.....

nufnang

nuffnang

Wednesday, February 15, 2012

MO TWISTER ATTACKS OGIE ALCACID OVER THE ABORTION JOKE!

Mabilis na nakarating kay Mo Twister ang ginawang pang-i-spoof ni Ogie Alcasid sa kanya sa katatapos lang na successful concert ng singer-comedian, kasama ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, sa Smart-Araneta Coliseum kagabi, February 14.

 Sa isang bahagi ng Mr. & Mrs. A concert nina Ogie at Regine ay gumawa ng kani-kanilang video diaries ang celebrity couple upang isalawaran ang pinagdadaanan ng mga mag-asawa kapag nag-aaway o nagkakatampuhan sila.

Sa video ni Ogie ay paiyak-iyak kunwari siya habang nagsasalita nang may American accent.

 Marami ang natawa sa audience dahil may pagkakahawig ito sa video diary ni Mo Twister na kumalat sa Internet noong isang taon.

Naging kontrobersiyal ang video diary na ito ni Mo dahil isiniwalat niya rito ang plano nila ng ex-girlfriend niyang si Rhian Ramos na pagpapalaglag diumano ng kanilang "baby" sa Singapore.
 Pero sa ginawang video ni Ogie ay walang pagbanggit sa isyung ito.

 Dahil sa social networking sites gaya ng Twitter at Facebook ay nalaman ni Mo ang ginawang pang-i-spoof sa kanya ni Ogie. Kasalukuyang nasa New York si Mo.

Hindi pa man natatapos ang concert nina Ogie at Regine ay nag-post kaagad ang radio-TV host ng magkakasunod na tweets upang ihayag ang kanyang saloobin.

Narito ang tweets ni Mo:

 "Just heard @ogiealcasid made fun of me crying in the abortion video. Classy move bud. Didnt you just have a child? Glad, its alive.

"hey guys, dont worry bout it. i'm sure he got a good laugh out of it. a few kids dying is pretty fucking funny. unless its his @ogiealcasid"

 Bukod dito ay sinagot din ni Mo ang reaksiyon ng isa niyang follower na tila sumang-ayon sa kanyang pahayag.

Ani Mo: "exactly. at times i feel like the only people who understand how hard it was are parents who have lost children. so much is made bout careers being ruined, etc. nobody knows how much i fought to keep it alive. there is a darker deeper story here yet no one gets how hard and miserable it was to go through it. everyone mourns differently and you never get over it. I have a sick daughter now and after losing the last one, you just look for avenues for something to hold on to. I go back to the hospital, i take pictures of where it happened, i hold on to anything I have left. People will never understand."

 Nang makarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tweets ni Mo ay kaagad naming hiningan ng reaksiyon ang kampo ni Ogie.

 Pagkatapos na pagkatapos ng concert ay nilapitan ng PEP ang direktor ng Mr. & Mrs. A na si Randy Santiago.

Bilang direktor ng concert nina Ogie at Regine, isa si Randy sa nag-conceptualize ng paglalagay ng video diaries upang maging bahagi ng daloy ng kuwento.

 Nang tanungin tungkol sa naging reaksiyon ni Mo ay idinaan na lang ni Randy sa biro ang kanyang sagot.

 Aniya, "Hindi naman siya 'yon. Siya ba 'yon? Wala naman kaming sinabing siya, a!

 "Bakit siya nag-react? Siya ba 'yon? Kamukha ba? Kahawig ba niya? Hindi naman, a!"

4 comments:

katuLONG said...

mo only OVER REACTED :))

whorunthismotha?! said...

SI MO LANG BA PWEDENG MAGVIDEO BLOG NA UMIIYAK NA MAY AMERICAN ACCENT? KAPAG NAGVIDEO BLOG NA UMIIYAK NA MAY AMERICAN ACCENT, MO TWISTER NA AGAD?! C'MON MO, EVERYTHING IS NOT ABOUT YOU AND YOUR STUPIDITY WITH RHIAN RAMOS. i don't fucking care about the story why you decided to abort the baby. You both made the decision to have sex.Hindi niyo inisip kung baka makabuo kayo. Tapos nung andyan na una niyo pang inisip na baka masira career niyo. ULUL.I know my comment is foul but yun ang naiisip ko e. Sorry na lang.

katuLONG said...

^
not a fan of Mo, i don't even like him and what his reaction on the allegedly "spoof" of Ogie was overreacting.. & bout nung sa abortion, ayaw naman talaga ipalaglag ni Mo yun, decision ni Rhian yun kaya wala syang nagawa.. :)) peace..

Anonymous said...

It's not my first time to pay a quick visit this site, i am visiting this site dailly and obtain good data from here daily.

Visit my site ... What Should i Weigh

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails