.....

nufnang

nuffnang

Wednesday, September 14, 2011

SHAMCEY: "WHAT MAKES A WINNER IS BEING ABLE TO ACCEPT NA HINDI IKAW ANG NANALO"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw makapaniwala si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa kanyang nakamit na tagumpay sa katatapos lang na beauty pageant.

"Hanggang ngayon, when I woke up hindi pa rin ako makapaniwala," saad ni Shamcey sa interview sa kanya ng Bandila kagabi, September 13.

"Kahit yung roommate ko, sabi niya sa akin, 'Congratulations!' And I said, 'Oo nga, 'no, yun nga pala yung nangyari kagabi.'

"Parang hindi pa rin totoo!"


HER WINNING ANSWER. Bukod sa napahanga ni Shamcey ang mga judge sa Miss Universe, na ginanap sa Credical Hall sa Sao Paulo, Brazil, marami ring personalidad ang humanga sa kanya.

Ang higit na nagpahanga sa kanila ay ang sagot ni Shamcey sa naging tanong ng Miss Universe judge na si Vivica A. Fox: "Would you change your religious beliefs to marry the person you love?"

Ang naging sagot ni Shamcey sa tanong ay ito:

"If I had to change my religious beliefs, I would not marry the person that I love because the first person that I love is God who created me. And I have my faith and my principles and this is what makes me who I am. And if that person loves me, he should love my God too."

Pero nang tanungin si Shamcey kung papaano nga ba niya nabuo ang sagot na iyon sa loob lamang ng 30 seconds, sinabi niyang ito raw ay dahil sa bilin ng kanyang ina na si Marcey Supsup.

"Oh, hindi ko naisip na itatanong sa akin 'yan in a pageant," pahayag niya.

"But before kasi, my mom and I... My mom is really strict and she always tells me na dapat yung magiging boyfriend ko, yung asawa ko, should be a Christian first, and that our relationship should be centered with God.

"Kumbaga, walang kinalaman sa pageant or sa question and answer, it's just what she taught me and it just came out naturally."

MISS UNIVERSE TITLE. Bagamat masaya ang marami sa pagiging 3rd runner-up ni Shamcey sa Miss Universe 2011, tila mas lamang pa rin ang panghihinayang ng ating mga kababayan.

Pero, hindi ganito ang pananaw ni Shamcey.

Aniya, "I think everything is just, you know, part of the plan.

"And para sa akin, I'm really happy to be part of Top 5.

"Among 89 candidates and you end up in Top 5, that's a great achievement already.

"And I already said that in a competition, there's a winner, someone will lose, someone will win, di ba?

"And we should like accept things for what they are.

"I think that what makes a winner, is not just winning the crown but being able to accept that hindi ikaw yung nanalo.

3 comments:

yes said...

WOW shamcey ikaw n ikaw n...tama nga nman from 89 contestant to top 5...stil n kasama un phil...panalo n para s akin un...

Anonymous said...

mgaling talaga si shamcey!!!

magaling ang abs-cbn 2!!!

hindi pala sa dos ang account ng twitter na nglabas na pinapaboran ni OPRAH SI SHAMCEY....

imitation pala yun ng abs-cbn 2....parang kilala ko na kung sinong sumasabotahe sa dos!!!

mga bitter na kanguso fans.

Anonymous said...

SA LOOB NG MAHABANG PANAHON NA NASA GMA 7 ANG BB.PILIPINAS BOKYA ANG BANSA NATIN...PERO NG PUMASOK SA ABS-CBN 2 AY NAGING MALAKAS AT POWERHOUSE NA ULI ANG PINAS.....IBA TALAGA KAPAG KAPAMILYA!

KPOP

My Blog List

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails