.....

nufnang

nuffnang

Thursday, July 5, 2012

AMALIA FUENTES SINAKSAK NG PAYONG!

Nauwi sa physical injuries ang maayos na pakikipag-usap sana ng dating movie queen na si Amalia Fuentes at anak niyang si Jeric sa nangungupahan sa kanila.

Ayon sa ulat ng TV5 News kagabi, July 4, sinaksak diumano ng payong sa likod ang dating aktres ng asawa ng tenant. Samantalang mga galos naman ang tinamo ng kanyang anak sa engkwentrong naganap kahapon sa 4th Street, New Manila, Quezon City.

Ayon pa sa report, ipapaalam lang daw sana ng mag-ina na tumalbog ang tsekeng ibinayad sa kanila ng nasabing nangungupahan ngunit bigla raw itong nanakit.

Agad na isinugod sina Amalia at Jeric sa St. Luke's Hospital sa Quezon City, kung saan naka-confine sila ngayon para sa ilang lab tests.

Nakatakas naman daw ang mag-aswang nanakit sa mag-ina.

2 comments:

Anonymous said...

OUCH!!!
OUCH!!!
OUCH!!!
-YOU KNOW WHO

Kim, USA said...

Aray ko po!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails