.....

nufnang

nuffnang

Thursday, May 17, 2012

CLAUDINE DESPERATELY NEEDS PSYCHO TREATMENT, GABRIELA

Lumapit pala si Claudine Barretto sa Gabriela para humingi ng tulong dahil nagkaroon daw ito ng emotional trauma sa nangyaring gulong kinasangkutan nila ni Raymart Santiago kay Mon Tulfo.Ayon kay Lana Linaban na Secretary-General ng Gabriela, humingi raw ng tulong sa kanila si Claudine kaya tutulungan nila ito.

Hindi raw sila makikialam sa kaso para alamin pa kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo. Humingi lang daw ng tulong si Claudine kaya tutulungan nila ito kung kinakailangan nito ng suporta ng naturang samahan.

Kung talagang emotionally stressed daw ito, nandiyan daw ang Gabriela para bigyan ito ng tamang psychological treatment para mabalik sa normal na takbo ang buhay nito.


Si Jennylyn Mercado ang isa sa tinulungan ng Gabriela at gusto ngang maging active member na ito ng naturang grupo ng mga kababaihan.

Napag-usapan nga raw ito sa Gabriela at kung kinakailangan daw itong tulungan, isa si Jennylyn sa tutulong kay Claudine.

Nu’ng kamakalawa ng hapon ay binigyan si Jennylyn ng Award of Recognition ng Gabriela dahil sa nais nitong makatulong sa mga kababaihang dumaan sa karahasan o pang-aabuso.

Dumaan din kasi si Jennylyn sa karanasan na kung saan nasaktan siya na walang kalaban-laban kaya humingi ito ng tulong sa Gabriela.

Ngayon ay isa na siyang miyembro ng Gabriela at gusto ni Jennylyn na makatulong sa mga kababaihan na nangangailangan ng tulong.

Pormal na in-announce ito ng Gabriela sa kanyang fans day na ginanap sa bago at napakalaking Star Mall sa San Jose, Del Monte, Bulacan.

2 comments:

mOST wanTED said...

heheheh nababaliw n ata toh..hehehe
wawa nman..tapos un GMA benibenta na...hay buhay..number1 DAW kc heheh.

whorunthismotha?! said...

Daming pera ni Claudine, bakit kailangan pa niyang humingi ng tulong. Pwede naman direct na siyang magpa-appointment. Tss. Masabi lang na kaawa-awa siya. Para maisalba ang image niya. Dami niyang chuchu.

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails