.....

nufnang

nuffnang

Wednesday, February 20, 2013

YES! REVEALS: MAJA STAINED KIM'S TRUST BY ENTERTAINING GERALD!


May kinalaman sa pagtitiwala ang lumalabas na puno’t dulo ng alitan ng dating matalik na magkaibigang Kim Chiu at Maja Salvador.

Sa special report ni Candice Lim-Venturanza para sa YES! March 2013 issue—na may titulong "Is Love Thicker Than Friendship?"—ilang sources ang nagtahi-tahi ng kuwento tungkol sa pinag-ugatan ng isyu ngayon sa pagitan nina Kim at Maja.



Lumalabas na may direktang kinalaman ang young Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kung anuman ang namamagitan sa dalawang Kapamilya actresses.

Balitang nagkakamabutihan ngayon sina Maja at Gerald, na ex-boyfriend naman ni Kim.

Ayon sa isang source na malapit sa pamilya ni Kim, si Maja ang naging sandalan ni Kim noong magkaroon ng problema ang relasyon nila ni Gerald.

“Siyempre, nasaktan ni Gerald si Kim no’n—first love, e. It came to a point na parang hopeless na si Kim, pero si Maja 'yong nagbibigay ng lakas ng loob. Maraming advice si Maja kay Kim na, ‘Wag mo nang isipin ‘yan. Hayaan mo na ‘yan, may iba ka pang mahahanap,’” pahayag ng source sa panayam ng YES!.

Dito raw nanggagaling ang sinabi ni Kim—sa isang presscon noon ng Ina Kapatid Anak, ang teleseryeng kasalukuyang pinagsasamahan nina Kim at Maja—na “kinain” lang ni Maja ang mga sinabi niya.

Dagdag pa ng source ng YES!, “Wala namang pakialam si Kim kay Gerald.”

Ito ay dahil naka-move on na raw si Kim sa breakup nila ni Gerald tatlong taon na ang nakararaan.

“Pero she really felt bad about the situation dahil si Maja pumatol kay Gerald, in-entertain niya si Gerald.”

Hindi lang daw kasi kaibigan ang turing ni Kim kay Maja kundi isa nang “pamilya.”

Paliwanag pa ng source, “Bilang kapatid, bilang part ng life niya, siyempre automatic na hands-off na dapat.

“Kung may delikadesa ka, di ba?”

Tungkol naman sa estado ng relasyon nina Maja at Gerald, isang source na malapit sa pamilya ni Kim ang nagsabing, “…hindi lang nanliligaw si Gerald—sila na.”Sa report na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, nag-date sina Maja at Gerald noong Valentine’s Day sa Antonio’s restaurant sa Tagaytay City. Sumakay pa raw sa helicopter ang dalawa papunta sa kanilang dinner date.

Para sa kabuuang report sa istoryang ito nina Kim, Gerald, at Maja, basahin ang March 2013 issue ng YES! na magiging available sa leading newsstands and bookstores simula bukas, February 20.

10 comments:

Anonymous said...

Kim move on :(( Andyan na si Xian Lim inlove ka pa din ba kay Gerald na ayaw mo sya lumigaya sa piling ng kaibigan mo :(( Ikaw lang ba ang may karapatan kay Gerald . Or publicity ba yan para sumikat ka kasi di ka na masyado sikat kailangan mo naman magpapansin sa mga producer para magka project pagkapatapos ng Ina KapatidmAnak

Anonymous said...

Minsan talaga ang love ganyan. Hindi naman yan namimili. When the heart beats, it beats. Malay mo naman,talagang nagkagustuhan sila. Di naman asawa ni Kim si Gerald. At baka magkasundo sina Gerald at Maja. Di pwedeng lagyan ni Kim ng restriction si maja kahit kaibigan o kapatid niya pa ito. Daming ganyan yung ex ng isa nagiging asawa ng kapatid.

dexter said...

ganyan un BUHAY..hnde maiwasan n un tinapon mo..ay PUPULUTIN din ng iba...

med u msakit lng kay KIM kc un tinapon nya FRD nya un nkapulot...

i understand u KIM...but pls be hppy nw kc may XIAN kna..hyaan u n sila...cuz hnde rin ttgal mga yan hehehehe....(JOKE)

cris candido said...

hay naku maja kung kumati kamutin mo nalang kasi. di yong basta basta ka nalang pumatol sa tao na dati ay sinisiraan mo rin kay kim nung si kim ay may problema sa taong nakipaglandian ka ngayon. Well, sanay ka naman sa tira tira.

Anonymous said...

Hanep ang kapamilya stars, chopper na ang peg sa date, meron kaya nito sa kapuso?

Anonymous said...

move on kim! malay mo, mas compatible si maja at gerald. diba diba? wag kana bitter. hindi sayo ang buhay ng dalawa. hindi sa lahat ng pagkakataon, ikaw ang iintindihin nila. paano kung nagmamahalan sila? pipigilan mo? sino kaba? ikaw ba bubuhay sakanila? hay nako, anjan na nga si xian, edi sya na pagtuunan mo ng pansin. at hello.. lalaki lang ba ang sisira sa friendship niyo ni maja? at hello! 3 years na nga diba? di lang makamove on???

Anonymous said...

Kung makareact naman ang kim akala asawa niya si budoy! Ano akala niya sa kaibigan niya? Aso? Na susunod sa gusto niya? Agree! May xian na siya, so baket niya iipitin si maja sa sitwasyon na walang kasigaruduhan. I mean, single naman sila both at tatlong taon ng tapos ang kimerald 3 years ago tas kung makadrama akala mo kagabi lang nagbreak. Dirty game niya ang magpaawa at tama ako kinagat naman ng fans niya ang mga laro niya

cregene04 said...

....alam nyo hindi bitter si kim.nagulat sya kasi yung kaibigan na pinagkwentuhan nyang mga problema nila ni gerald ay naisip pang patulan yung lalaking yun.babaero kaya yun.niloko na din nya si SARAH.kapal ng muka. .asahan nyo na hindi rin sila tatagal ni maja. .

Anonymous said...

Ou nga naman kim.pbyaAn m0na clang dalawa,kung tutuusin mai xian lim kna.na hnd k2lad ni Gerald na kht cnung bAbae nai isSue.hayaAn m0na cea ganean tlga ang ta0ng hnd kuntento sa isa. .mkarma din yan blang araw. . .kai xian knlang mag f0cus para lage kang hapPy. . .

Anonymous said...

I understand Kimmy. An ex is an ex. He will always have a special spot in your heart lalo na't may pinagsamahan kayo. Ibang iba yun sa hindi ka pa nakakapagmove on. Pansin naman natin na nagmature tlga si Kim,talking about romantic relationships nang maging sila. Normal na maapektuhan siya hindi dahil may feelings pa siya kundi dahil hindi niya inakalang si Maja the least she ever expected. Stay Happy Kim <3

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails