.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, May 8, 2012

TULFO BROTHERS APPOLOGIZES FOR THREATENING RAYMARK SANTIAGO!

Humingi ng paumanhin si Erwin Tulfo sa mga manonood at radio listeners ng T3 Kapatid, Sagot Kita! dahil sa mga salita na binitiwan nila kahapon, May 7, ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Raffy sa programa nila sa TV5.
 
Ito ay kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kuya nilang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, noong Linggo, May 6.

Nag-apologize si Erwin ngayong umaga, May 8, sa Punto Asintado—ang radio program nila ni Martin Andanar na napapanood sa AksyonTV at napapakinggan sa Radyo Singko 92.3.


Pahayag ni Erwin, “Kung kayo ho ay... kung hindi ninyo nagustuhan, kahit hindi kayo kasama sa problemang ito, ang amin pong paumanhin.

“Maging ang aming ina ay hindi nagustuhan dahil ito raw ay pagbabanta.

“Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.

“Nevertheless, hindi pa rin karapat-dapat bilang isang broadcaster.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po, sa mga natakot.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin—lalo na po yung mga nanood kahapon.

“Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na 'yan at isa pa, e, naiparating na namin ang mensahe kaya...

“Ang inyo pong pang-unawa at paumanhin sa mga salitang binitiwan namin kahapon dahil hindi naman po ito tinatangkilik ng aming istasyon, ng TV5 Network, sampu ng management.

“Mula po sa may-ari, sa pangulo, lahat ng mga opisyales ng TV5 ay hindi po sinasang-ayunan ang mga ganoong klase ng matatalas na pananalita kaya po kayo na ang umintindi.

“Kami po ay humihingi ng kapatawaran, sampu ng aking mga kapatid.

“At yun nga, yung sinasabi ng management na nasa korte na 'yan kaya hayaan n'yo nang gumulong ang hustisya.”

BROTHERS WERE AT FAULT. Pinagsabihan din ni Mon ang kanyang mga kapatid tungkol sa kanilang mga banta na pinakawalan sa T3.

Sa panayam sa kanya nina Alex Santos at Bernadette Sembrano sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN ngayong umaga, ikinuwento ni Mon ang pagkastigo sa mga nakababatang kapatid.

“Maling-mali sila roon. Pinagalitan ko sila kahapon.

“Sabi ko, bakit naman sila ganoon…

“Alam mo, hindi mo sila masisisi, yung bugso ng damdamin.   

“They realized their mistakes.

“Sinabi ko nga, ‘Maling-mali ang ginawa ninyo. Hindi ninyo dapat sinabi 'yan.

“’Unang-una, yung public opinion, nasa atin na. Saka yung revenge, e, is the lowest form of retaliation,’ 'yon ang sabi ko..

“Alam nila na nagkamali sila. Nagsisisi sila.

“Ako ang pinakamatanda sa magkakapatid. Nagsilbi nga ako na magulang sa kanila noong sila'y nag-aaral pa.

“Sabi nila, ‘Oo nga, Kuya, talagang nadala lang kami nang makita ka namin na aping-api.”

8 comments:

mOST wanTED said...

wow..GALING astig nga tong mag KPATID N toh..wlng takot pero mrunong din pla mag APPOLOGIZE...saludo ako s inyo..

Anonymous said...

sus....hindi ako saludo....

dapat kahapon pa lang naisip na nila ang mali ang mgbanta....aba daig pa nila ang PRESIDENTE NG PILIPINAS KUNG UMASTA...

ginagamit na nila ang media sa maling pamamaraan....

pero mabuti na rin at humingi ng paumanhin....

PERO ANG NASABI AY NASABI NA.

Anonymous said...

Masasabi talga nila yun coz of there emotion... di naman din natin sila masisisi sanangyari...

Yung iba nga eh...mas wild pa ang reaction sa nangyare...eh paano naman sa mga mismong kapatid nila...masangkot ba naman kapatid mo dun sa bugbugan di ka magwawala...

Normal lang yan and i appreciate sa pagapologize nila...

mommy said...

cla claw & raymart kailan kaya mag so-sorry sa pambubugbog nla ng matanda???? hmmmmmmmmm....

Anonymous said...

AKo basta nag-apologize sa pagkakamali, ok na ako.

Marami kasing NEVER NAG-AAPOLOGIZE at NEVER UMAAMING NAGKAMALI.

At least they are not full of themselves. Not at the level I'm expecting. Surprising actually that they have apologized. HIndi naman pala ganun SOBRANG ma-pride. Mahirap sa taong gaya nila ang magapologize. So give it to them sa pagkakataong ito.

whorunthismotha?! said...

Hindi magandang halimbawa ang Tulfo brothers. Sa programa nilang T3, isang panig lang ang pinagsasalita at kaagad silang nanghuhusga which is totally wrong. To solve problems, dapat two sides ang pinakikinggan.

Anonymous said...

CLAUDINE MASAKIT PA BA ANG HITA MO??? IKA-IKA KA KASI SA PAGLALAKAD EH... PITTY YOU GIRL...TALES OF A DRAMA "QUEEN"

Anonymous said...

buti nga sayo claudine and raymart! matanda na pinatulan pa!!! yabang din!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails