.....

nufnang

nuffnang

Monday, April 16, 2012

MARIAN RIVERA MAY BAGO NANAMANG KAAWAY?

Bakit masama ang loob ni Katrina Halili kay Marian Rivera?

Binanggit ni Katrina sa Twitter na may taong “nai-insecure pa din” sa kanya kaya mas pipiliin na lang niyang mamatay ang kanyang karakter na si Emmy sa My Beloved.

 Sinabi rin niyang "5 years ago. nangyari na ito," at hanggang ngayon ay "hate" pa rin siya nito.

 Hindi nagbanggit ng pangalan ang Starstruck Batch 1 alumna pero natukoy kaagad ng mga followers nito na, diumano, si Marian ang dahilan kung bakit "masama ang loob" niya.


Hindi rin nagbigay ng anumang detalye si Katrina kaya may ilang nagulat sa kanyang tweets.

 Nakakalap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa dalawang sources na nakakasalamuha ng dalawang aktres.

Nitong nakaraang Miyerkules, April 11, nagkaroon ng surprise birthday party para sa veteran actress na si Nova Villa, co-star ng dalawa sa My Beloved.

 Bago umalis si Marian, nakita ng isang source na nagpaalam ito sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, maliban daw kay Katrina.

 Ang dahilan: "Nagtalukbong" daw kasi ang huli.

 Nitong Biyernes, April 13, nag-tape sila ng eksena na merong sampalan.

 Ang dapat sanang "daya" ay naging makatotohanan dahil talaga raw sinampal ni Katrina si Marian—kahit pa taliwas ito sa instruction ng direktor na si Dominic Zapata.

 Hindi alam ng dalawang sources ang pinanggagalingan ng tweets ni Katrina, pero ang sapantaha ng isa ay: "Hindi kaya pinaglilihian niya si Marian?"

POPOY CARITATIVO'S STATEMENT. Samantala, pinili ni Marian na huwag na lang sagutin ang mga tweets ni Katrina.

 Sinabihan na raw kasi ng management si Marian na huwag na lang patulan o sagutin si Katrina.


Bagkus, ang kanyang talent manager na si Popoy Caritativo ang nagpadala ng maikling pahayag sa pamamagitan ng text bago ito lumipad patungong U.S.:"As far as Marian is concerned, masaya ang environment sa taping. If Katrina is always in a bad mood because of her pregnancy at ayaw niyang nakikita ang director, any of the staff or co-stars niya, and she wants to quit the show, she should just talk to management about it like any professional actor would do."

 Sinubukan ding kunan ng pahayag ng PEP ang talent manager ni Katrina na si Rommel Gacho, subalit wala pa itong sagot.

 Mananatiling bukas ang PEP sa anumang nais sabihin ng mga taong sangkot sa isyung ito.

2 comments:

mOST wanTED said...

ano B YAN..la Na NGA kwenTA un MY BELOVED..dmi p kaaway...

THE BEST MARIAN RIVERA FOR EVER..ALA
ANNABELL LNG YAN heheheh.

Anonymous said...

April 15, 2012 AGB Household
Jose and Wally Concert - 31.1%
Bb.Pilipinas 2012 - 11.3

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails