.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, January 10, 2012

KC CONCEPTION LEAVES THE BUZZ FOR X FACTOR!

Lilisanin na ni KC Concepcion ang Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz. Ito ay matapos ang halos dalawang taon niyang pamamalagi sa programa. Nagsimula si KC noong April 11, 2010. Bago ito ay ilang linggo ring hindi napanood si KC sa The Buzz, sa gitna ng kontrobersiya sa breakup nila ni Piolo Pascual. 

Pero kahapon, January 8, ay bumalik si KC sa naturang programa upang magpaalam. Ipinakilala rin siya bilang host ng X Factor Philippines. Si Boy Abunda ang nag-interview kay KC bilang isang guest. Bungad ng actress-TV host, "I feel at home. Siyempre, itong The Buzz, palagi siyang magiging at home sa akin. "Kanina pumapasok ako, naghahanap ako ng lapel. "Sabi ko, 'Wala na pala akong lapel, kasi guest na pala ako, Tito Boy.' 


"In fairness sa two years na yun, na-miss ko rin palang maging guest dito, ha!" natatawa niyang sabi. Sa huli, sinabi rin ni KC how excited she is sa kanyang bagong show na X Factor. Aniya, "I'm so excited for X Factor. This is the biggest show in the U.K. "It was really big show in the U.S. at napakalaking bagay na ibinigay sa akin ang X Factor talaga. "At, hay naku, yung mga makakasama ko do'n, hindi pa namin puwedeng sabihin sa inyo. "Pero yung mga makakasama ko do'n, first time kong makakasama. "First time nating makakasama sa telebisyon. "Isa na naman itong singing competition na talaga namang tagisan ng galing. 

"At ito ay isang nationwide. Maghahanap kami ng mga contestants from Bacolod, Cebu, Davao... "Hay naku, buong Pilipinas talaga lilibutin namin at ipapakita ang mga nag-o-audition. "Sa umpisa pa lang, kasama na kayo sa show. I'm x-cited and I'm x-tremely excited," pakuwela pa niyang sabi. 

4 comments:

yes said...

GUDLUCK...POh...

Anonymous said...

Hoy chakang kc,di mo bagay.lipat ka na lang din sa TV5 noh?kasama mudra m0ng baboy.
Wala kang x factor sa hosting.puro flop mga shows at m0vies mo.
Angel Locsin
Anne Curtis
Toni G
Yan pwd maging host sa X Factor.duh.

Anonymous said...

http://newsonph.blogspot.com/2012/01/confirmed-and-unconfirmed-shows-in-abs.html

Anonymous said...

hoy Baklang Anonymous baby cla ikaw Wild boar na bocha akala mo kng sino eh baklang 1 inch lang ang lipad mo wild boar blehhhhhh

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails