.....

nufnang

nuffnang

Monday, July 2, 2012

AI AI LILIPAT NA RIN SA KAPATID NETWORK?

SA December 2012 ay mag-e-expire na ang kontrata ni Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas sa ABS-CBN kaya ina- abangan ng TV5 kung magre-renew pa ba ang komedyana sa Dos o balak na nitong lumipat sa ibang TV network.

Ayon sa aming source, noon pa interesado ang TV5 na kunin ang serbisyo ni Ai-Ai pero dahil nga may kontrata pa ito sa ABS-CBN, hindi muna sila nangungulit sa pakikipag-usap dito.

“Pero hindi nawala ang interes ng TV5 kay Ai-Ai. Ngayong mag-e-expire na ang kontrata niya sa ABS-CBN, mas bukas para sa negosasyon,” pagsisiwalat ng aming source.

Magiging “reyna” raw ang turing ng TV5 sa komedyana kapag lumipat na ito.

“Ai-Ai is a box-office queen, she’s a money-maker. Lahat ng pelikula niya ay kumikita, natural lang na reyna rin siyang ituturing ng TV network na kukuha sa kanya,” dagdag pa ng aming source.

Hindi pa namin nakukuha ang reaksyon ni Ai-Ai sa isyu ng paglipat niya sa TV5 kung saka-sakali dahil nasa ibang bansa pa ito at sa July 13 pa ang balik.

If ever na matuloy ang paglipat ni Ai-Ai sa TV5, hindi kaya maging isyu na ang kaibigan niyang si Megastar Sharon Cuneta ang nag-impluwensiya sa kanyang lumipat ng ibang network?

Matatandaang naging very close si Ai-Ai kay Sharon nu’ng time na ginagawa nila ang pelikulang Best Friends Forever ng Star Cinema.

Ai-Ai’s last film with Star Cinema ay ang MMFF movie na Enteng Ng Ina Mo nu’ng December of 2011 na naging top grosser. Meron sana siyang filmfest entry ngayong taon pero minabuti niyang i-decline ang alok ng Star Cinema dahil alam niyang makakatapat ito ng pelikula ni Vic Sotto na itinuturing din niyang matalik na kaibigan.

Hindi na rin nakipagsosyo si Ai-Ai kay Vic at Sen. Bong Revilla kahit pa wala siyang filmfest entry.

“For delicadeza, hindi na talaga sumosyo si Ai-Ai. Malaki sana ang kikitain niya, pero  hindi lang naman pera-pera ang labanan dito, eh. Importante pa rin ’yung prinsipyo at kung ano ’yung binitiwan mong salita,” pahayag naman ng isang malapit sa Comedy Queen.

5 comments:

FOR SALE said...

pwdeee..kc tampo si AI AI dhil s MMFF..

but tingnan nlng ntin NXTYER p nman un....soooo..MDAMI pwdeee magbago..

Anonymous said...

eh di lumipat ka, kung gusto mo matulad kay sharon hahahahaha

papayag ba yung baboy na ikaw ang maging reyna?

Anonymous said...

^^^ Then if she does, she will be the soon-to-be-lugi nextwork's latest pirated talent!

Anonymous said...

1-2-3-goooooooooooooooooooooo

Anonymous said...

Wag ka nang lumipat Ms. Ai, tandaan mo na hindi ka sisikat kung hindi ka ipinalit kay Ruffa Mae na umalis sa ABS at lumipat sa GMA...

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails