Sa Quezon City fiscal’s office isinampa ni Ara ang mga kasong ito kaninang hapon, April 18.
Ayon sa panayam kay Ara, na emosyunal na humarap sa press, isinampa niya ang mga kasong ito dahil patuloy raw siyang sinisiraan ng kapatid niya sa mga kamag-anak at kakilala nila.
MONEY ISSUE. Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang nasabing kaso ay bunsod ng alitan ng magkapatid ukol sa pagbabayad sa bahay ng kanilang ina na pinagtulungan nilang bilhin.
Ayon sa panayam kay Ara, na emosyunal na humarap sa press, isinampa niya ang mga kasong ito dahil patuloy raw siyang sinisiraan ng kapatid niya sa mga kamag-anak at kakilala nila.
MONEY ISSUE. Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang nasabing kaso ay bunsod ng alitan ng magkapatid ukol sa pagbabayad sa bahay ng kanilang ina na pinagtulungan nilang bilhin.
Galit na galit daw ang Kapamilya actress sa kanyang ate dahil may utang raw ito sa kanya.
Isa sa mga text ni Cristine na ipinakita sa press ay naglalaman nito: “Kung ayaw niyo manggulo ako sa buhay niyo, bayaran utang niyo sa akin. Kung wala kayo pangbayad, ibigay niyo hinhingi ko.”
Hindi umano magkasundo ang magkapatid sa halaga ng hatian sa bayad sa bahay.
Paliwanag ni Ara, “Sinasabi niya bayaran ko siya. Hindi ko siya kailangan bayaran kasi ako naghulog ng [bahay] ng mommy ko.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, kasi nasa pangalan niya yung deed of sale.
"Siya yung nag-down ng P1 million, ako yung naghulog ng P2.3 million.
“Kumbaga, siya yung may lumalabas sa akin ng balance, pero wala na yun, e.
"Ang sinasabi niya, sinisiraan ko siya dahil may balance siya sa 'kin na P500,000, [pero] pera lang ‘yan.”
Ang hinihingi diumano ni Cristine na kabayaran ay ang sasakyan o SUV ni Ara.
TEXT MESSAGES. Kuwento pa ni Ara, bago mag-Holy Week nagsimula ang kanilang alitan ni Cristine.
Nag-start lang nung sinabi ko na, 'Mag-usap tayo kasi marami akong naririnig na sinasabi mo.'"'Tapos nag-freak out na siya. ‘Wag na raw ako mag-text kung wala akong magandang sasabihin.“Tapos tuluy-tuloy na, hindi ko siya sinasagot.
"Buong Holy Week, hindi niya ako tinantanan.
"Hanggang ngayon nagte-text siya sa sister-in-law ko. Pati ibang tao dinadamay na niya.”
Idiniin din ni Ara na hindi niya isinampa ang kaso dahil sa pera, kundi para turuan daw ng leksiyon ang kanyang kapatid.
Niyuyurakan na raw kasi nito ang pagkatao niya.
Ipinakita mismo ni Ara sa press, na naka-witness ng pag-file niya ng reklamo, ang isa sa mga text message daw ni Cristine sa kanya: "I'm sure ibebenta mo ‘yang l*sp*g mong katawan na pinagsaw*an na ng lahat. Daig pa aso sa sobrang ka*i.”
Sabi pa ni Ara, “Hanggang makakapagpasensiya, magpapasensiya ako.
"Punung-puno na ako, e, hindi ko na kaya, kasi kung anu-ano na ang sinasabi niya.
"Kailangan ko lang gawin ‘to kasi ayaw niya makipag-usap.
"Para maturuan siya ng leksiyon, kasi hindi na tama yung ginagawa niya,” sabi ni Ara.
Matatandaang madalas na napapabalitang nag-aaway ang magkapatid, mula pa nang pumasok si Cristine sa showbiz noong 2003, sa pamamagitan ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.
Ayon pa kay Ara, “Pinagpasensiyahan ko na yung ibang ginawa niya before, pero this time, marami na po siyang idinamay na tao.
"Naghihintay ako na, ‘Ate, sorry kung may mga nasabi ako,’ pero wala. Parang wala na siyang sinasanto.”
Nahirapan din daw si Ara sa desisyong sampahan ng kaso ang kapatid.
“Mahirap sa ’kin ‘tong gagawin ko dahil sikat siya ngayon, ayoko siyang masira.
"Pero masyado niya nang hinahamak yung pagkatao ko, niyuyurakan na niya.
Gusto kong ipaalam sa kanya na walang ibang tutulong sa kanya kundi kapatid niya, ta’s ginaganito niya,” himutok ni Ara.
Nagpaabot ang ABS-CBNNews.com ng request para hingin ang panig ni Cristine sa pamamagitan ng manager nito na si Veronique del Rosario, ngunit sinabi nitong hindi muna sila magsasalita hangga’t hindi nila nakikita ang kopya ng kasong inihain ni Ara.
Kaugnay nito, sinubukan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag sina Ara at Cristine sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kanilang cell phones at Facebook accounts.
Sinubukan din ng associate editor ng PEP na si Rommel Llanes na tawagan sa telepono ang magkapatid ngunit hindi nila ito sinasagot.
Samantala, kapansin-pansin naman ang pananahimik ni Cristine sa social networking site na Twitter, kahit pa madalas siyang nagpo-post ng saloobin dito.
1 comment:
ARA:sikat nw si bunso nming(cristine)
ako wlng show/no money/wlng pangbyad s kanya..
GAGAMITEN ko sya hehehheeh...
mga tanga nman mga ito ganitong usapan pang pmilya hwag nang ilabas p s media..sila din mismo simisira s pamilya nila.
Post a Comment