.....

nufnang

nuffnang

Monday, April 2, 2012

WILLIE REVILLAME BINANATAN NANAMAN ANG ABS-CBN!


Muling naglabas ng sama ng loob sa dating network

Nu’ng Sabado nang gabi ay naging guest sa Wil Time, Bigtime ang mga dating co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowee na sina Saicy, RR Enriquez at Roxanne Guinoo.

Natural, dahil nu’n lang uli sila nagkita-kita pagkatapos nang halos dalawang taon, ay puro pagbabalik-tanaw at kantiyawan ang nangyari sa kanila kasama si Mariel Rodriguez.

Nadala ng kanyang emosyon si Willie, “Kilala n’yo ako kung paano magtrabaho.


Maaga akong dumarating sa studio, mas nauuna pa ako sa ibang staff. Pero bakit ganu’n?

Ako pa ang sinabihang mayabang, ako pa ang tinanggal, ako pa ang pinarusahan?” nagbibirong-totoo na litanya ni Willie.

Maya-maya ay nagkuwento siya sa kanyang mga guests, “Alam n’yo, masarap magtrabaho dito sa TV5.

Ang mga boss namin, palaging nakasuporta. May matatanggap kang text, galing kay Sir MVP, ‘Hi, Willie! How are you?’ Mga ganu’n!

“Ang presidente ng network, tatawagan ka, kukumustahin ka, napakasarap! Ganu’n sina Attorney Ray C. Espinosa, Mr. Bobby Barreiro, si Mr. Manny V. Pangilinan, napakasarap nilang maging boss!

“Ngayon ko lang natikman na i-text ako ng mga boss ng network, never na nangyari ‘yun sa akin noon, si Ma’m Charo Santos lang ang gumagawa nu’n sa akin!” litanya pa rin ni Willie.

Kapansin-pansin na sa paulit-ulit niyang pagkukuwento ay hindi niya nababanggit ang pangalan ni Ms. Cory Vidanes, si Ma’m Charo lang ang palagi niyang kinukumusta, saka sina direk Johnny Manahan at Ms. Mariole Alberto na palagi niyang naaalala.

Sa puntong ‘yun ay nauunawaan namin si Willie, napakarami kasing impormasyong nakarating sa kanya na galing sa mag-asawang direk Bobet at Ms. Cory Vidanes, nagpapakatotoo lang siya sa kanyang sarili at sa publiko.

Pero kung minsan nga, ang akala nating negatibo ay nagiging positibo pa, tulad na lang ng pagkawala niya sa ABS-CBN at paglipat sa TV5 na mas nagpaunlad pa sa kanyang personal na buhay at career.

Sa totoo lang.


Bandera

15 comments:

Anonymous said...

>_<

Anonymous said...

ulol . mas maunlad daw. e ang rating ng show ni willie , kulelat sa tv patrol at 24 oras. papalaos na yan hambog ng ya. buti nga....

Anonymous said...

di ko siya kilala..

Anonymous said...

Ang liit ng mundo ng showbiz sa Pinas, kaya Willie stop mentioning the past and move on!!! Baka sa mga susunod na taon makaka-trabaho mo ang mga taong binabanggit mo.......

Be professional and you are already more than 50 years old, act like a man, hindi yung parang manok ka na putak ng putak.

Iwasan ang sobrang yabang!!!!

Anonymous said...

Magaling talaga si WIllie magpaawa. If he loves to dwell on the past to defend himelf, e di ikwento kaya niya kung paano niya binato si Liz Almoro at kung paano niya ipakita ang superstar complex niya sa bahay. Everything is written in the annulment case. And that is public document.

Anonymous said...

nakakatawa 2ng c willie parang bata di makamove-on hahaha! naghahanap ng kakampi sa GMA kaya pinupuri niya eh ang GMA no comment! haha kasalanan naman talaga niya! hay willie matanda ka na gurang nah kaya be MATURE not IMMAture!

Anonymous said...

gagamitin na naman ang abscbn,,,hheheheheh........ wala na teh!!!!!laos na....game n go asan na,, eh si tita sharon din asan,,, kala ko march,,april na ha!!!

mOST wanTED said...

Eh un nman pla eh...msarap at msya jan s TV5 so MOve ON..TIGILAN/TANTANAN n ang ABS OK?

MAYABANG...NAG IINGAY K LNG PARA MPAG USAPAN UN SHOW MO!!!

hnde nga mka abante s TV PATROL/24ORAS

Anonymous said...

U r such a baby willie revillame tanggapin mo nlng ang kato2hanan n mlaking kwalan ang abs sau! Pglaos kna at wlng pera mwa2la yan mga ta0ng pnupuri mo. Bumagsak kna dati pero cn0 uli ang ngtwala sau abs db? Hnd lahat mabbli ng pera mo sana maisip mo yan!

Anonymous said...

WELL ANG HIRAP MAG MOVE ON SA SINAPIT NYA SA ABSCBN NAKAKA SURVIVE NAMAN ANG ABSCBN SA NOON SLOT THRU ITS SHOWTIME PERO LALAKAS DIN YAN ...BAWASAN ANG PAGKAIN NG AMPALAYA WALA KA NA SA ABSCBN BUKAMBIBIG MO PA RIN ABSCBN ANO IBIG SABIHIN NUN BITTER MUCH???

maztero said...

...natatakot lang yansi willie kasi hirap ang tv5 napalakasin ang mgashow nila ...lugi na nga kay nora auro mas lalo malulugi yan kpg sila sharon at derek ramsy..ang daming binayarang talent nahalos tripple fee pero ala nman naibabalik sa tv5 kaya yun kinakabahannasi willie mg sara ang tv5..hehehe

Anonymous said...

No comment watch and listen nlang tayo k.

Anonymous said...

sa totoo lang eh ang dami ng napiratang artista ng tv5 sa GMA at Abs pero ang laging ginagamit ay EMPOY at ALEX GONZAGA. ano ba yan!

Anonymous said...

sobrang bitter talaga yang si WILLIE!!! muka syang tanga!! ang tagal2 n nyang lumipat sa tV5 eh..ano namang feeling nya kailangan itxt pa sya ng mga big boss sa abs para lang masabing masaya sa network?? kakatawa kayabangan at bitterness mo!!!!haha

Anonymous said...

willie bitter ka talaga kasi kaw madalas magbanggit ng abs cbn eh kaw ngahindi binabangit sa show ng abs cbn sino ngayon ang ang talo, sabihin laki kang kwaan sa abs cbn hindi kaya kita mo kahit sina sabi ng GMA n # 1 sila pero malaki parin ang kita ng abs cbn,ito pa ha dati nasa abs cbn ka #2 celebrity endorser ka ngayon saan wala , malamang mawala si sharon at derek , pati nga si Claudine nawala meaning malaki ang tulong ng station sa mga artista nila kita halos lahat kapamilya stars kahit awards hakot katakot takot ng abs cbn.
TrY mo magpakumbaba masarap ang ang feeling

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails