Inilipat nanaman sa 2:30 time slot ang mas pinaikling Pilipinas Win na Win upang bigyang daan ang bagong hari ng Kapamilya noontime, ang Showtime! Ito ay marahil isang pagtatangka na maisalba ang naghihingalong noontime line-up ng dos na maging sa National TV Ratings ay nauungusan na ng Eat bulaga. Matatandaan na ilang beses na inilipat ng time slot ang Win na Win, at ilang beses na ring nagkaroon ng pagpalit ng mga hosts nito, ngunit mukhang walang magandang feedback ang mga manonood dahil patuloy ang pangunguna ng kalabang programa.
Ayon sa Corporate Communications head na si Bong Osorio "The changes in programming schedules are in response to the ever-changing needs and demands of our viewers. We aim to serve them the best way we can via new schedules and programs,”