.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, April 3, 2012

STAR CINEMA OUT SA AI AI, VIC AT BONG MMFF ENTRY MOVIE!

Hindi pa tapos ang script ng pelikula na pagsasamahan nina Senator Bong Revilla, Jr., Vic Sotto at Ai Ai delas Alas, pero tiyak na ang pagsisimula ng shooting nila sa July 2012.

Ang movie project ng tatlo ang official entry sa 2012 Metro Manila Film Festival. Sila rin ang mga producer ng pelikula na inaasahan na mangunguna sa box office race.


Libre nang gumawa ng pelikula sa ibang movie outfit si Ai Ai dahil nag-expire ang kontrata niya sa Star Cinema noong July 2011. Nagkaroon ng extension ang mo­vie contract ni Ai Ai hanggang January 2012 pero hindi siya nabigyan ng bagong project, pagkatapos ng blockbuster filmfest entry nila ni Vic sa 2011 MMFF, ang Enteng Ng Ina Mo.

Hin­di lamang ang movie contract ni Ai Ai sa Star Ci­nema ang nawalan ng bisa dahil matatapos na rin ang kontrata niya sa ABS-CBN sa December 2012. Kung hindi ire-renew ng ABS-CBN ang television contract ni Ai Ai, puwede na siyang lumabas sa ibang television network sa susunod na taon.

8 comments:

mOST wanTED said...

WOW out tlga ah..hmmp tingnan nting...

malki mgagastos nyo nyan s ads ng MOVIE s ABS...hehehehe....

Anonymous said...

Admin i publish nyo po ang full trailer nang Princess and I..Maganda sya..Thanks.

Anonymous said...

panonoorin ko yan...di na kasi star shitnema. LOL

Anonymous said...

Ayaw na yatang maki-co produce ni Bong Revilla with GMA films dahil ilang taon din na lugi or break even lang ang kita ng mga movie n'ya.

Kaya Bong REvilla decided to have a movie co-produce with Star Cinema.

aldrinadion said...

Tama yan Bong.. Lipat ka na... Yan ba ang number 1?
GMA? hahaha.. ibebenta na ni Atty. Guzon ang share nia... Kaya wala ng naiwan sa GMA Artist.. mga laos na..

Anonymous said...

WALA NA BANG IBANG PELIKULA PAG FILMFEST??? SILA SILA NA LANG BA???

Anonymous said...

senator bong lipat na po kayo sa star cinema tiyak na hindi kayo malulugi. sisikat pa kayo.

GMA7 no.1?? baket ibebenta?? kasi wala ng magagandang show.. OMG!! cge benta na!

Anonymous said...

pashare guys http://www.youtube.com/watch?&gl=PH&hl=en_US&client=mv-google&v=GDU5wic1K3A&nomobile=1

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails