.....

nufnang

nuffnang

Monday, March 25, 2013

ABS-CBN: KRIS AQUINO SHOULD FULFILL HER CONTRACT!


Ipagpatuloy ni Kris Aquino ang kanyang kasalukuyang mga programa sa ABS-CBN, kahit na inanunsiyo nito ang kanyang pagre-resign.

Ginawa ni Kris ang announcement ng pag-resign sa kanyang mga trabaho sa panayam sa kanya ni Ted Failon sa TV Patrol noong Huwebes, March 21.

Ito ay para raw mag-concentrate siya sa pag-aalaga sa dalawa niyang anak at upang mailayo sila sa mga kontorbersiya.


Tatlo ang kasalukuyang programa ni Kris sa ABS-CBN: ang daily morning program na Kris TV, ang primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw, at ang weekly talent search na Pilipinas Got Talent.

 Upang malinawan kung ano ang mangyayari sa mga programang ito matapos ng announcement ni Kris, nagpalabas ng press statement ngayong araw, March 23, ang Kapamilya network, sa pamamagitan ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications Head na si Bong Osorio.

Nakasaad dito na makikipag-meeting ang mga executives ng istasyon kapag nakabalik na si Kris mula sa nakatakda nitong European vacation.

Kasama ni Kris sa bakasyon ang mga anak na sina Josh at Bimby. Magsisimula ang bakasyon ngayong araw.

Sa ngayon, hindi malinaw kung nakaalis na sina Kris, Josh, at Bimby o paalis pa lang papuntang Europe.

Libre nang makaalis ang mag-iina matapos ibasura ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang petition for a Hold Departure Order ni James Yap laban kina Kris at Bimby kahapon, March 22.

Ayon sa statement ng ABS-CBN: "Upon her return, Kris will fulfill her commitment to her soap 'Kailangan Ko'y Ikaw,' which is nearing its end.

 "She will also have to stay as a judge in Pilipinas Got Talent till its end in June. Being a foreign franchise, there are commitments we have to fulfill and rules we need to abide by."

Tungkol naman sa daily talk show nito, “Kris TV had taped advanced episodes in anticipation of her long planned vacation with her sons."

Hindi naman malinaw kung magti-taping pa si Kris sa Kris TV pagbalik nito.

Sa huli, ayon sa statement, "Meanwhile, we wish Kris and her sons a peaceful and restful vacation. We respect her need for privacy at this difficult time."


6 comments:

AnyarehGME? said...

Kris already announced that she will be resigning sa lahat ng shows niya. Pero ang ABS-CBN ang nagsabi na hindi pwede dahil may KONTRATA siya at kung aalis siya pwede siyang kasuhan ng Breach of contract. Tapos sasabihin ng iba na sinungaling daw si Kris kasi hindi naman tutupad sa usapan, paano siya tutupad eh MISMONG ABS-CBN ang NAGSABI na HINDI siya PWEDENG MAGRESIGN dahil may EXISTING CONTRACT pa siya. Kaya sa mga nagmamalinis diyan, bago niyo ijudge si Kris, siguraduhin niyong malinis at busilak kayo. bwahahahahaha

Anonymous said...

alam nio ang chanel 2, 1.7 billion ang net ksali na jan ang skycble at iba pang compamya na di tv;pero ang GMA ay may 1.6 billion plus na net na walang skycble;__IBIG sabihin na MAS KUMIKTA ang GMA 7 kaysa sa abs!

NUTAM 2012 abs 32, GMA 36!

Anonymous said...

Ha ha ha sure ka na gma lng yung kita. Basahin mo nga ng mabuti yung news item. Yung kita ng gma kasama dun yung mga affiliates nila radio film outfit pinoy tv saka yung ibang businwss under ng gma....magcomment ka palpak.

AnyarehGME? said...

Anonymous said...
alam nio ang chanel 2, 1.7 billion ang net ksali na jan ang skycble at iba pang compamya na di tv;pero ang GMA ay may 1.6 billion plus na net na walang skycble;__IBIG sabihin na MAS KUMIKTA ang GMA 7 kaysa sa abs!

NUTAM 2012 abs 32, GMA 36!

March 25, 2013 at 6:47 PM

------------------------------

Alam mo teh, GASGAS na yang rason mo. Huwag mong igaya ang Kapamilya sa inyong mga BOBONG KANGUSO na WALANG LAMAN ang mga UTAK kundi HANGIN, NOODLES at SARDINES. bwahahahaha! Ang Dos, pagod na sa napakalaking Net at Gross income. Habang ang GME ay pagod na dahil LUGMOK, BAGSAK at NALILIGO na sila sa PUTIK dahil sa basurang kita ng GME at HINDI na pinapasukan ng Ads, gets mo? bwahahahahaha!

Anonymous said...

imgine YUNG CHNEL 2,31BILLION ANG GROSS PERO HALOS PANTAY LNG SA GMA ANG NET NILA?MAS MARAMING COMPANY ANG 2 KAYSA 7 PERO PAREHAS LNG ANG KITA; SABAGAY LUBOG KSI SA UTANG ANG 2;SAMANTALA ANG 7 ALMOST ALA UTANG;YUNG ADS RATE NG 2 PACKAGE kc at discounted ; KAYA YON MABABA ANG INCOME NET ng 2

Anonymous said...

^
^
^
Isa pang bobo ang nasa itaas...

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails