.....

nufnang

nuffnang

Thursday, January 19, 2012

SARAH GERONIMO TO LEAVE ASAP FOR HER OWN SUNDAY MUSICAL SHOW!

Magkakaroon na ng sarili niyang musical show sa ABS-CBN si Sarah Geronimo.

Ang magiging titulo nito ay Sarah G. Live! at mapapanood ito tuwing Linggo ng gabi simula sa Pebrero.

Kinumpirma mismo ni Sarah ang balitang ito sa thanksgiving party niya para sa press kagabi, January 18.

Ginanap ang pagdiriwang sa pag-aari ng mga Geronimo na Imo's Pancit Malabon restaurant, sa may Mindanao Avenue, Quezon City.

Sabi ng Pop Princess sa kanyang bagong show: "Very happy po ako sa concept nung show.


"Pangalan ko po ang dadalhin ko dito, na ninenerbiyos po ako kasi, siyempre, sariling show na natin 'to.

"But, of course, makakasama ko ang ibang artists din, magagaling na artists.

"So, abangan po natin."

Hindi pa kumpirmado, pero posibleng ang show ni Sarah ang papalit sa timeslot na maiiwanan ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda tuwing Linggo ng gabi.

Matatandaang sa mahabang panahon ay si Sharon Cuneta ang may hawak ng Sunday primetime slot ng ABS-CBN—mula sa kanyang musical-variety show na The Sharon Cuneta Show hanggang sa talk-variety program niyang Sharon.

Pero ngayon ay kay Sarah na ipagkakatiwala ng Kapamilya network ang timeslot na ito.

Sabi naman ni Sarah tungkol dito, "Nabigyan lang po ako ng pagkakataon na, 'yon, makakita pa sila ng mas maraming performances."

Pero ano ang pakiramdam na meron na siyang sariling musical show?

"Siyempre ho, nung una ayoko, natatakot ako.

"Kasi sariling show ko na 'yon, e, saka malaking responsibility 'yon sa akin as an artist.

"Pero, blessing ito.

"Napakagandang blessing nito at another challenge para sa akin para mag-grow as an artista and as a person.

"So, ba't ko tatanggihan?" saad ni Sarah.

LIVE CONCERT EVERY WEEK. Aminado rin si Sarah na kinakabahan siya sa bago niyang programa.

"Opo, kasi siyempre may mga... Like, everytime na lumalabas ako sa stage at nagpe-perform, may takot pa rin naman po ako, e.

"Eto, sabi ko, parang gusto nila, live every Sunday night.

"Parang every Sunday night, may concert ako sa Araneta.

"Parang yun ang feeling."

GOODBYE ASAP? Yun nga lang, dahil magkakaroon na siya ng sariling weekly musical show, pansamantalng magpapaalam si Sarah sa musical-variety show na ASAP.

Ang ASAP ay may timeslot na Linggo, noontime.

"Pero siyempre, pag may mga guestings, shows, projects na kailangang i-promote, babalik tayo sa ASAP," paniniguro naman ni Sarah.

Itinanggi naman ni Sarah na may iniiwasan siya sa ASAP kaya iiwanan niya muna ito.

"Wala. Wala ho, ha... Bakit naman? Friends na kaming lahat."

Matatandaang nagkaroon ng alitan noon si Sarah at ang kasamahan niya sa programa na si Cristine Reyes.

Ang isyu ay si Rayver Cruz, na nakarelasyon ni Sarah at ngayon ay boyfriend naman ni Cristine.

Pero nagkaayos na ang dalawang female stars, matapos gumawa si Sarah ng first move para magkabati sila.

Dahil din sa bagong show ni Sarah ay hindi na muna siya makakagawa ng teleserye.

"Siyempre, ito pong show na gagawin natin, yung Sarah G Live, talaga pong malaking preparation po ito, e.

"Parang concert po ito sa Araneta talaga," saad ng Pop Princess.

14 comments:

yes said...

Bye S aSAp sARAH g....GodlcK...

Anonymous said...

sna di mag flop,
at tumgal ng ilang bwan, bka mgaya to s idol.
sad to say, ndi n ganun kalkas c sarah ngayon..\gudluck

JohmenMeeh said...

let's see what will happened :)

Anonymous said...

TRENDING TOPIC WORLDWIDE SI SARAH SA ASAP EVERY SUNDAY...


SURE AKO NA MAGTTRENDING DIN EVERY EPISODE ANG SARAH G LIVE!!! :)


GOODLUCK SARAH!

yes said...

i m SURE n malaks ito kc hnde nman ito like IDOL eh...liVE concert ITO EVRY sunDAy...

Anonymous said...

kahit ako KAPAMILYA, trash naman talaga yong idol na yon i really hate that show! from promising to nothing, maganda naman umpisa nang idol hanggang sa naging basura!

anyways, lots of luck to the sarah g live! baka tapatan na naman nang nag iisang INSECURE network na kapokpok network, di ba BOBONG LONG?!

bwahahahahahahahahahahahahahahaha!

reymiape said...

akala ko malakas yong kay vice ganda ayon sa kantar bakit papalitan? yan ang ang patunay na hindi mapagkakatiwala ang kantar ratings.

reymiape said...

akala ko malakas yong kay vice ganda ayon sa kantar bakit papalitan? yan ang ang patunay na hindi mapagkakatiwala ang kantar ratings.

ABS#1 said...

tanga, basahin mu muna ang full article bago ka magcomment. . ,, hwag kang maging tanga. , marami na kayo.. . .

marami lang talagang line-up nna show ang ABS, bibigyan naMAN ng exposure ang ibang talents. , di tulad sa GMEEWWW nah puro na lang c Tarot ang makikita, nakakasawa. . . .

Anonymous said...

ABS-CBN PROGRAM SCHEDULE THIS JANUARY 23, 2012

Umaganda:
5:00am Umagang Kay Ganda
8:20am Sailor moon
8:50am Naruto Shippuuden 4
9:20am Kris TV

Primetanghali
10:30am Showtime
12:15pm Happy Yipee Yehey

Kapamilya Gold
2:45pm Heartstrings (final week)
3:45pm Angelito: Batang Ama
4:25pm Pinoy Big Brother UnliDay
5:10pm Precious Hearts Romances
presents Lumayo Ka Man Sa Akin

Primetime Bida
5:50pm Maria La Del Barrio
6:25pm TV Patrol
7:45pm Ikay ay Pag-Ibig (last week
8:20pm Budoy
8:55pm Walang Hanggan
9:35pm Pinoy Big Brother UnliNight
10:20pm City Hunter
11:00pm Bandila

Anonymous said...

new kamapmilya prime time bida series E-Boy, kapamilya station e-boy it not good for philippines tv especially sa mga kids, EBOY IBig sabihin sa visayas at mindanao ay sex, talik, kabobayan. pambata pa naman ang target nito. sana palitan ng title.

Anonymous said...

Vice Ganda show will be paused for the meantime becuase they want to avoid the "sawa" factor of the fans and the kapamilya viewers. That's why Sarah will take in charge of the time slot. Watch out Sarah with High energy performances. Kung bitin kayo sa mga production numbers n'ya sa ASAP, You will assure on her new show, she will give you more world class prod. numbers.

Vice Ganda Season 2 Show will be aired also this year with his new co-host. Watch out!!!!

Anonymous said...

Mga Kapamilya, may pasabog ang ASAP 2012 sa Quirino Grand Stand sa linggo Jan. 22, 2012!!!!

Tumutok sa Linggo!!!

Kawawa said...

new kamapmilya prime time bida series E-Boy, kapamilya station e-boy it not good for philippines tv especially sa mga kids, EBOY IBig sabihin sa visayas at mindanao ay sex, talik, kabobayan. pambata pa naman ang target nito. sana palitan ng title.

__________________________________

another SENSELESS and TANGANG KAPUSOY fan. ahahahahaha. Excuse me, check your vocabulary and some knowledge please, wag kang gumawa ng di tama. ang sex po sa vernacular ay "IYOT" at hindi Eboy, gets? TANGA!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails