.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, November 22, 2011

RAMGEN'S SISTER, GAIL REVILLA, NEW SUSPECT FOR THE CASE!

IS GAIL THE MASTERMIND? Ayon pa kay Glaiza, si Ryan Pastera—alyas Bryan, na kasama niya sa fraternity—ang kumuha sa kanilang mag-nobyo para sumama sa plano.

Mula sa pahayag ng mga testigo at suspek, sinasabing si alyas Bryan ang contact ng mga mastermind at ng mga nagsagawa ng krimen.
Sabi rin ni Glaiza, nalaman niya na si Gail ang mastermind nang makipagkita ito kay Ryan.


"Galit na galit na nga daw po sa kanya [Ryan]... yung sina Gail, dahil nga raw ano na ang nangyayari, nauubos na yung pera.

"Tapos hindi naman daw namamatay si Ram.

"'O, bakit nandito pa 'to? Akala ko ba patay na 'to.' Ganyan. 'Ba't nakauwi pa 'to?'"

Salaysay pa ni Glaiza, Oktubre 29 daw nang tawagan siya ni Ryan at sabihing patay na si Ramgen.

Ang pumatay raw ay isang dating militar na inupahan nina Gail.

POSSIBLE STATE WITNESS. Sa Huwebes, Nobyembre 24, ay nakatakdang sumipot sa piskalya sina Glaiza at Norwin para isumite ang kanilang sinumpaang salaysay.

Ito ang hinihintay ng Parañaque police para matukoy kung dapat nga ba nilang sampahan ng kaso si Gail.

Ayon naman sa abugado nina Glaiza at Norwin na si Atty. Claire Castro, dapat maging state witness daw sa kaso ang kanyang mga kliyente.

"Wala silang participation. Parang nagkaroon lang sila ng information tungkol sa plano because naikukuwento sa kanila," sabi ni Atty. Castro.

Tumanggi namang magsalita ang kampo ng mga Bautista/Revilla tungkol sa mga ibinunyag ni Glaiza hangga't hindi pa naisusumite ang sinumpaang salaysay nito at ng nobyong si Norwin.

Panawagan naman ng pulisya, sumuko na sana si Ryan, o alyas Bryan, upang mas malinawan ang kaso at makumpirma ang mga inihayag ni Glaiza.

ALYAS BRYAN IS GAIL'S FRIEND. Sa report naman ng primetime news ng GMA-7, ang 24 Oras, na napanood din kagabi, maging ang social networking site na Facebook ay ginagamit na rin ng pulisya sa pag-iimbestiga sa kaso.

Sa isang fanpage sa Facebook—na hindi kilala ang gumawa at namamahala-naka-post ang video ni Gail nang ikasal kay Hero Furoyama nitong June 23.

Ayon sa Task Force Ramgen, isa sa mga bisita sa naturang kasal ang pinaghahanap pa ring suspek na si Ryan Pastera, o alyas Bryan.

Sinasabing malapit na kaibigan daw nina Hero at Gail si Ryan.

Kinumpirma naman ni Chief Inspector Ferjen Torred ng Task Force Ramgen na si Ryan, o alyas Bryan, nga ang nasa video.

Aniya, "Si Ryan nandidiyan. Oo, nandidiyan sa video."

Dagdag naman ni Senior Superintendent Billy Beltran, malaking tulong ang video sa pag-a-identify kay alyas Bryan.

Sabi ni Senior Superintendent Beltran, "Very helpful because mas clear ang images ng mga taong maaaring... hindi ko masabing involved, but can be helpful as a reference din talaga.
"And we will see kung gaano siya ka-material as we progress in the imbestigation."

Ayon naman sa personal assistant ni Ramgen na si Ronaldo Ancajas, hindi dumalo ang yumaong aktor sa kasal nina Gail at Hero dahil sa alitan ng magkakapatid.

May ilan ding hawak na litrato ang Task Force Ramgen na isinumite sa piskalya.

Dito ay kinilala ng testigong si Ruel Puzon si Ryan bilang si alyas Bryan.

Sa litrato, kasama ng ilang magkakapatid na Bautista si alyas Bryan.

3 comments:

KAPAMS said...

tsk tsk tsk

Anonymous said...

Mas maganda kung ang kunin mong source yung naka-exclusive ng balitang 'to, ang ABS hindi sa PEP...

Anonymous said...

PAMILYA NGA NAMAN ...TSK TSK TSK SANA LUMABAS ANG HUSTISYA

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails