.....

nufnang

nuffnang

Thursday, June 7, 2012

TV5 TATALBUGAN ANG PROTEGE AT X-FACTOR NG P20 MILLION GRAND PRIZE!

Hindi naman pala employed sa TV5 ang dating executive ng GMA 7 na si Ms. Wilma Galvante.

Tinupad lang pala niya ang plano niyang magtayo ng sariling academy na magsisilbing eskuwelahan ng mga gustong pumasok sa showbiz except sa technical aspects – mula sa pag-aartista hanggang sa pagiging executive producing.

Binuo niya ang Asian Acade­my of Television Arts (AATA) na siyang magti-train sa ilulunsad na pinaka-malaking artista search ng TV5, ang Artista Academy na bonggang-bongga ang iuuwi ng mananalo – hold your breath – almost P20 million.


Yup, tumataginting na P20 M ang nakalaang ibigay ng TV5 para sa biggest and most intensive artista search nila. Sisimulan ito sa isang malawakang grand auditions na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa Hunyo 19, Martes.

Naghahanap ang Artista Academy ng mga kabataang edad 16-21 na tatanggap ng full scholarship sa Asian Academy of Television Arts (AATA) kung saan nila pag-aaralan ang sining ng pag-aartista kasama ang ilan sa pinaka-respetadong pangalan sa pelikula at telebisyon – kabilang ang multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang music master na si Louie Ocampo, ang dance guru na si Georcelle Dapat ng G Force at ilan pang pinakatitingalang propesyonal sa industriya.

Mahigit P20 M na pa-premyo ang matatanggap ng mga tatanghaling Best Actor at Best Actress ng Artista Academy. Bukod sa masusing training na pagdadaanan nila sa AATA upang maging next big stars ng TV5, sila rin ang tatanghaling pinakamayamang winners sa kasaysayan ng lahat ng naging talent searches sa bansa.

Magsasama sa Artista Academy ang TV director at Head ng TV5 Talent Center na si Mac Alejandre at ang kilalang Entertainment executive at AATA Head na si Wilma Galvante, na uupo rin bilang principal ng Artista Academy. Pareho sila dating magkasama sa GMA 7.

Ang mga interesadong artistahing kabataang edad 16-21 ay inaanyayahang magdala ng kopya ng kanilang birth certificate, valid ID, at ang kanilang best glam pictures sa Artista Academy grand auditions na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa June 19.

Teka dahil sa malaking kikitain, hindi kaya ang ibang mga nag-aambisyon ay tumigil na sa kanilang pag-aaral at sumali na lang sa mga artista search? Na kung hindi papasa sa TV5 ay meron din ang ABS-CBN at GMA7?

Pero sabi nga ni Tito Mario Bau­tista, ma­nalamin muna ang mga gustong sumali. Pag nakita n’yong hindi kayo masyadong kagandahan o kapogihan, mag-isip-isip. At ang mga tao naman sa paligid, ‘wag bigyan ng ilusyon ang kabataang alam nilang hindi masyadong artistahin.

4 comments:

mOST wanTED said...

CGE TALBUGAN KAYO...WHY NOT

PERO ANG TANONG DITO S TATLO N ITO EH SINO ANG MAS SISIKAT AT AABANGAN
NG MGA TAO.

PROTEGE?
X-FACTOR PHIL?
ASIAN ACADEMY?

Anonymous said...

dagdag starletssssssssss at starlesssssss

Anonymous said...

HEHEHEHEHE AMBOT SA LANGAW NGA PULA UG LUBOT KAININ NINYO YAN PURO DAL DAL WALANG NAPATUNAYAN. ULTIMO RATINGS WALA GANI NAG RATE. DAGKO BAYAD ANG ILANG ARTISTA WALA NAMANG GINAGAWA. HAHAHAHAHA LUGI 5 NALANG KAYO.

Anonymous said...

^^^ Agreed. Such a desperate attempt by TV5.

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails