This is time for me to grow, to evolve, to learn."
Ito ang naging pahayag ng actress-TV host na si Iza Calzado tungkol sa kanyang desisyong lumipat mula sa GMA-7 patungong ABS-CBN.
Matatandaan na noong Disyembre 23 pa lang, inanunsiyo ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—sa pamamagitan ng PEP Alerts—ang paglipat ni Iza at ng isa pang dating Kapuso na si Carmina Villarroel sa bakuran ng Kapamilya network.
Nauna nang pumirma ng kontrata si Carmina sa ABS-CBN noong January 16.
Sa ulat ni Reyma Buan-Deveza ng ABS-CBN, na nailathala rito kaninang hapon, January 24, naging opisyal na ang paglipat ni Iza sa pagpirma nito ng three-year contract sa Kapamilya network.
Nakapaloob sa kontrata ng 29-year-old actress ang paggawa ng isang teleserye, isang reality show, at isang pelikula.
"What I am allowed to disclose at this very moment is mayroon po akong drama show at magkakaroon ako ng reality TV show.
"Hindi naman ito tungkol sa buhay ko, kaya huwag kayong mag-alala, hindi n'yo ako susundan sa bahay ko," sabi ni Iza.
Nabanggit din sa ulat na may espekulasyon na maaring maging host siya ng second season ng reality show na The Biggest Loser Pinoy Edition
Matatandaan na ang unang naging host ng programang ito ay si Megastar Sharon Cuneta, na ngayo'y nasa Kapatid network na.
Sabi pa ni Iza tungkol sa kanyang paglipat: "I just think that this is time for me to grow, to evolve, to learn.
"I think it's just a matter of timing and I've always wanted to work again with people from Channel 2.
"Kasi noong nag-Star Cinema ako for Milan [2004], sabi ko, one day I'm sure I will work with them again.
"I guess this is just the way it works.
"It's just a business, and at some point, we will make a certain decision and hopefully without burning bridges."
HARD DECISION. Sa panayam ding ito ni Iza, hindi niya nakalimutang magpasalamat sa GMA-7 para sa pagkupkop sa kanya ng halos sampung taon.
Sa naturang TV network ay nakilala si Iza bilang Amihan sa mga telefantasyangEncantadia (2005) at Etheria (2006).
Ilan pa sa mga TV projects niya sa GMA-7 ay ang mga sumusunod:
Atlantika (2006), Impostora (2007), Joaquin Bordado (2008), All About Eve (2009),Kaya Kong Abutin ang Langit (2009), Beauty Queen (2011), I ♥ You Pare (2011), atAndres de Saya (2011).
Naging host din siya ng iba pang mga programa ng GMA Network tulad ng The Sweet Life (sa QTV Channel 11), Party Pilipinas, at Eat Bulaga!.
Ang noontime show ng GMA-7 at TAPE Inc. umano ang isang dahilan kung bakit naging mahirap para sa kanya ang pagdedesisyong lumipat.Mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya sa longest-running noontime show, partikular na ang mga main hosts nito na sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Sa mga huling araw ni Iza saEat Bulaga!, sinabihan na rin daw siya ng ilang mga kasamahan roon na mami-miss nila si Iza.
Ani Iza, "Isa sa pinakamahirap na desisyon sa akin na iwanan ang Eat Bulaga!.
"You can never understand what it is like unless you were part of that family.
"Napakabait nila, and it takes a certain personality to gel with them, and I was fortunate enough to have that kind of personality, and they are very fun.
"Kaya lang, I really need to do this.
"I'm sure maiintindihan nila."
MOTIVATION AND CHALLENGE. Nabanggit ni Iza sa ABS-CBN News ang ilang Kapamilya stars na nais niyang makasama sa isang proyekto.
Sa mga artistang lalake, pinangalanan ni Iza ang nakasama niya sa Milan na si Piolo Pascual.
Binanggit din niya sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, at Gerald Anderson.
Subalit nilinaw ni Iza na hindi naman kailangang maging kapareha niya sa isang proyekto ang mga nabanggit na aktor.
Aniya, "I really wanna work with people and I want to see what they're like."
Sa female Kapamilya talents naman, gusto ni Iza na makasama si Judy Ann Santos, na dating co-star niya sa pelikulang Ouija (2007).
Pati na sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, at Karylle.
Nagkasama sina Iza at Karylle sa Encantadia ng GMA-7.
Aminado si Iza na maraming magagaling na artista ang ABS-CBN. Gayunman, sana raw ay huwag isipin ninuman sa Kapamilya network na ang pagpasok niya rito ay dagdag-kumpitensiya.
Sa halip, sabi ni Iza, "It serves as a motivation and challenge, but I'm not going to take anyone's place.
"I would like to make my own space and fill up a certain niche that maybe only I can fill."
SOURCE:PEP.ph
19 comments:
HAY NAKU DI KA KAWALAN SA GMA MARAMING MAGAGALING NA ARTISTA SA GMA LIKE KATRINA HALILI, SOLEN, SARAH LAHBATI, JOLINA MAGDANGAL, HEART EVANGELISTA, AT XEMPRE ANG NAG-IISANG PRIME TIME QUEEN NA SI MARIAN RIVERA!!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
HAY NAKU DI KA KAWALAN SA GMA MARAMING MAGAGALING NA ARTISTA SA GMA LIKE KATRINA HALILI, SOLEN, SARAH LAHBATI, JOLINA MAGDANGAL, HEART EVANGELISTA, AT XEMPRE ANG NAG-IISANG PRIME TIME QUEEN NA SI MARIAN RIVERA!!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
pansinin u naman si long pagong o nagpapapansin....
si long ay di talaga yan kapuso gawain nya lang mang-asar.
Bat ganoon sounds ironic, ang sabi nyo walang kwenta mga artista ng GMA pero bakit naman pinapirate ng ABS-CBN ang mga artista nila, pati daw si Carla Abellana pinapirate.
magagaling na artista?????hahahhaha! funny ka talaga, kung sabagay artista na pala yan para sa inyo.
LONG mentioned 'Sarah' something.... TANG-INA SINO YUN???! Hahahaha!!!!!
Anonymous said...
Bat ganoon sounds ironic, ang sabi nyo walang kwenta mga artista ng GMA pero bakit naman pinapirate ng ABS-CBN ang mga artista nila, pati daw si Carla Abellana pinapirate.
-------------------------
tanga, hindi sila pina pirate. , kusang lumipat yan. . . , tange ka talaga. .
hindi yan piracy...bangag ka cguru,,,,,,,,,nabasa mo ba to.....i need to grow as an actress....at ito pa mula kay carmina,,,hindi naman ako tumitingin sa tf sa project dapat............dba.......nag oofer lang naman ang abscbn,,,,anung piracy dunnnnn,,,,,,,,sa tv 5 un..kasi tf ang basehan........pasalamat ngat tinatanggap pa ng abscbn yang mga yan..........
^
-exactly! kun gusto pa nila sa gme, edi sana di nila tinaggap ang offer, pero since tinanggap nila it means na gusto nila magtry sa ABS-CBN..
^
-exactly! kun gusto pa nila sa gme, edi sana di nila tinaggap ang offer, pero since tinanggap nila it means na gusto nila magtry sa ABS-CBN..
tanga kasi yan, halatang taga GMEWWW,, kung gusto mong yumaman pnandalian, pumunta ka ng tv5, kong gusto mong step by step na pagyaman, sa ABS ka. , at gusto mu nmang maging bangkarote, sa GmeWW ka. , tanga. .. . . ..
OH? MAY ARTISTA PALA ANG GMA. DI NAG EXIST YAN SA TV NAMIN. BANNED ANG GMA SA AMIN! PURO KASI KALASWAAN AT KADEMONYOHAN ANG PALABAS!
ABS-CBN AT CABLE CHANNELS lang meron sa amin.
GMA EH.. WALA EH! SO DI KILALA! TAPOS! HAHAHAHA
LONG- DATI MAHAL NA MAHAL SI IZA AT TODO TANGGOL, NGAYON DI KAWALAN. PAANO KAYA KUNG LUMIPAT YUNG MGA BINANGGIT MO? DI DIN KAWALAN?! MAKAPAG COMMENT LANG KASI!
BWAHAHAHAHAHAHA ANG TOTOO LANG NILALAYASAN NA ANG BULOK AT PALUBOG NYONG NETWORK!
BWAHAHAHAHA
Basta ako ever since, si Iza lang ang gusto ko sa GMA. Ang galing kaya niya. Tapos walang projects na matino. Buti naman at lumipat na siya. Si Glaiza mukhang oka naman siya sa GMA. Alagaan siya, dahil magaling yan. Nahasa sa MMK.
Oi gising na c admin...kaya lang mukang antok pa...balita pa dyan! hehehe...as i said,this is a good move 4 iza...kc marian all the way na ang GMA!
Ganito ang line up ng primetime ng GMEeeewww:
7:30 - 8:00 - Marian with anybody
8:00 - 8:30 - Dingdong with anybody
8:30 - 9:00 - Rhian with anybody
9:00 - 9:30 - Marian and Dingdong
9:30 - 10:00 - Richard with anybdoy
10:00 - 10:30 - Richard and Rhian
Yan ang primetime!
HAY NAKU DI KA KAWALAN SA GMA MARAMING MAGAGALING NA ARTISTA SA GMA LIKE KATRINA HALILI, SOLEN, SARAH LAHBATI, JOLINA MAGDANGAL, HEART EVANGELISTA, AT XEMPRE ANG NAG-IISANG PRIME TIME QUEEN NA SI MARIAN RIVERA!!
BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
______________________________
sino ang mga yan? boxer ba ang mga yan?
kanoodles ang #3
To clarify things: ABS-CBN did not pirate Iza... Si Iza ang lumapit sa ABS. bilang mabait ang management they gave her a chance to develop and be known in the philippines and outside with the aid of ABS... This is also the case of Paolo Avelino.
NAkakainis na sabihin ni iza na kaya siya lumipat ay gustu niyang mg grow at to learn, bakit di ba sya nagrow sa GMA? defintely nagrow siya kc naging popular siya , successful siya dahil sa GMA! hunghang yung ganyang pagiisip at pananalita! ingrata! anyway, may iba jan na mas magling sau....
Post a Comment