.....

nufnang

nuffnang

Monday, September 26, 2011

TONI GONZAGA AYAW NANG PATULAN ANG SI MARIEL!

Maikli lang ang naging pahayag ni Toni Gonzaga sa The Buzz kahapon, Sunday, September 25, nang tanungin ng co-host niyang si Boy Abunda kung ano kanyang panig sa panibagong isyu sa kanila ni Mariel Rodriguez. 

Kaugnay ito ng text message daw ni Mariel sa entertainment columnist at talk show host na si Ricky Lo na "Toni can't stand her [Mariel]." Na parang pina-plastic lang daw ni Toni si Mariel. 

Ang lumalabas pa, si Toni ang ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Mariel na umalis sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! at lumipat sa TV5.

Sabi ni Toni sa The Buzz, "I've learned about this, I think Wednesday [September 21] no'ng na-publish 'yon. I texted Mariel right away. 


"Sabi ko, 'What happened?' Because before she stopped attending Happy Yipee Yehey!, we had a good talk... We are okay.

"Actually, up to now, we are okay. So, I didn't know where all these are coming from.

"And, uhm... of course, kung anuman ang napag-usapan namin ni Mariel, sa amin na lang 'yon.

"Pero this is to assure everyone na Mariel and I, we're okay. We are in speaking terms.

"Hindi na mauulit 'yong dati na inakalang meron kaming misunderstanding o may rift. Wala pong gano'n ngayon.

"Kung ano po 'yong nangyari diyan at kung ano po ang nabasa natin, I don't think I can answer for Mariel. 

"But for myself, I will not say anything against Mariel because sa halos limang taon na nakasama ko si Mariel, she has been a sister to me. 

"And like what I always say to her... I will always wish the best for her."

MORE CLARIFICATION. After the show, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni para sa karagdagang mga katanungan hinggil sa usapin na naman na ito sa pagitan nila ni Mariel.

"Magkausap kami kahapon," aniya. 

"Okey kami. Manonood nga siya ng concert ko."

So, parang siya pala ang pinaplastik ni Mariel kung gano'n? Okey sila kapag magkausap, pero sa talikuran, may mga hindi magandang nasasabi ito sa kanya?

"Hindi ko alam. Ay, kayo ha! Baka mamaya ang dating, sa akin nanggaling 'yan, ha?" natawang reaksiyon pa ni Toni.

Pero dugtong niya, "Hindi ko alam. Siyempre mahirap magsalita. Hindi naman ako ang nagbitaw ng gano'ng salita.

"Pero ang importante naman sa akin ngayon, e... kung anuman 'yong napag-usapan namin, okey na kami. Nag-usap na kami.

"Sinabi ko nga sa kanya na, 'Oy, ano na? Mag-aano na raw ang The Buzz, magpi-feature sila ng story.'


20 comments:

yes said...

SYEMPre...GAWAgawa nlng yan cguro ng tv5 KC para mpag usapan si mariel kc lilipat sya dun...

DIbA???????

Anonymous said...

tama ung nsa taas..press release yan o ung tntwag n strategy to let the people recognize that mariel will be in Kaptid Network

Anonymous said...

tama... strategy lang yan ng TV5... c mariel gnagamit c toni sa plastikan para mapag-usapan sa kanyang paglipat at gaya din ni Nora gnamit din ang abs-cbn para mapag-usapan sya at ng kanyang mini serye... TV5 tambakan ng mga Laos!!!

Anonymous said...

buti naman umalis na si mariel, nakakainis lang pagmumukha nya sa HYY, dun na lang sya wil time bigtime, bagay nya kasama si illie purong yabang at manggagamit! DIKA KAWALAN SA ABS, LUBOG KANA NOON PANG PINKASALAN KA NI ROBIN..

Anonymous said...

pls wag natin suportahan ang show ni nura unor

yes said...

Itong TV5 n toh..parng pang pa gulo lng toh..or pina p away un mga artista eh wala p nman n ptuyan s mga taob n mga SHOW nila...

si AGA unang araw lng mtaas un rating..2nd day bagsak n...

at nka ilang teleserye n b un tv5?? MAY nangyari b?

yes said...

kya itong mga artesta n toh..sarap sapakin eh...ok p si bentong eh sabe nila mukhang basura pero sa ugali nman mukhang angel....

si WILLIE...mukhang angel daw...pero s ugali mukhang imborNAL...TAPOs kanpihan p nga mga kalat kalat n basura n galing s ibng network.

yes said...

yessssss hwag suportahan yan...

Anonymous said...

read this article

http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/14097-anne-criatine-dont-bare-true-feelings-for-derek-ramsay

kakahiya ka toni... ang totoong kaibigan marunong magpatawad. ikaw pala ang plastic. pweh

Anonymous said...

SOURCE: Published : Monday, September 26, 2011 00:00
Article Views : 51
Written by : Chit Ramos
http://www.journal.com.ph/index.php/entertainment/showbiz-news/14097-anne-criatine-dont-bare-true-feelings-for-derek-ramsay

NATUKOY na ang dahilan kung bakit natuluyang lu-mayas si Mariel Rodriguez (Mrs. Robin Padilla) sa ABS-CBN.

Wala nang ka-prenu-pre-no ang usap-usapan sa mismong ABS-CBN ground, lalo na sa Gramm’s, kung paano bigyan ng cold shoulder ni Toni ang dating kaibigang si Mariel. No matter how much Mariel tried, her efforts were all in vain. Kung tutuusin, napakaliit ng pinagmulan ng Mariel-Toni war. Bina-bad mouth daw ni Mariel si Toni. Nag-make face daw at ginagaya-gaya ang pagkaduling o solimpat ni Toni. Duling nga ba? Solimpat? Parang hindi naman. Nagbati na sila at mismong si Mariel ang nag-effort na humingi ng dispensa kay Toni. Kaso, patuloy raw ang galit ni Toni. Kaya, baboo na lang si Mariel sa Happy, Yipee, Yehey! Kahit kasundo naman niya sina John Estrada, Randy Santiago, Rico Puno at Pokwang, nanalo si Toni.

But Toni can never put a good woman down. May work agad na naghihintay kay Mariel sa TV5. At co-host pa siya sa Willtime, Bigtime ni Willie Revillame. At tulad nina Nora Aunor, Aga Muhlach, at Edu Manzano, magiging masayang-masaya na si Mariel. May Robin na, may Willie pa! Kainggit-inggit nga si Ma-riel, ‘di ba Toni?

yes said...

kainggit B???

no NEED tonI...

may hangganan ang lahat...

hanggang san? or hanggang kailan b may WILLIE n dapat nila luhodan at hingean ng TUloy....?????

Anonymous said...

mga laos

Anonymous said...

nakakatuwa naman. pinag uusapan dito ABS at TV 5 lang.

Pag usapan nyo naman po ang GMA.

hahahahaha

the No3. network

Anonymous said...

kaya nga pinag usapan kasi mga laos.engot ang nasa taas

Anonymous said...

^mas engot, yung mga laos pa daw pinag-uusapan..HAHAHAHA

Anonymous said...

hindi ingot epal hahaha.

akalain mong sabihin na kaya pinag-uusapan ay dahil mga laos hahaha. di marunong umintindi. pero pagdumami na talaga star ng tv5 at mga top endorsers pa like aga, sharon, robin, sarah at madami pa baka nga isa sa abs at gma ang maging number 3 tv station hehehe

Anonymous said...

dapat talaga maalarma si toni kasi baka di na siya makilala bilang artista pag sumikat na ang tv5. nang umalis si mariel tumaas ba ang ratings ng hyy nitong september? o baka naman lalong bumaba ang rating hehe. ang alam ko sa mega manila pa lang lalong bumababa malapit mag single digit.

Anonymous said...

Hay kaiinis, pag usapan nyo naman po ang GMA.

NAgmagmamakaawa napo ako.

sana tumaas na rating namin. sana mag no 2 na kami. from no 3

Anonymous said...

I like both mariel and toni. Maganda yung chemistry nila when they were still hosting pbb. Sayang lang at nagkalamat nung nag-away sila pero ganun talaga, normal na yan sa magkakaibigan ang magkasamaan ng loob. I just hope na sana, mabalik yung partnership nila sa pbb kasi I like them as well as Bianca G. na mga hosts ng pbb kasi magagaling, witty at alam nila ang ginagawa nila. Basta I just want to wish mariel all the happiness sa paglipat niya sa tv5. And for toni, just be happy and good luck sa concert mo.

Anonymous said...

aayyyy nako ang mga tao nga naman... ee lahat naman ng mga channels naglolokohan, naggagayahan. Kanya- kanyang strategy para lang mapag-usapan at kumita..ganyan ang buhay ng mga nasa showbiz...GMA 7, ABS- CBN, TV 5 pare-parehas lang yan, mas maganda pa nga ang channel 13 at 25 ee atleast naeentertain ka na nagfeed pa ung utak mo ng mga lessons kaya mga kaloka kayo, so much affected kayo dyan!!!!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails