.....

nufnang

nuffnang

Monday, June 18, 2012

GMA-7 POSIBLENG KASUHAN SI IWA MOTO!

Parang nagiging suki na talaga ng mga kontrobersiya itong si Iwa Moto. Hindi pa rin nagpapahinga ang dating ng mga intriga tungkol sa kanya. Habang hindi pa nalilimutan ang naging maeskandalong hiwalayan nila noon ni Mickey Ablan, marami ang naintriga sa kanya dahil sa pagkakaugnay niya kay Leandro Muñoz, na mabilis din namang nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Ibang klase raw ang byuti ni Iwa, mabilis makalalaki!

Palaban naman kasi talaga ang personalidad ni Iwa, kaya walang makakapigil sa mga gusto niyang sabihin. Kaya nga inatake na naman niya ng mahabang litanya si Jodi Sta. Maria tungkol sa pagkakaugnay diumano ng magaling na aktres kay Mickey nu’ng magkarelasyon pa sila, habang ngayon naman ay marami ang nababaliw kay Iwa, dahil ang boyfriend na niya ay ang nakahiwalay na husband ni Jodi na si Pampi Lacson. Talaga bang maliit ang mundo para kina Iwa at Jodi?


Habang deadma naman si Jodi sa mga pasabog ni Iwa tungkol sa kanya, mayroon na namang bagong isyung kakaharapin si Iwa. Ito ay sa dahilang may posibilidad siyang kasuhan ng GMA-7 dahil sa paglipat niya sa TV5. Habang hot na hot pa si Iwa sa kanyang mga paghahamon kay Jodi, inaabangan ngayon ang kanyang ibubugang sagot sa hirit ng Siyete na baka makasuhan siya dahil napapanood na siya sa Kapatid Network.

2 comments:

jim said...

mas maniniwala akong inosente si Jodi . Iwa landi mo girl

Anonymous said...

nin s katrina halili...ngayn iwa nman...hahaha

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails