.....

nufnang

nuffnang

Tuesday, October 11, 2011

GMA-7 TO REMAKE KOKAK FOR SARAH LABHATI!

Masayang-masaya ang hinirang na Starstruck 5 Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati dahil nabigyan na rin siya ng lead role sa isang drama series.

Si Sarah ang napiling maging bida sa TV remake ng pelikulang Kokak.

Hango sa isang komiks serial, ito ay ginawang pelikula noong 1989 ng Seiko Films kunsaan nagbida si Rachel Lobangco. Kuwento ito ni Kara, isang dalagita na noong pinanganak siya ay sinumpa na magiging isang palaka. Kailangang mahanap niya ang lalakeng tunay na magmamahal sa kanya para mawala ang sumpa.

Sa story conference last October 7 para sa Kokak na eere sa November 14 kapalit ng Pahiram Ng Isang Ina, kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Sarah. Hindi raw siya makapaniwala na dumating na ang kanyang big break. At eksakto pa na birthday niya. She turns 18 years old ngayong October 9.

Kaya magandang regalo raw sa kanya ito ng GMA-7 dahil pinagkatiwala sa kanya ang project.

"Noong sabihin po nila sa akin na ako ang gagawing bida sa bagong TV series, hindi ko pa po alam na Kokak iyon. Nasabi na lang sa akin later on. Pero kahit na anong project pa iyan, I will happily accept it dahil chance ko na nga ito na maging bida," ani Sarah.

"Kaya sobra akong masaya kasi nga eksakto pang birthday ko and nandito pa ang mommy ko ngayon. Kaya overwhelming lahat. Yun mga pinapangarap ko noong una akong sumali sa Starstruck ay nagkakatotoo na.

"Sobrang happy din ang dad ko. Tinawagan ko nga siya at masayang-masaya siya sa binalita ko. He's so proud of me daw. Nag-iyakan nga po kami sa phone," ngiti pa niya.

Si Ricky Davao ang magdidirek ng Kokak after ng success ng hinawakan niyang Sisid kunsaan nagbida si Jackie Rice. Mga leading men naman ni Sarah ay sila TJ Trinidad at JC Tiuseco.

"Kinabahan naman ako noong malaman ko na si Direk Ricky ang hahawak ng project. Napakahusay niyang actor tapos ang galing pa ng pagkakadirek niya ng Sisid. Excited ako to work with Direk Ricky at talagang makikinig ako sa kanya.

"Noong magkausap nga kami kanina, sinabi niya na gusto lang daw niya ay full cooperation. Open naman daw siya for suggestions or comments. Artista rin daw kasi siya kaya alam niya ang pakiramdam ng mga nakakatrabaho niyang artista," sabi ni Sarah.

"Gusto rin po niya na huwag akong mag-rely sa pelikula na Kokak. Huwag ko raw i-base yung magiging performance ko roon because he wants me to create my own interpretation sa role na Kara.

"Hindi ko pa naman napapanood yung original movie at ang storyline pa lang ang nababasa ko. Parang na-challenge agad ako sa nabasa ko at iniisip ko na nga ang mga gagawing eksena. Excited na akong simulan na namin ang project," aniya.

May nagsabi rin kay Sarah na medyo sexy ang role na Kara. Kailangan din na physically prepared siya for the taping dahil marami raw habulan at takbuhan sa mga magiging eksena.

"Ang location kasi namin ay mostly sa gubat. Sa gubat pinalaki si Kara ng parents niya dahil nagiging palaka siya. Kaya batang gubat siya. Umaakyat ng puno, tumatakbo sa gubat na nakapaa lang at nagga-gather siya ng mga kahoy at marunong mag-hunt ng mga wild animals.

"Doon nga ako na-challenge talaga. Kaya magkakaroon kami ng acting workshops at kailangan ko raw mag-workout para malakas ang katawan ko. Okey ako para diyan. I will do it para sa project na ito."

LAST TAPING IN DANSERYE. Kaya mawawala na si Sarah sa primetime series na Time Of My Life kunsaan isa siya sa kontrabida ni Kris Bernal. Kukunan na raw ang last taping day niya para sa danserye.

"Nakakalungkot nga kasi super-close kaming lahat sa  [danserye]. Kami ni Kris, kahit tinatarayan ko siya sa show, close friends kami niyan. Nagtutulungan kami sa mga eksena namin parati.

"Noong sabihin nga sa akin na mawawala na ako sa show because magbida na ako sa Kokak, siyempre nalungkot po ako pati na ang ibang kasama ko sa show.

"Pero happy naman daw sila sa akin kasi ibang level na raw ako ngayon. Pagbutihan ko raw po at marami pang pagkakataon na magkakasama kami ulit sa ibang projects."

TWO SUITORS? At dahil ang magiging focus ni Sarah ay ang kanyang gumagandang career, hindi na muna niya iniisip ang magkaroon ng boyfriend. Pero nali-link sa kanya ngayon ay dalawang guwapong young actors: Martin Escudero at Derrick Monasterio. Balitang sabay na nanliligaw sa kanya ang dalawang ito.

"Talaga po?" sabay tawa ni Sarah.

"Naku wala pang nanliligaw sa kanilang dalawa sa akin. Kilala ko naman po sila. I met Mart noon pang nasa Starstruck ako at si Derrick naman, I met a few months ago at nakakasabay ko siya sa rehearsals namin for Party Pilipinas. Mga friends ko po sila."

Hindi pa naman daw nakikipag-date si Sarah kina Martin or Derrick. Hindi naman din daw nagsasabi ang dalawang ito kung seryoso silang liligaw sa kanya.

"Wala naman silang sinasabi pa sa akin kasi. Puro text-text lang kami. Okey naman silang dalawa, e. Mababait sila pero wala pa namang nagpaparamdam sa kanila kung liligaw o hindi. I guess sa kanila na dapat manggaling yung sagot, 'di ba?

"Okey lang po naman kasi hindi ako nagmamadaling magkaroon ng boyfriend. Hindi pa time dahil mas importante na focused ako sa trabaho. Ayokong mapahiya sa mga nagtiwala sa akin for this project," pagtatapos pa ni Sarah Lahbati.


COURTESY: Pep.ph

12 comments:

yes said...

LONG COmments k dito...S MUKHANG kokak..KC MAS LALO k hehehhe.

Anonymous said...

ano daw KokaK?

palaka na lang.

Anonymous said...

Anis itis and da who mga ateng? Buti pa sa tv5 mga kilala dahil sa pagkalaos eh eto isang biggest da who!

Anonymous said...

ok n yan, khit di killa, ang importante my bago clang artista,
nkkaumay n kung c marian river, o barbie n nman,
gudluck

Anonymous said...

wow, another starlet in the making! for sure panalong panalo sa AGB-BULOK ratings ang show nang UNKNOWN nato, di ba BOBONG LONG?!

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Anonymous said...

alam ko kung saan nila kinuha yung backdrop na picture, yung palaka...

tsk...tsk...ano ba yan GMA...

Anonymous said...

yuckie!!!!

Anonymous said...

fire dancer ang kababagsakan nito for sure diba rachel lobangco no offense sa trabaho nya as fire dancer yun nga lang walang career sa tv

kokak lang ang career meaning short term lang

Anonymous said...

BREAKING NEWS!!!

KAKAPASOK LNG NG SARIWANG BALITA! GMA PINOY TV SA MIDDLE EAST, NAGSHUTDOWN NA RIN!!! ACCORDING SA ORBIT (OSN)NAGDESISYON SILA NA TANGGALING ANG GMA PINOY TV SA KADAHILANAN DI NA NAKAKABAYAD NG FEE FOR SUBSCRIPTION! ANO ETO??? NAGSHUTDOWN NA NGA SA CANADA PATI NA RIN B SA MIDDLE EAST???!!! KAKAHIYA!! MAGBAYAD NAMAN KAYO!!!

OfficialMauroAljas said...

Sino naman ito?? Nagawa na yan ni Cristine Reyes sa Wansapanatym wala nabang iba.. :P

TOP 5 HIGHEST GROSSING FILMS FOR 2O11
1.NO OTHER WOMAN star cinema/viva films
2.CATCH ME IM INLOVE star cinema/viva films.
3.IN THE NAME OF LOVE Star Cinema
4.PAK PAK MY DR. KWAK Starcinema/M-zet
5.BULONG Starcinema.. The Best talaga ang STAR CINEMA ☺☻ ♥ ABSCBN ARTISTS ! HI mga kapamilya NEWBIEako d2, im from metro manila!! Hello sa Lahat☺

OfficialMauroAljas said...

Sino naman ito?? Nagawa na yan ni Cristine Reyes sa Wansapanatym wala nabang iba.. :P

TOP 5 HIGHEST GROSSING FILMS FOR 2O11
1.NO OTHER WOMAN star cinema/viva films
2.CATCH ME IM INLOVE star cinema/viva films.
3.IN THE NAME OF LOVE Star Cinema
4.PAK PAK MY DR. KWAK Starcinema/M-zet
5.BULONG Starcinema.. The Best talaga ang STAR CINEMA ☺☻ ♥ ABSCBN ARTISTS ! HI mga kapamilya NEWBIEako d2, im from metro manila!! Hello sa Lahat☺

OfficialMauroAljas said...

Sino naman ito?? Nagawa na yan ni Cristine Reyes sa Wansapanatym wala nabang iba.. :P

TOP 5 HIGHEST GROSSING FILMS FOR 2O11
1.NO OTHER WOMAN star cinema/viva films
2.CATCH ME IM INLOVE star cinema/viva films.
3.IN THE NAME OF LOVE Star Cinema
4.PAK PAK MY DR. KWAK Starcinema/M-zet
5.BULONG Starcinema.. The Best talaga ang STAR CINEMA ☺☻ ♥ ABSCBN ARTISTS ! HI mga kapamilya NEWBIEako d2, im from metro manila!! Hello sa Lahat☺

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails