.....

nufnang

nuffnang

Friday, November 15, 2013

MARIAN RIVERA ADMITS FIRST MOVIE WITH STAR CINEMA NOT A HIT!

Masaya si Marian Rivera para sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes dahil sa naging magandang resulta sa takilya ng huling pelikula ng aktor sa Star Cinema, ang She’s The One.

“Lahat naman ng movie ni Dong, e, successful. Happy ako para sa kanya,” nakangiting sabi ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ginanap ang interview sa launching ni Marian bilang Ginebra San Miguel calendar girl for 2014, noong Miyerkules, November 13, sa Historia Bar and Restaurant, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.


Napanood na ba niya ang pelikula ni Dingdong?

Pag-amin ng Kapuso actress, “Hindi ako nakapanood bilang ang busy ko nun, tapos nagpunta akong Vietnam.

“Noong premiere night, humabol ako, pero nakakahiya naman kung noong kalagitnaan ng movie e papasok pa ako.

"So, tinapos ko na lang bago ako nakipag-meet sa kanya.”

Aware naman si Marian na hindi maiaalis pagkumparahin ang naging resulta sa takilya ng mga pelikula nila ni Dingdong, na ilang linggo lamang ang pagitan nang ipalabas ang mga ito sa sinehan.

Naunang ipalabas ang Kung Fu Divas nina Marian at Ai-Ai de las Alas noong October 2.

October 16 naman nang magbukas ang She's The One, na pinagbidahan nina Dingdong, Bea Alonzo, at Enrique Gil.

Tanggap daw ni Marian na mas kumita ang pelikula ni Dindgong kaysa sa pelikula niya.

Nakangiting sabi niya, “Okay lang, ganoon talaga ang buhay.

“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, blockbuster ka.

"Ang importante, masaya kami ni Ate Ai-Ai, kami at ng direktor [Onat Diaz], kung anuman ang income.

"At may mga taga-ibang bansa na gustong kuhanin ang pelikula namin.“At, aaminin ko na kumita kami, hindi nga lang ganun kalaki.”

Bukod sa pagiging mga bida sa Kung Fu Divas, co-producers din sina Marian at Ai-Ai sa pelikula.

Masusundan pa ba ang pagpuprodyus niya ng pelikula?

Mabilis na sagot ni Marian, “Oo naman, hindi ako madadala sa magandang proyekto.

"Pag-aaralan din nang mabuti, dahil hindi naman biro ang nilalabas ng isang producer.”

5 comments:

Anonymous said...

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, blockbuster ka.", sabi ni Marian. Ang problema, sa lahat ng pagkakataon ay hindi sya blockbuster...

Anonymous said...

^
^
^
AGREEEEEEE LIKE NA LIKE ANG COMMENT MO

Anonymous said...

UUNAHAN KO NA ANG MGA FANS NI MARIAN DYAN:

Please, before blaming ABS-CBN and Star Cinema, sana ay mag isip muna kayo...

Totoo na maliit lang ang kinita ng movie nila Marian with Star Cinema, eh bakit ang mga movies ba nya with GMA Films, kumita ng malaki???

Dapat thankful kayo, kasi pag nagkataon na under sa GMA Films yun movie nila, maswerte na kung maka-"break-even" sila...

Finally, if there is someone to be blames, yun ay ang mga Kapuso na hindi nanood ng movie. Hindi ba die-hard fans kayo ni Marian, and you even consider her a queen...

marry gamboa said...
This comment has been removed by the author.
marry gamboa said...

WATCH PINOY TV HERE IN HD CLICK HERE

WATCH FULL MOVIE CLICK HERE

WATCH PINOY TV LIVE CLICK HERE

LIKE US ON NEW FB PINOY HD MOVIE UPDATE

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails