Dingdong sa Best Actor ay si Governor ER Ejercito para sa pagganap nito bilang si President Emilio Aguinaldo sa El Presidente.

Ang iba pa nilang mga nakalaban ay sina Herbert Bautista (Shake Rattle & Roll 14), Bembol Roco (Thy Womb), at Vice Ganda (Sisterakas).

Matatandaang sina Dingdong at ER din ang naging mahigpit na magkatunggali bilang Best Actor noong nakaraang taon para sa Segunda Mano at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, respectively.

Humabol ngayong gabi si Dingdong na galing pa sa taping niya para sa primetime series ng GMA-7 na Pahiram Ng Sandali. Noong nakaraang taon ay hindi nakarating si Dingdong.Ang model-comedienne na si Wilma Doesnt naman ang itinanghal na Best Supporting Actress para sa pagganap niya sa comedy film na Sisterakas.

Tinalo ni Wilma sa kategoryang ito sina Gina Pareno (One More Try), Cherry Pie Picache (The Strangers), Arlene Muhlach (Shake Rattle & Roll 14), at Janice de Belen (The Strangers).


Ayon sa direktor ng Sisterakas na si Wenn Deramas, na tumanggap ng award para kay Wilma, ay kasalukuyan daw buntis ang modelo.

Si Cesar Montano nagwaging Best Supporting Actor para sa kanyang pagganap bilang si Andres Bonifacio sa El Presidente.

Nakalaban ni Cesar sa kategoryang ito sina Zanjoe Marudo (One More Try, Robert Arevalo (Sosy Problems), Baron Geisler (El Presidente), at Christopher de Leon (El Presidente).

Ito ang ikalawang Best Supporting Actor trophy ni Cesar sa MMFF.

Una siyang nanalo noong 1989 para sa Ang Bukas Ay Akin.

Bukod dito ay may tatlong Best Actor trophies na ssi Cesar: Jose Rizal (1999), Bagong Buwan (2001), at Ligalig (2006).

Sina Kris Aquino at KC Concepcion ang nagsilbing hosts sa Gabi ng Parangal ng 38th Metro Manila Film Festival.

LIST OF WINNERS. Narito ang listahan ng mga nagwagi sa 2012 Metro Manila Film Festival:

Best Actress – Nora Aunor (Thy Womb)

Best Actor – Dingdong Dantes (One More Try)

Best Picture – One More Try

2nd Best Picture - El Presidente

3rd Best Picture - Sisterakas

Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award - Thy Womb

Best Director - Brillante Mendoza (Thy Womb)

Best Supporting Actress – Wilma Doesn’t (Sisterakas)

Best Supporting Actor - Cesar Montano (El Presidente)

Best Screenplay - Anna Karenina Ranos (One More Try)

Best Original Story - Henry Burgos (Thy Womb)

Gender Sensitive Award - Thy Womb

First Fernando Poe Jr. Memorial Awards of Excellence - One More Try

Best Editing – Vito Cahilig (One More Try)

Best Cinematography - Odyssey Flores (Thy Womb)

Best Production Design – Brillante Mendoza (Thy Womb)

Best Visual Effects - Shake Rattle & Roll 14

Best Make-up – El Presidente

Best Theme Song - "El Presidente" by Apl.de.Ap (El Presidente)

Best Musical Score - Jesse Lazaten (El Presidente)

Best Sound - Albert Michael Idioma (El Presidente)

New Wave Category

Best Picture - The Grave Bandits

Jury Prize - Ad Ignorantiam

Best Director - Tyron Acierto (The Grave Bandits)

Best Actress - Liza Diño (In Nomine Matris)

Best Actor - Allan Paule (Gayak)

Gender Sensitive Award - In Nomine Matris

Student Short Film - (Manibela)


Special Awards:

Female Star of the Night - Nora Aunor

Male Star of the Night - Erap Estrada

SMDC Five Star Male and Female Celebrity of the Night – Zanjoe Marudo and Bianca King

23 comments:

Anonymous said...

Kawawa ang GME Films (not referring to any single talent or person) in this festival... SOSY PROBLEMS TRULY MOST FLOP FILM IN THIS MMFF!!!

Anonymous said...

luto..da best parin sossy problems...worldclass movie...

Anonymous said...

luto, as in luto ang mga praise release ng gmewww! sold out daw tapos nilalangaw sa glorietta, habang ang ibang pelikula, sa sobrang dami ng nanonood eh standing cinema?

Anonymous said...

kung di nakalaban ni angel si aye guy sure win sya well...congrtas angel locsin. ang galing talaga ni direk ruel bayan napapaarte nya ang artista biba dingdong

Anonymous said...

World Class ang Susi Problems??? eewww nag-jojoke ka? hahahaha SOSY nga ang pelikula dahil sa kaartehan nila ang PROBLEM ay ang corny at ang baduy nilang arte... super Bano!

Anonymous said...

KAPUSO NGANGA !!!! HAHAHAHAHHAHAHA

Anonymous said...

d gaya sa one more try imitation...ha ga ha. kawawa kapampams. sossy problems da best....orig...

Anonymous said...

kung kawawa ang one more try na pumapangatlo sa takilya, ano ang sossy na pumapangalawa sa mga kulilat?

Anonymous said...

Ano world class ang sossy problem? Wala nga silang grade mula sa CEB. Tapos ang One More Try Pinataob na nila ang Enteng.

Anonymous said...

bkit porke b ala grade sa ceb d n pede magung worldclass cheap mo ha. one more try mo nga copycat sa isang chinese movie. inggit lng kau kasi bukod sa thy womb at el presidente ksama sossy problem sa de kalidad n movie. pang oscar ang quality ng sossy problem.

Anonymous said...

oscar mong mukha mo! Sige mangarap ka lang.. Ganun naman talaga mga taga gmeew nabubuhay lang sa pangarap., puro pangarap. Pangarap maging no.1 kuno. Pero saan? Sila-sila lang may alam no.1 ang stasyon nila.. Pampa lubag loob sa mga kabobo na viewers. Ahaha.. Tawa nalang ako. Wawa kasi.

Anonymous said...

number 1 ang sossy problems. Mala hollywood!

Anonymous said...

Well, libre mangarap. May data na nga pinipilit pa na number 1 daw. Napakabobo talaga. Mala hollywood? Patay yan sa mga kritiko dun. Huwag nang mangarap na pang hollywood kung ang movie ay pang kamuning lang. Pang oscar daw? Di nga umabot sa nominations sa oscars eto na kaya! Mag-isip ka nga, di puro hangin lumalabas sa bibig mo!

Anonymous said...

sossy problem nakaka 200m na. nilampaso sisterchaka ng kapampam. wawa naman go go go gma films

Anonymous said...

^^^
Hala!!!!

---------------------------------
Na Buang nah!!! hahahaha My Gosh! kahit nga ang Enteng niyo hirap na hirap nang patumbahin ang sisteraka ang Sosy Problems pa kaya??? hahahaha wala ba kayong rasyon ngayon??? baka gutom lang yan! hahahaha

at wait saang impormasyon mo naman nakuha na kumkita na ng 200 M ang susi Floplems??? aber??? kay Gozgozin??? kay Lulit??? hahaha

Anonymous said...

one more copy este trying hard ay mali try pala at sisterchaka padding ang kita. padding na nga sa kantar pati sa movie padding.

Anonymous said...

andito na naman ang mga INGGIT NA KANGUSO. naghahasik na naman ng dilim, talagang mga KAMPON NI TANING.

Anonymous said...

the usual accusations sa starcinema padding, kinopya daw, libre ang tiket etc...pero ang ending kung walang pelikula ang starcinema monthly wala ng mapapanood ang mga pinoy at hindi ma-i-deny na blockbuster ang mga ito yan ang TOTOO!!!
next year kaya anu-ano kaya ang naka-line-up na films nila soooooooo excited!!!

Anonymous said...

proud na proud ang GMA sa natanggap ni Dingdong kahit alam nilang hindi mangyayari to kung sila ang gumawa o nag-produce o mga kapuso ang kapareha...

Mananalo pa kaya sya kung GMA ang gumawa ng movie o kaya mga taga GMA ang magiging kapareha nya?

Anonymous said...

Hay Naku! Padding na naman daw, wala na bang iba??? sukang suka na ko sa mga palusot niyo! Teh, sa maniwala ka man sa hindi, Nakatatak na sa mga Pilipino na kapag gawang GMA!


MAJOR MAJOR BASURA!!!!!!!!

Fact na Fact

dexter said...

The Metro Manila Film Festival will run until January 8, 2013.


Here is the ranking of the films on the 5th day of the MMFF:


1. Sisterakas – P167 million
2. One More Try - P91 million
3. Si Agimat, Si Enteng, at Si AKO – P79 million
4. The Strangers – P72 million
5. Shake Rattle and Roll 14: The Invasion – P66 million
6. Sosy Problems – P37 million
7. El Presidente – P30 million
8. Thy Womb – P24 million

http://www.pep.ph/guide/movies/11281/sisterakas-leads-in-box-office-race-of-the-38th-metro-manila-film-festival

Avon Luna said...

watch pinoy tv show here WATCH TV SHOW REPLAYS CLICK HERE

or download our android application here Philipine TV Replays android app

or download our apple application here Philipine TV Replays ios app

LIKE US : Facebook

Avon Luna said...

mayroon kabang gamit na gusto mong ibenta? post mona dito siguradong mabibili yan sa Anunsyo.ph

baka may hinahanap ka na gusto mong bilin? nandito din yan sa Anunsyo.ph

o baka gusto mo maaliw sa mga prank/funny/entertainment video at funny picture LIKE mo kami sa FB Social Video

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails