.....

nufnang

nuffnang

Monday, December 5, 2011

IS MARK BAUTISTA THE THIRD PARTY IN THE PIOLO-KC BREAK UP?

Matapos ang paglabas ng kontrobersiyal na interview ni KC Concepcion sa The Buzz noong November 27—kung saan nagbuhos ito ng saloobin tungkol sa naging hiwalayan nila ni Piolo Pascual—naging mas mainit ang mata ng publiko at ng press sa kanilang breakup.


Nitong nakaraang linggo, naging laman ng iba't ibang newspaper articles ang nasabing isyu.

Maging sa entertainment websites, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ay naging matindi ang palitan ng iba't ibang komento sa mga naging rebelasyon ni KC.


MARK BAUTISTA. Sa gitna ng hiwalayang Piolo at KC ay nadadawit ang pangalan ng singer na si Mark Bautista.

Si Mark ay dating kasamahan ni Piolo sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.

Ngayon ay parte na si Mark ng katapat ng programa ng ASAP Rocks—ang Party Pilipinas ng GMA-7.

Sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central kahapon, December 4, ay diretsahang tinanong si Mark kung ano ang masasabi niya sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa breakup nina Piolo at KC.

Pero umiwas na magbigay ng pahayag ang singer.

Paliwanag ni Mark, "Naku, alam mo, ayoko nang magbigay ng comment.

"Pero alam mo, sabi ko, pabayaan na lang natin sila, sa problema nila, kasi personal issue nila yun, e.

"And ganun talaga dito, lalo na sa showbiz, kailangan i-embrace mo na lang yung mga ganung bagay."

Ito naman ang nais iparating ni Mark sa mga patuloy na nang-iintriga sa kanila ni Piolo:

"Wala na akong masasabi.

"Alam mo, alam naman nila kung ano yung ginagawa nila, kung mabuti ba or masama, and sila na rin yung magsasabi nun."  

CHRISTIAN BAUTISTA. Ipinagtanggol naman ni Christian Bautista ang mga kaibigang sina Piolo at Mark sa mga nang-iintriga sa mga ito.

Ayon kay Christian, "When we all go out, yun na agad, 'A, the three boys again!'

"Pero ganun, e, ganun ang industry and a...ang tagal na 'to!

"It's not new, it's not new.

"And Mark and Piolo have proven themselves time and time again, no matter merong isyu na ganito, they still survive.

"With these guys, kaya na nila, malakas na sila.

"Kahit ako, naano na rin ako na bading dati for the longest time.
"Pero ganun, e. It's part of the industry, e."

SOURCE

3 comments:

Anonymous said...

bakit po ganyan ung picture ang daming kamay? di marunong ung nag edit... (",)

Anonymous said...

Why the thumb nail of Piolo is of a female with polish? Could they posts a better and unedited picture?

Anonymous said...

ang mga epal n to, gumgwa n lng ng kwento, pati pag kka edit ng picture, bopol p, pano maniniwla s nyo yung nag bbsa, mga epal
s Dj Mo n lng ang i publish nyo d2, kulang yun s pansin, baka matuwa p s nyo un

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails