Ipinaaaresto ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 ang talent manager na si Annabelle Rama pagkatapos nitong hindi sumipot sa naka-schedule niyang arraignment kaninang umaga, June 11.
Ang arrest warrant ay inisyu ni RTC Branch 92 Judge Eleuterio Bathan.
Ito ay kaugnay ng 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng dating aktres na si Nadia Montenegro.
Ayon sa panayam ng Radyo Inquirer (dzIQ) kay Nadia, “Nag-hearing kami kaninang 8:30, ‘tapos as usual, no-show na naman siya. So the judge ordered a warrant of arrest.”
Ang arrest warrant ay inisyu ni RTC Branch 92 Judge Eleuterio Bathan.
Ito ay kaugnay ng 14 counts of libel na isinampa laban sa kanya ng dating aktres na si Nadia Montenegro.
Ayon sa panayam ng Radyo Inquirer (dzIQ) kay Nadia, “Nag-hearing kami kaninang 8:30, ‘tapos as usual, no-show na naman siya. So the judge ordered a warrant of arrest.”
Sabi pa ng dating aktres, sa pagkakaalam niya ay P140,000 ang bail na kailangang bayaran ni Annabelle.
Itinakda ng korte ang arraignment pagkatapos nitong ibasura ang motion to suspend ni Annabelle para sa kanyang hearing.
Hiniling ni Annabelle ang suspensiyon ng kanyang arraignment dahil mayroon daw siyang nakabinbing motion for reconsideration sa city prosecutor na kumukuwestiyon sa April 12, 2012 partial indictment niya.
Mamayang hapon naman daw ay pupunta si Nadia sa Caloocan City Regional Trial Court para sa hiwalay na libel case na isinampa ng kanyang partner na si Boy Asistio laban kay Annabelle.
Samantala, sinusubukan na ng PEP na kunan ng pahayag si Annabelle. Bukas ang website na ito sa anumang reaksiyon na meron siya tungkol sa report na ito.
2 comments:
ANO NA NANGYARI S APERA NG MGA PUMUSTA KAY MANNY PACQUIAO... LUHAAN SILA NGAYON OMG...
Pinarangalan kamakailan ng Children’s Jury Prize ang fantasy-drama anthology program ng ABS-CBN na “Wansapanataym” sa ginanap na prestihiyosong 2012 Prix Jeunesse International Festival sa Germany. Nagwagi sa kategoryang ‘7-11 Fiction’ ang official entry na ‘Chalk Boy’ episode na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonder na si Bugoy Cariño.
Tinalo ng ‘Chalk Boy’ sa nasabing international festival ang 19 pang kalahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang ang mga bansang Germany, Canada, Australia, Brazil, Denmark, Netherlands, China, Columbia, United Kingdom, Korea, Chile, Lebanon at Kyrgyzstan.
Post a Comment