.....

nufnang

nuffnang

Friday, June 22, 2012

KRIS AQUINO PLANS TO HAVE HER OWN TV STATION!

MASKI na ilang beses nang itinanggi ni Kris Aquino na hindi siya kakandidato sa taong 2013 ay may haka-haka pa ring baka manggulat na lang ang TV host/actress.

Sa ginagawa raw na paglilibot ni Kris sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas na ipinakikita ang kagandahan ng bansa na napapanood naman sa programa niyang Kris TV ay iisa ang ibig sabihin, nagpaparamdam na raw ang bunsong kapatid ni Presidente Noynoy Aquino.Kaya huwag na raw magtaka kung isang araw ay sasabihin ng TV host/actress na pansamantala muna siyang magpapaalam sa showbiz dahil papasukin na niya ang politika.

Base naman sa nakikita namin at pagkakaalam namin ay parang imposibleng kumandidato nga si Kris sa 2013 dahil as of now ay nag-e-enjoy siya sa programang Kris TV na isang taon na pala ngasyong buwan, may tinatapos siyang seryeng Kailangan Ko’y Ikaw kasama sina Robin Padilla at Anne Curtis at gagawa ng pelikula kasama si Vice Ganda na may titulong Sisteraka na entry naman sa 2012 Metro Manila Film Festival produced ng Star Cinema at Viva Films.

Bukod dito ay may season 4 ang reality show na Pilipinas Got Talent kasama naman sina Ai Ai de las Alas at Freddie M. Garcia. Kaya paano pa maasikaso ni Kris ang 2013 election?

Posibleng 2016 ang target date niya para kumandidato, pero tulad nga ng sinabi niya sa huling panayam namin sa kanya noong Disyembre, eh, mas gugustuhin niyang maging TV/movie producer kaysa pumasok sa politika at katunayan ay plano siyang magtayo ng sariling TV station.

Samantala, mapapanood naman ngayong linggo sa Kris TV ang pagluluto nila ni PBBUE winner Slater Young ng iba’t ibang putahe sa restaurant ng Taalena Restaurant sa Tagaytay City kasama rin si Bimby na tagatikim.

7 comments:

FOR SALE said...

BUY HER OWN STATION?

kayng kaya s DAMI p nman ng pera ni KRIS......

LIKE MEGA---WILLIE may mga sariling production nrin sila.

Anonymous said...

SMB STATION???

Anonymous said...

production is different from having your own TV station dear :)

dapat ang title nito "Kris Wants to be Oprah" hahaha jk

Anonymous said...

Isipin nya pero kahit si Oprah aminado na nahhirapan siya sa bago nyang network na OWN.

Anonymous said...

hindi maDALI ANG SARILING STATION HELLOWER... KUNG SI TITA OPRAH NGA NAHIHIRAPAN SILA PA KAYA???

Anonymous said...

http://kakulay.blog.com/2012/06/tv5-binili-ang-gma7-para-imonopolyo-ang-media/

Anonymous said...

feeling oprah talaga itong si kristeta. akala mo ba teh ah ganun kadali yun?

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails