.....

nufnang

nuffnang

Thursday, December 22, 2011

VIC SOTTO FEELS VERY SPECIAL TO BE PART OF ABS-CBN'S XMAS SPECIAL!

Naging bahagi si Vic Sotto ng Christmas special ng ABS-CBN na ginanap kamakailan sa Araneta Coliseum para i-promote ang Metro Manila Film Festival entry na Enteng ng Ina Mo kung saan kasama si Ai-Ai de las Alas.

Nang kamustahin si Bossing kung ano ang naramdaman niya na nagging parte siya ng Kapamilya concert, ang sagot n...iya, “I feel special about ABS-CBN Christmas Special. Para akong special.” Dagdag pa niya, “Maligaya, parang kasing ligaya kasing-kasaya ng pelikula naming lalabas ngayong Pasko.”

Ani Vic, hindi niya raw natatandaan ang huling pagkakataon na nakibahagi siya sa isang Christmas special ng kahit anumang television network kaya sobra siyang natuwa na maging bahagi ng show ng Kapamilya network. “I don’t even remember the last time I attended a Christmas Special ng kahit anong network so tonight means a lot to me,” aniya. “Sabi ko nga ‘di ko matandaan ang huli kong nilabasan na Christmas Special.”

Tinukso pa nga ni Ai-Ai si Vic dahil paglabas daw niya ng stage at sambitin ang popular dialogue niyang “Hi, fans!” ay naghiwayan daw ang audience.

Sinigurado naman ni Vic na matutuwa ang manonood ng Enteng ng Ina Mo lalo pa’t for the whole family ito. Malaki rin ang tsansa ng nasabing pelikula na maging number one pero hindi raw ito ang inaambisyon ni Vic para sa kanilang movie. “’Di ko iniisip, eh kung number [or] one number two. Basta importante sana ma-break ‘yung record last year, as a whole, ‘yung paggawa ng festival para mas maraming maligaya. Mas maraming mangyaring maganda sa industriya natin.”

PUSH.COM

3 comments:

yes said...

SYeemmmmpre IBA Ang KAPAMILYA.....msya kasama...

Anonymous said...

siguradong nasiyahan si bosing.iba kc pag kapamilya.im sure magiging num,1 yan sa mmff,enteng ng ina mo,kayu na.

Anonymous said...

Trending...

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails