.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, May 22, 2012

IZA TO FINALLY APPEAR IN HER FIRST TELESERYE AS KAPAMILYA!

Matagal-tagal na rin mula nang pumirma ng kontrata si Iza Calzado sa ABS-CBN pagkatapos niyang lumipat mula sa GMA-7.

Bukod sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at sa regular stint niya sa ASAP, hindi pa napapanood ang aktres sa isang regular na teleserye.

Kaya naman marami sa kanyang mga tagahanga ang naghihintay ng pagbabalik-serye niya.

Namataan ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) at Cinema News si Iza sa press launch ng clothing line ng Uniqlo sa Manila Intercontinental Hotel last May 16.


Dito ay nilinaw ni Iza kung bakit medyo nawala siya sa sirkulasyon.

Aniya, “I mean, there was just a lot of time for few months that I wasn’t really doing a lot of things, but honestly masaya ako dun.

“I was really grateful because prior to that, I can’t take vacation ‘coz my father [the late Lito Calzado] was sick. 

"Actually, I really think everything that happened is just a gift.

“Feeling ko, He gave me, ‘Anak, magbakasyon ka. Okay anak, wala pa. Sige, mag-relax...'

"Pero ngayon, 'Okay anak, oras na para magtrabaho, tigilan mo na ‘yan, back to work na.’”

NEW TELESERYE. Itinuloy ni Iza ang kuwento na nagsisimula na sila ng kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Kahit Puso’y Masugatan.

Kasama niya rito sina Gabby Concepcion, Andi Eigenman, at Jake Cuenca; mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.
   
“Bukas, mayroon na kaming photo shoot, storycon... mag-i-start na ang lahat. 

“Kumbaga, the wheel will start its turn, the ball is rolling, so malapit na malapit na ang Kahit Puso’y Masugatan.

“Hindi pa kami nagwo-work, nag-workshop pa lang kami.

"Okay naman, masaya... marami akong natutunan sa proseso. 

“Si Tito Pen [Medina] ang nag-conduct ng workshop, maraming naidulot na maganda.“Kasi kumbaga, ina-analyze namin yung character, yung panggagalingan namin, yung objective ng character namin…
“It’s good thing to do before starting a program, so you don’t go in the set empty-handed or parang lost.
  
“I’m happy and excited working with all of them... Direk Wenn [Deramas].

"I’m very happy to be part of this program right now," saad niya.

ADJUSTMENT PERIOD. Nakapag-adjust na ba siya sa ABS- CBN?
  
“Mabuti naman," sambit ni Iza.

"Nawawala-wala pa rin ako sa ELJ [isang building sa ABS-CBN compound], naliligaw pa rin ako!

“Sabi ko nga, bago kasi ako. ‘Tapos may ID na ako."

Marami na ba siyang naging kaibigan dito?


"Oh, yes... but my personality kasi, I don’t like, ‘Hey, let’s hang out.’ 

“Only of course there’s a need  to hang out, occasional dinner, but I do have my friends in ABS, like Karylle.

"Kahit nga si Kay [palayaw ni Karylle], hindi kami nagkikita, mag-aaya pa ba ako ng iba?

“But I’m sure I’m starting a new series and I will be spending more time with other people.

“Maybe because of that, I will develop new bond, new  ties.”

STILL DATING. Open book na nauwi sa breakup ang ilang taong relasyon ni Iza sa kanyang non-showbz boyfriend.

Nang tanungin ng PEP kung open siya sa bagong pakikipagrelasyon sa ngayon, sinabi niyang hindi siya nagsara ng pinto.
  
“I didn’t say that, there’s always time for love, di ba?
“I’m dating, I’m still dating the same guy.

"Wala pa kasi kayong pinapa-date pa sa akin… yung iba naman, ayaw lumapit. 

“Ang tagal ninyo, ang bagal ninyo kasi!

“Baka naman talagang wala—waley,” natatawang pagtatapos ni Iza.


6 comments:

Anonymous said...

KAILANGAN I-WORKSHOP NG HUSTO NI IZA PARA MAWALA YUNG TATAK KAPUSO AKTING NYA YUNG EPISODE NYA SA MMK WITH ZANJOE KAPUCHU ANG DATING NYA... NGAYON NAGWORKSHOP NA SYA SA ABSCBN MAGBABAGO NA ANG ACTING STYLE AT MA IIMPROVE LALO ANG SKILLS NYA MORE POWER IZA...BAGONG BIHIS ANG AKTING MO...

KAPAMILYUCKS said...

LAOS KA NA IZA!!!!

Ilang beses ka ng binigyan ng bida roles ng GMA 7 pero talagang MABIGAT KA SA FANS!

Ang bigat ng aura mo sa TV, kahit nasa Eat Bulaga ka, talagang awkward!

At least nakilala ka, pero since lumipat ka sa ABS-CBN, certified LAOS KA NA!!!!

Yan ang bad move!!!

mOST wanTED said...

iza is iza i tink khit papaano dmi s sya ntotonan s ABS WORKSHOP at ok n sya NUN s MMK....gudluck IZA..after ng telesrye nya...2 movie p at PBL p ang ggwin nya.

Anonymous said...

Sa palagay ko Iza is not the star material. Pero siya ang magiging ever reliable character actress ala Mylene, Dimples, Cherry Pie. Ampangit ng new show nya. Gabby, yuck. Jake, yuck. Andi, yucky. Lalamunin ni Iza ang banong umarteng si Andi. Tapos si Wenn pa ang director, double yuck yucky. Thank you at wala si Angel Locsin dito. Ok sana kung Angel with Iza directed by someone like FM Reyes.

Anonymous said...

bitter na naman ang mga kapuso fans dito hahahah....

sorry kayo , dahil napunta na si iza sa dos....alam ng lahat na lalo pa syang sisikat at gagaling bilang artista...

Anonymous said...

Iza deserves a better show. Not a show directed by Wenn Durano with Andi who can't act to save her life.

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails