.....

nufnang

nuffnang

Thursday, June 28, 2012

SHOWBIZ CENTRAL KUMPIRMADONG TITIGBAKIN NA!

TOTOONG mawawala na ang Showbiz Central ng GMA 7, pero mali ang balitang hanggang sa Linggo na lang mapapanood ang showbiz talk show na iniho-host nina Pia Guanio, Jennylyn Mercado, John Lapus at Raymond Gutierrez.

Simula sa Linggo ay limang beses pa itong mapapanood at hindi totoong isang horror anthology ang pansamantalang papalit dito.


Sa halip, papalitan ito ng isang bagong talk show na iho-host ng isang singer/actress kasama ang dalawa sa apat na hosts ng Showbiz Central.

Ayaw pang i-announce ng GMA 7 management ang bagong showbiz talk show na papalit sa Showbiz Central, pero gusto nilang klaruhin na hindi totoo ang pinalalabas ng iba na hanggang Linggo na lang ang showbiz talk show na ‘yon.

Sabi sa akin ng isang executive ng Siyete, nakalimang taon na ang Showbiz Central at hindi masama kung tapusin at palitan nila iyon ng ibang showbiz talk show.

Sabi pa ng Kapuso network executive na kausap ko, mas maganda at mas exciting ang bagong showbiz talk show na papalit sa Showbiz Central, kaya umaasa sila na mananatiling loyal sa timeslot na ‘yon ang followers ng magsasarang showbiz talk show.

15 comments:

Anonymous said...

e di ba sa agb ratings laging mataas ang ratings nito...

so ibig sabihin di pala totoo hahah...

eh kung malakas kasi bakit titigbakin....

TIGILAN NA KASI ANG PANLILINLANG...ALAM NG MGA TELEVIEWERS AND ADVERTISERS ANG TOTOO!!!

dexter said...

SOOOOO ITS MEAN'S TITIGBAKIN PARIN...

UN LNG UN EH..EDI TAPOS...

BYEEEEEEEEEEEE....

Anonymous said...

Tigbak agad after revamp... as Comedy Bar did..

Anonymous said...

Ayaw pang i-announce ng GMA 7 management ang bagong showbiz talk show na papalit sa Showbiz Central

- ayaw pa i-announce, paano walang maisip na itatapat sa THE BUZZ na hindi nila matalo-talo sa ratings at ganda ng production, at galing ng mga host...

Sabi sa akin ng isang executive ng Siyete, nakalimang taon na ang Showbiz Central at hindi masama kung tapusin at palitan nila iyon ng ibang showbiz talk show.

- naka 5 years na ang showbiz central, pero hindi pa din malagpasan o mapantayan man lang ang ratings ng THE BUZZ...
5 years na talunan, hindi na kinaya, at wala pa maisip na papantapat sa THE BUZZ....
Kanguso festival na naman.....
Kamusta naman? hahah.....

Anonymous said...

Kaya hindi pinapanood and showbiz Central kasi hindi naman sikat and mga pinag-uusapan. Puro kasi kapuso ang topic doon. Ibig sabihin lang, mas pinapanood and The Buzz kasi puro Kapamilya ang topic, meaning mga sikat. Saan ka nga naman tututok kundi doon sa kilala mong artista at sinusundan mong istorya ng buhay nila.

Anonymous said...

hay salamat mababawasan na ang palengke usapan aside from trashy paparazzi at juicy

Anonymous said...

DATI GANYAN DIN ANG NGYARI SA SOP...press release na mataas ang ratings..biglang tsinugi hahahahah

YUNG PROGRAMA DIN NI BITOY EVERY SUNDAY DI BA ANG RESULTA SA AGB LAGING MATAAS PERO BAKIT TINIGBAK? eh pano kasi ang totoo mababa talaga ang ratings kaya tinanggal...naku kung kumikita yan hindi yan titigbakin hahahahha...

eh ngayon ang party pilipinas laging mataas ang ratings pero wag ka baka bigla na ring tigbakin yan hahahahah.....

Anonymous said...

^^^
Did you mean Bitoy's former program BFV?

Anonymous said...

di na kasi nag bebase ang mga executives ng network ngaun sa AGB. , sa kantar na sila nagbebase ng mga ratings result. . , asap, luv u at the buzz. . , big 3 tuwing linggo yan . . ., Floppy pilipinas na ang susunod na titigbakin , nauna na kasi ang tween hearts, susunod na rin ang showbiz central. . hahahha

Anonymous said...

kaya pala mas naunang natsugi un....ung sunday talk ata ng abscbn..i forgot ung title..

GMADoubleNo1Where? said...

^

Gawa-gawa din ng kwento teh? Anong Sunday Talk ang mas unang natsugi kesa dun sa SOP at yung ibang sunday shows ng GMA? Kasi ang pagkakaalam ko, The Buzz lang ang tanging Sunday Talk Show ng ABS-CBN at wala ng iba ;)) Kaya mga TALUNANG Kapuso, NGANGA na naman kayo ;)) AHAHAHAHAHA

Anonymous said...

Mas gusto ko pa dati ung Juicy with icy and alex g. nung biglang pinasok na sina shalala @ cristy yaikss! hnd ko na pinapanood.

Anonymous said...

sa itaas ko. ., nu pakialam namin. . .

Anonymous said...

ay hehe.. totoo pala ito. naku naman kase. bakit nio lage sinasabi na mataas. sa limang taon nila limang taon din nila linilinlang ang kanilang mga televiewers.. hehehe
THE BUZZ vs. SHOWBIZ CENTRAL..
Winner THE BUZZ!! ahahaha :)
good luck za bagong walang kwentang TALK show NIO>>

Anonymous said...

mas feel mo kasing mapapanoud ang the buzz.. At saka panglahatan sila, heart to heart na usapan at di ka ma bobored. I love the buzz..

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails