Inilabas na ng pamunuan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, through its president Mrs. Corazon Samaniego, ang results ng kanilang 43rd Box-Office Entertainment Awards.
Ito ay pagkatapos ng kanilang official deliberation na ginanap sa Dane Publishing House, Mindanao Avenue, noong Sabado, April 14.
Sa pagkakataong ito, nagdagdag sila ng dalawang bagong kategorya.
Una, ang Phenomenal Box-Office Star para kay Vice Ganda.
Ito ay dahil ang pelikula ni Vice na Unkabogable Praybeyt Benjamin ang nakapagtala ng pinakamataas na box-office returns noong 2011—na umabot sa P331.61 million.
Pangalawa, ang Box-Office Tandem kina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.
Ito ay dahil ang pelikula nilang Enteng Ng Ina Mo ay nagbigay rin ng pinakamataas na gross sa Metro Manila Film Festival 2011.
Nakakuha ito ng gross na P237.88 mula December 25, 2011 hanggang sa pagtatapos ng festival noong January 7, 2012.
Mananatili ang dalawang bagong kategoryang ito kung sa mga susunod na taon ay magkakaroon pa rin ng ganitong kaganapan sa mga pelikulang ipalalabas.
Kaya ang title na Box-Office King ay ibinigay kay Derek Ramsay dahil ang dalawang pelikula niyang ginawa last year ay nakakuha ng first two highest box-office returns—ang Unkabogable Praybeyt Benjamin at No Other Woman.
Ang leading ladies naman ni Derek sa No Other Woman na sina Anne Curtis at Cristine Reyes ang itinanghal na Box-Office Queens.
Ang 43rd Box-Office Entertainment Awards ay produced ng Airtime Marketing ni Tessie Celestino.
Gaganapin ito sa April 29, Linggo, sa RCBC Plaza, Makati City.
Mapapanood naman ito sa May 6, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.
Narito ang kabuuang listahan ng mga pararangalan sa 43rd Box-Office Entertainment Awards:
Phenomenal Box Office Star – Vice Ganda
Box-Office King – Derek Ramsay
Box-Office Queens – Anne Curtis and Cristine Reyes
Box-Office Tandem – Vic Sotto and Ai Ai delas Alas
Film Actor of the Year – Aga Muhlach
Film Actress of the Year – Angel Locsin
Prince of Philippine Movies – Gerald Anderson
Princess of Philippine Movies – Sarah Geronimo
Prince of Philippine Television – Coco Martin
Princess of Philippine Television – Kim Chiu
Most Promising Male Star of the Year – Rocco Nacino
Most Promising Female Star of the Year – Solenn Huessaff
Male Concert Performer of the Year – Vice Ganda
Female Concert Performer of the Year – Toni Gonzaga
Male Recording Artist of the Year – Christian Bautista
Female Recording Artist of the Year – Angeline Quinto
Most Promising Male Singer/Performer – Elmo Magalona
Most Promising Female Singer/Performer – Julie Anne San Jose
Most Popular Recording/Performing Group – Parokya ni Edgar
Most Popular Recording/Performing Group – ASAP Boys R Boys
Most Popular Male Novelty Singer – Jose Manalo & Wally Bayola (Jump Brothers)
Most Popular Female Novelty Singer – Anne Curtis (Annebisyosa)
Most Popular Loveteam in Movies & Television – Enchong Dee & Erich Gonzales
Most Promising Loveteam – Jake Vargas & Bea Binene
Most Popular Male Child Performer – Bugoy Cariño
Most Popular Female Child Performer – Xyriel Manabat
Most Popular Film Producers – Star Cinema & Viva Films
Most Popular Film Director – Wenn Deramas
Most Popular Screenwriter – Wenn Deramas & Keiko Aquino
Most Popular TV Program News & Public Affairs – 24 Oras
Most Popular TV Program Drama Series – 100 Days To Heaven
Most Popular TV Program Musical Variety – Eat Bulaga!
Most Popular TV Program Talent Search/Reality – Talentadong Pinoy
Special Awards:
Bert Marcelo Lifetime Achievement Award – Jose Manalo & Wally Bayola
Comedy Actor of the Year – John Lapus
Comedy Actress of the Year – Eugene Domingo
Outstanding Government Service Award – Laguna Governor ER Ejercito
Global Achievement by a Filipino Artist – Apl De Ap
SOURCE
GMA Telebabad, Mas Papalakasin!!!
-
Tila talagang desidido ang GMA ngayon na mas pagandahin pa lalo ang GMA
Telebabad. Sa Ngayon, unti unti na silang lumalakas sa pangunguna ng Niño
at My De...
10 years ago
1 comment:
— Other products from Ebay. 1 sapphire blue Bowl, 5 3/8" cereal / individual pie plate $18 SOLD. Liliha Bakery also serves breakfast and lunch too.
Post a Comment